"Sinagot ba naman ng tanong ang tanong ko?" humarap ako sa kaniya saka siya sinamaan ng tingin. "Ngayon ko lang napansin, nagbago ka. Simula nang una kitang makilala, sobrang suplado mo. Tapos ngayon, namimilosopo ka rin pala?" sinamaan niya rin ako ng tingin ngunit nanatili ang ngisi nito sa labi. "Iyon ang akala mo," "Anong ibig mong sabihin?" hinila niya ako palapit sa kama, may pinindot ito sa hawak na remote at muling gumalaw ang mga petals. Say YES, first. "Sagutin mo muna lahat ng katanungan ko." Bumuntong hininga siya't umupo sa kama. Hinila niya ako't pinakandong sa binti nito. "Makinig ka ng mabuti, ha?" hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ako sa kaniya. "Pareho tayong apat na taong gulang nang maging magkapit-bahay tayo. Kakadating pa lamang

