"Sabay tayong kakain mamaya." Saad ni Zach ngunit hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. Deretso na rin itong pumasok sa building, hind man lang ako hinintay. "Kumain ka mag-isa mo!" maktol kong bulong saka tinahak ang daan sa aking opisina. Tatlong oras na akong nagta-trabaho ngunit wala sa sarili. Argh! "Ms. Kezia, may naghahanap po sa inyo sa labas." Agad na nabuhayan ang aking dugo. Si Zach siguro iyon, makikipag-ayos na kaya siya? "Papasukin mo." Abot-tainga kong sagot. "Maureen," biglang naglaho ang malawak kong ngiti. "Maupo ka, Caleb." Inis akong napairap. Ano bang pumasok sa isip ko't umasa akong si Zach ang naghahanap sa akin? Wala pa namang lunch time. "Mukhang disappointed ka, expecting someone?" pang-aasar pa ni Caleb. "Hindi ah! Bakit ka ba ka

