TTU FOUR

2072 Words
Chapter Four Friend After the incident on the parking lot hindi na nagpakita pang muli si Andrew sa akin. Gusto ko yung hindi ko na siya nakita dahil wala naman din akong balak na i-entertain ang balak niyang pagliligaw sa akin. Wala kong panahon sa ligaw ligaw na yan, I wanted to improve on my studies and masyado pa akong bata for those kind of things. I mean bago yung insidenteng yun ay hindi ko naman ding i-entertain ang kahit na sino. "I heard nag drop na ng school si Andrew," sabi ni Penny bago umupo sa kanyang upuan. "Pinagbantaan ka banaman ng isang Aiden Adriatico hindi kaba matatakot?" ang sabi naman ni Betty habang inaayos ang kanyang mga gamit sa lamesa. "Pinagbataan ka diyan, kinausap lang naman siya ni Aiden. Narinig niya kasi na pinaguusap nila ko ng kanyang mga barkada." "Masyadong protective sayo ang mag pipinsang iyon para tuloy tatanda kang dala." Natatawang sabi sa akin ni Penny. "Gaga! oo nga no. Annia alam mo bang tatanda kang dalaga dahil sa pagbabantay ng tatlong yan sa mga lalaki na lumalapit sayo?" "Alam niyo kayong dalawa talaga kung ano ano iniisip niyo. Parang mga kapatid ko na yung tatlong yun syempre ayaw lang nilang mapunta ako sa masamang kamay. At hindi ako tatandang dalaga no ang ganda ko kaya para tumandang dalaga." Tumatawa kong sabi sa kanila. "Bahala ka Annia kung yang pinaniniwalaan mo." Alam ko naman na masyadong protective saakin yung tatlo pero nasanay na ako na ganon sila. Hindi naman sa ayaw ko yung ginagawa nila, actually gusto ko nga yun e. Pinapadali nila ang pagrereject ko sa mga lalaki na hindi ako interesado. Someday makakakilala din ako ng lalaki na magmamahal saakin at mamahalin ko siya. "Annia, alis na kami. Nandyan na sundo mo." may panguso nguso pa sa aking likod si Betty. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang papalapit na si Aiden. Hindi na ako naiinis sa kanya gaya ng dati, basta huwag niya lang pakekelaman ang mga bagay na gusto ko at gustong gawin. Maraming napapatingin na estudyante sa kanya habang naglalakad siya palapit sa akin. Hindi naman maipag kakaila ang ka gwapohan nito kahit na may pagkamasungit. "Come on, nasa parking na yung kotse. Ininvite ka ni mama na pumunta ngayon sa bahay. Naipagpaalam kana niya sa iyong mga magulang." Hindi ko alam bakit pag kadinig ko sa kanyang boses ay kinabahan nanaman ako, bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako naging malapit sa kanya, dahil lagi akong kinakabahan sa tuwing nakikita ko siya. "Uhm? Wala paba sina Cylden?" tanong ko sa kanya na hindi nakatingin sa kanya, dahil para akong nanlalambot kung titingin ako sa mga mata niyang nakatitig saakin ngayon. "I'm here pero sina Clyden ang hinahanap mo, you are impossible. Annia." Para akong mababaliw noong bangitin niya pangalan ko. Kailangan kong kumalma at ayusin ang aking sarili. Breath in and Breath out Annia. "Masama ba silang itanong? They are my friends" "Friends my ass. Tara na." Tumalikod siya sa akin at nag simula ng mag lakad. Ikalma mo sarili mo Annia, huwag kang papaapekto sa kabang nararamdaman mo ngayon. Hindi pa din tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko jusko. Sana mawala na ito kapag sumakay na kami sa kotse. Ayaw kong marinig pa ito ni Aiden. Noong makarating kami sa parking lot ay kaagad akong sumakay sa backseat ng kotse, dahil lagi naman dito ang puwesto ko. "Not there Annia. Dito ka sa front seat I am not your driver here," sabi ni Aiden pagkasakay niya sa drivers seat. "Akala ko may driver ka e." Tahimik akong lumipat sa front seat at nagsimula na siyang paandarin ang kotse. Tahimik lang kami, wala naman kaming maayos na mapaguusapan. "Ang iksi ng palda mo," narinig kong sabi nito, tumingin ako sa kanya pero sa daan siya nakatingin. "Pinapapasok naman ako sa school kaya hindi naman masama tong suot ko," sagot ko sa kanya. Alam kong maiksi ang palda ko para sa required na length ng skirt namin sa school, pero I like it better kapag ganito siya kaiksi. "Kasi you are a Villavicenco, satingin mo magagawa kang hindi papasukin. I still don't like that you wear some short skirt at school." "Aiden, I can wear anything I want to wear. And besides you are not even my friend so why would stop me from wearing what I like." "I never wanted to be your friend, baby. And you know that," seryosong sabi nito at sumulyap siya saakin. Mababaliw na ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko. That "baby" thing is making me crazy. Na kahit sa text niya ito sinabi sa akin noon ay parang sasabog na ang puso ko noon at ngayong narinig ko ito sa personal ay para akong hihimatayin. Ano tong nararamdaman ko. Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinagisipan ng mabuti ang kanyan sinabi saakin. Ano ang ibig sabihin niyang sabihin na na ayaw niyang maging kaibigan ko? alam ko naman na hindi kami ganon ka close, pero I'm still hoping na magiging okay kami at maging kaibigan ko siya kahit na lagi akong naiinis sa kanya. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa dinadaan namin. Lagi akong natutuwa sa tuwing nakikita ko ang field na puno ng mga halaman at iba't ibang kulay ng bulaklak. Seeing the different colours of flowers makes my heart calm down from what Aiden said to me. Naging tahimik nanaman kami sa loob ng kotse hindi na din nagsalita pa si Aiden. "Do you want to eat?" tanong nito saaking noong madaanan namin ang ang isang kainan. "Sainyo nalang, for sure nag prepare ng makakain si Tita Cali." I'm so proud of myself, nakasagot ako ng mahinahon sa kanya pagkatapos ng paguusap namin kanina. Pagdating namin sa Mansion nila ay dali dali akong bumama upang puntahan si Tita Cali. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako sumama kay Aiden na pumunta sa kanilang bahay e. "Annia, kamusta kana? Halika nagpahanda alo ng miryenda." "Mama, nakauwi na ako," rinig kong sabi ni Aiden at humalik sa pisngi ng kanyang ina. "Aide, halika saluhan mo na kami ni Annia sa pagkain ng miryenda." Pagyaya ni Tita Cali kay Aiden. "Busog ako mama, magpapahinga na ako sa kwarto ko," sagot naman ni Aiden at umkayat na ito sa kanilang hagdanan. Kahit na wala na si Aiden dito sa bulwagan ay nararamdaman ko padin ang bilis ng t***k ng puso ko. Akala ko kanina ay kumalma na ito ngunit eto nanaman at tumitibok ng sobrang bilis. Hindi ko talaga mawari ang nararamdaman kong ito kay Aiden. Lumipas ang mga buwan at hindi nagbago ang pakikitungo niya o pakikitungo ko sa kanya. Naging gaya ulit kami ng dati, hindi kami nag-uusap o nagkakaroon man ng interaction sa bawat isa. Hindi nadin ako nakakasabay sa kanila sa pag uwi ngayon dahil madami kaming group projects na ginagawa sa sa school. Minsan ginagabi na ako sa paguwi at ang driver na namin ang sumusundo sa akin. Huling araw na ng pagawa ng mga projects namin at mag te-ten o clock na pero wala padin si manong. Ako nalang mag-isa ang naiwan dito sa waiting shed ng school. Natatakot ako na baka may ibang lumapit saakin dito, mahirap na lalo na gabi na at madilim. Kinuha ko ang phone ko tinext ang unang pangalan na nakita ko. Wala naman sina Dax at Cly ngayon dahil nasa seminar sila for the graduating students. To Aiden: Aiden, may ginagawa kaba? Pwede mo ba akong sunduin sa school? Parang huminto ang paghinga ko noong matanaw ko ang kotse ni Aiden na parating. Nabawasan ng kaonti ang pagkatakot ko, ngunit hindi ko alam kung ano mararamdaman ko noong linagpasan niya lang ako. Nawala ang ang konting ngiti na namumuo sa sa aking labi. Naramdaman ko ulit ang matinding takot. Lumipas ang ilang oras at hindi ko nakita pang muli ang sasakyan ni Aiden. Dumating nadin ang driver namin na siraan daw ng gulong ang aming kotse kaya natagalan siya sa pagsundo sa akin. Sumakay ako sa kotse namin na mabigat damdamin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot sa pangyayari kanina. Hindi dapat ako umasa na baka magbago ang pagtrato sa akin ni Aiden. Simula pa naman sa una ay ganyan na siya at hindi na ako aasa na mag babago pa ito. "Daddy, Mommy! Nakauwi na po ako" bati ko sa mga magulang ko na naghihintay sa aking pagdating. Nakaupo sila sa aming sala habang nanonood ng isang penikula. "Annia anak, pasensya na at hindi ka kaagad nasundo. Nasiraan kasi ng gulong ang kotse at ang iba naman nasa maintenance check up," sabi sa akin ni Daddy matapos ko siyang halikan sa pisngi ni Mommy. "Ayos lang po Daddy, Pero sana po sa susunod turuan niyo na po akong mag drive. Para makapag drive na ako ng sarili kong kotse." "Annia, let's wait for you to be on Senior High School okay?" sabi ni Mommy sa akin at yinakap niya ako. Umakyat na ako sa sa aking kuwarto at naligo na ako upang makapagpahinga na ako. Habang naliligo ako ay naalala ko nanamn ang nangyari kanina. Umasa talaga ako na dumating siya para sa akin. I thought he consider me as his friend kahit konti lang. Iwinaksi ko sa aking isipan si Aiden at pangyayari kanina at binilisan ko ang pagligo dahil magbabasa pa ako ng isang aklat bago matulog. Kinaumagahan ay nag-ayos ako sa pagpasok sa eskuwela, wala na kaming klase. Ipapasa ko lang ang mga projects ko at tapos na ako sa lahat ng kailangan ko upang makapasa. Sa susunod na pasukan ay Grade 10 na ako at mag graduate na sina Cly ngayong taon. Pagkatapos kong maghanda ay tinignan ko ang phone ko at may napansin akong text. From Aiden; Annia? I'm so sorry. Hindi ko nabasa ang text mo kanina, may emergency kasi na nangyari. Dumaan ako sa sa school pero wala kana. Nakauwi kaba? Okay ka lang ba? At isa pang text galing sa kanya na kakarecieve ko lang. From Aiden; Baby answer my text, I'm worried. Pagdating ko sa school ay ipinasa ko ang lahat ng kailangan kong ipasa at nagpahinga ako sa garden ng school namin. Suot ko ang isang puting bestida na hanggang taas ng tuhod ko at nude color na strappy sandals. Dahil narin sa tapos na ang klase ay maari na kaming magsuot ng kahit na ano. Hindi required ang pag pasok ng nakauniform ngayon sa school namin. Tinanaw ko ang mga bulaklak na nasa garden, ang mga iilan ay alam ko na saamin nang galing. Bumili ang school ng mga bulaklak saamin at minsan naman ay ibinibigay ito ni mommy sa kanila. Umihip ang malakas na hangin at may iilang mga dahon ang nahulog sa mg puno, may mga nahulog din na bulaklak. Maiinit ang panahon pero malakas ang hangin kaya hindi gaanong randamn ang init. Dinama ko ng ilang minuto ang tunog ng nga dahon na hahanginan at ang mga amoy ng mga bulaklak na nakapaligid sa akin sa garden. "Bakit hindi ka nag rereply sa texts ko?" Nagulat ako noong may biglang magsalita sa aking likuran. At kahit hindi ako nakaharap ay kilalang kilala ko kung kaninong bosses yun. "It's useless, Aiden." Kahit na mabilis padin ang pintig ng puso ko ay napanatili kong maging kalamado. Nakakaramdam ako ng inis sa kanya mag mula kagabi noong linagpasan niya ako. Hindi ko siya hinintay pang magsalita at umalis na ako sa garden. Sinubukan niya akong pigilan hinawakan niya ang palapulsuhan ko at iniharap niya ako sa kanyan. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko at lumala ang kaba na raramdaman ko. Ngunit mas pinairal ko ang pagkainis ko sa kanya at itinulak ko siya. Kahit na alam ko na mas malakas siya sa akin. "I'm sorry, nagmamadali kasi ako kahapon at di ko nadala ang pho-" "Why are you explaining? Hindi naman tayo magkaibigan diba? Isipin mo nalang na wrong send ang text ko sayo kagabi." Tuluyan na akong umalis sa garden, napaupo ako sa isa sa mga bench na nakita ko noong makalayo na ako sa garden. Nanlalambot ang mga paa ko, hindi ako makalakad ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko. Ano ba itong nararamdaman ko kay Aiden? Bakit sa kanya lang ako kinakabahan ng ganito. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD