Chapter Five
Hurt
Summer Vacation. Usually at summer vacation nagpupunta kami sa ibang bansa, pero ngayong taon ay dito lang kami sa Eretria. May mga business meetings and mga importanteng gagawin kasi sina Mommy at Daddy kaya hindi muna daw kami makakapag ibang bansa. Pero inimbitahan ako ni Tita Cali na magbakasyon sa mansyon nila habang wala sina Mommy sa amin. Ayaw kong tanggapin ang alok ni Tita Cali dahil siguradong nandoon si Aiden at ayaw ko siyang makita. Hindi muna rin ako bumibisita sa kanila sa mansyon kahit na text ng text sa akin si Cly. Iniiwasan ko si Aiden ayaw ko siyang makita, ngunit ang saklap talaga ng pagkakataon.
"Miss Annia, magpapaalam po muna sana ako na uuwi sa probinsiya namin," ang sabi sa akin ni Manang isang umaga habang nag aalmusal ako.
"Ikaw lang po ba Manang?"
"Gustong magbakasyon ng mga iilang din katulong miss, pati na rin ang mga driver."
"Kailan po ba ang alis ninyo manang?"
"Bukas po sana Miss, kung gusto niyo po ay huwag na muna po akong umuwi saamin." Alam kong gustong gusto ng makita ni Manang ang kanyang mga anak at apo. Ngunit nandito siya ngayon saamin imbis na makita at makasama niya ang mga ito.
"Hindi okay lang po manang. Pahanda na lang po ako ng aking mga damit. Sa mansyon po muna ako ng mga Adriatico mag s-stay."
Nagpunta na sa aking silid si Manang at tinuloy ko ang pagkain ng aking almusal. Hindi ko talaga maiiwasan ang lalaking yon. Gusto ko lang magkaroon ng mapayapang bakasyon. At heto ako ngayon nasa bulwagan na ng mansyon at yinayakap ni Tita Cali. Nakablack spaghetti strap ako na dress at naka plain white & gold sandals.
"Hija, mabuti naman at tinanggap mo ang alok ko na dito ka muna. Nalulungkot ako noong sinabi mo na hindi ka makakapag stay dito. Tapos umalis pa yung tatlo para magbakasyon kasama kaibigan nila. Ako lang mag-isa ngayon dito"
Nakita ako ng lungkot sa mata ni Tita Cali habang sinasabi niya ito. Ngumiti ako sa kanya at yinakap ko din siya pabalik. Nakahinga na ako ng maluwag dahil nalaman ko na wala naman pala ngayon dito sa mansyon si Aiden. I can live freely here knowing na wala siya dito.
"Kuhanin niyo na ang gamit ng senyorita." Utos ni Tita Cali sa mga katulong na nakatingin saamin.
"Tita Cali ako na lang po magdadala ng mga gamit ko. Nakakahiya naman po na nakikituloy lang po ako."
"Ano kaba naman Annia, para kanang bunsong anak dito sa pamilya namin. Para na ngang kapatid mo iyong tatlo."
"Oo nga po Senyorita, halos dito kana po lumaki," sabi ni Melissa habang binubuhat ang maleta ko pa-akyat.
Sa tagal ko ng nagpabalik balik dito sa mansyon ay kilala na ako lahat ng mga katulong at mga guard sa bahay nila. Ngumiti nalamang ako sa mga katulong na nakatingin, sumunod ako kay Melissa pa-akyat. Pagdating namin sa kwarto ko ay humiga ako sa aking higaan at pumikit. Hindi naman ako inaantok pero napakasarap lang na humiga na walang pinoproblema.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, pag gising ko ay kulay kahel na ang langit. Tumayo ako at nagpunta sa banyo upang makapagligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay, Sinuot ko ang isang White starp summer dress at tsinelas na bumabagay dito. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay bumababa na ako. Pagkarating ko sa bulwagan ay nakita ko si Tita Cali na umiinom ng apple juice habang nagbabasa ng isang aklat.
"Annia hija gising kana pala. Gusto mo bang kumain? Nagugutom ka ba?" tanong nito sa akin at isinara ang aklat na binabasa.
"Hindi naman po ako gutom Tita," sabi ko kay Tita Cali at umupo sa isang bakanteng sofa sa harapan niya.
"Ikuha niyo ng maiinom ang Senyorita Annia." Tumingin si Tita Cali sa mga katulong na nakapila sa kanyang gilid.
"Apple Juice nalang din po iinumin ko, Salamat po." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin iyon.
Nakakita ako ng magazine ng mga bulaklak na nasa coffee table. Kinuha ko ito at tinignan ang laman nito. Namamangha talaga ako sa mga kulay na mayroon ang mga bulaklak at ang mga kahululugan ng mga ito. Natanaw ng mata ko ang isang kulay blueish white na bulaklak. Napakaganda nito ito na ata ang pinaka-magandang bulaklak na nakita ko.
"Mahilig ka pala sa mga bulaklak Annia."
"Opo, Dahil na rin po siguro sa business namin na bulaklak kaya nagkaroon ako ng interest sa mga ito."
"Nagpupunta kaba sa plantation niyo?"
"Hindi po ako pinapayagan ni mommy na magpunta sa plantation."
"Nako si Athena talaga kahit kailan ang overprotective." Tumawa si Tita Cali at uminom sa kanyang Juice.
Alam ko na masyadong overprotective si mommy sa akin. Gusto ko din magpunta sa plantation namin kahit minsan. Ako din naman ang magmamana nito kaya bakit hindi ako maaring magpunta. Sabi ni mommy sa office work daw ako mag focus wag sa plantation. Ang plantation na nagpapakalma saakin at nagbibigay ng ginhawa saakin.
"Senyora, nagkaroon daw po ng problema sa pupuntahan ng mga Senyorito. Kaya napagpasyahan nalang po nilang bumalik sa mansyon," rinig kong sabi ng isang guard pagpasok niya sa bulwagan.
"Ano? May nangyaring masama ba sakanila? Ayos lang na sila?" nag-aalalang tanong ni Tita Cali.
Kahit ako ay nakaramdam ng pag-aalala sa kanila. Sana ay walang nangyaring masama sa kanila.
"Maayos naman daw po sila Senyora. Bago po sila makarating sa pupuntahan nila ay nakakuha na sila ng balita na huwag ng tumuloy doon."
Para naman kaming nabunutan ng tinik sa dibdib ni Tita Cali noong marinig namin yun. Atsaka lang nag sink in sa akin ang mangyayari. Uuwi sila dito ang ibig sabihin ay makikita ko si Aiden na iniiwasan ko. Kapag minamalas ka nga naman talaga.
"Tita, lalabas po muna ako sa bakuran," pagpapalaam ko kay Tita
Lumabas ako at ang malakas na hangin ang kaagad na sumalubong saakin. Lumilipas ang buhok pati narin ang suot kong dress. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng hangin tuwing summer. Samahan pa ito ng mga huni ng mga halaman na nagtatamaan dahil sa hangin. Kinuha ko ang aklat na dala dala ko at nagsimula na ako na basahin ito. Ngunit hindi ang tahimik at payapa kong pagbabasa. Dahil sa ingay na nanggagaling sa gate. Mukhang hindi lang ang tatlo ang dumating isinama pa nila ang kanilang mga kaibigan sa mansyon. Great! Hindi ako tumayo sa aking kinauupuan kahit na naririnig ko silang papalapit dito.
"Dude! hindi mo naman sinabi samin na may hinanda ka palang surprise sa bakuran ni-"
"Manahimik ka, Si Annia yan. Gusto mo bang mapalayas?"
Nakarinig din ako ng iilang babae na tumatawa. Hindi ko sila pinansin kahit na papalapit sila ng papalapit sa kinaroroonan ko. Bat ako ang mag aadjust? Ako nauna dito.
"Annia! nandito ka pala hindi ka manlang nagsabi." Naramdaman ko ang pag halik ni Cly sa pisngi ko. tumingala ako sa kanya at binigya ko siya ng matamis na ngiti.
"Biglaan lang din naman ang pagpupunta ko dito. Umalis kaninang umaga ang halos lahat ng katulong at guard namin."
"Dito kaba matutulog?" Yumakap naman si Dax sa akin mula sa likod.
"Oo, buong summer break ko at ay dito ako sa mansyon niyo mamalagi," nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.
"Oo nga pala, heto nga pala mga kaibigan namin. Yung iba ay nakita mo na noon sa party." pagpapakilala ni Cyl sa mga kasama nila.
Namumukahan ko ang mga lalaki na kasama nila ngunit ang mga babae ay hindi. Habang nagpapakilala ulit ang mga lalaki sa akin ay nakita ko ang paparating na si Aiden, may babaeng nakahawak sa braso nito at nakangiti ako. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang papalapit siya, nakita ko napatingin siya sa akin. Alam ko na may sasabihin nanaman siyang mali sa suot ko. Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin at nagpatuloy ako sa pakikiusa kina Shaun.
"Annia, ang ganda mo talaga. Kung pwede lang talaga ay linigawan na kita," sabi sa akin ng isa nilang kaibigan na si Sebastian
"Seb, don't even try," pagbabanta ni Dax habang nakangiti. Napatingin naman sa akin ang mga babae na kasama nila at inirapan nila ako.
Oh so you don't like me? Hindi naman ako nagpatalo at inirapan ko din sila at tinalikuran. Naglakad ako papasok sa loob ng mansyon upang kumuha ng maiinom. Naiirita sila sa akin dahil ang attensiyon ay wala na sa kanila. Napangiti ako kabang kumukuha ng juice sa ref. Nakita ko si Melissa na dala dala ang iinumin ng mga bisita nina Cly.
"Mel! Melissa. Amin na ako na magdadala niyan dun sa bakuran. Doon din naman ako pupunta." Nakangiti kong sambit sa kanya.
"Pero Senyorita papagalitan ako ni Senyora kapag nakita niya."
"Huwag kang magaalala, hindi malalaman ni Tita Cali ito."
Nag-aalinlangan niyang binigay sa akin ang tray ng pagkain at mga inumin. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila napansin ang pagdating ko. Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin ang bato. Natalisod ako at natapon ang mga dala kong inumin at pagkain sa babaeng katabi ni Aiden. At ang iilang mga babae naman ay natapunan ng juice.
"Oh my God! my dress!!" sigaw nito.
Nagulat silang lahat sa nangyari at ang mga babae at nagsisigaw.
"I'm sorr-"
"Look here b***h! ano bang problema mo ha?!" sigaw ng babae na kasama ni Aiden sa akin.
"Hindi ko naman sinasadya na natisod ako sa bato na nandito."
"Sinadya mo ito!" sigaw naman sa akin ng isa pang babae.
"It's not my fault naman. Nag mamagandang loob na nga ako na ipagserve kayo e. And don't be so OA mukha naman mga pake ang mga suot niyong damit," sabi ko at inirap ko siya, dahil nakasanayan ko ang pag-irap.
Tumalikod ako pero bigla nitong hinila ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit ng pagkahila nito
"Ari!!!" Narinig kong sigaw ng mag pipinsan.
"Bitawan mo ako, nasasaktan ako." Pinipilit ko na tanggalin ang kamay niya na nasa buhok ko. Lumapit ang tatlo samin, sina Cly at Dax ay lumapit sa akin. Habang si Aiden naman ay lumapit sa babae na nanabunot sa akin. Nasasaktan na ako kaya sinabunutan ko narin siya.
"Annia!!!! stop it you're hurting her!!!" narinig kong sigaw ni Aiden sa akin. Napabitaw ako sa buhok ng babae, para akong namanhid sa sigaw niya sakin.
"Ari ano ba! let go of Annia's hair!" sigaw naman ni Dax. Nawalan ako ng lakas na pigilan siya sa pagsabunot sa akin. Hinayaan ko siyang sabunutan ako hanggang sa matanggal ni Cly ang pagkakasabunot nito saakin.
Naiyak ako. Naiyak ako sa sakit ng sabunot sa akin ni Ari at sa pagsigaw ni Aiden sa akin. Humagolgol ako at umiyak nang malakas sa dibdib ni Daxon na nakayakap ngayon sa akin. Hinaplos haplos ni Dax ang aking buhok habang pinapatahan ako. Masyado akong nasasaktan ng physical at emosyonal sa nangyari ngayon. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.
"Shhh! tahan na Annia...." Pagpapatahan sa akin ni Dax, naramdaman ko din ang paghalik nito sa ulo ko. Dax, I'm sorry masaydo akong nasaktan at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Binuhat ako ni Dax ng bridal style at yumakap ako sa leeg niya habang umiiyak padin. Naglakad papasok ng mansyon si Dax habang buhat buhat niya ako na umiiyak.
"Aiden, where are you going-"
Hindi ko na narinig ang kahit na ano man ang sinasabi nila mula sa bakuran. Dinala ako ni Dax sa aking silid at inilapag niya ako sa aking kama. Hindi ko padin tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg.
"Annia, tahan na hmm? nasasaktan ako na makita kang umiiyak." Hinalikan niya ulit ang ulo ko.
Kapag hinahalikan ni Dax ang ulo ay ibig sabibin noon ay nandito lang ako hindi kita iiwan. Yun ang sinabi niyang meaning nito noong makita niya akong umiiyak dahil nadapa ako. Tumango ako at pinigilan ko ang sarili na umiyak. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa leeg niya at umupo siya sa tabi ko at inaayos ang buhok ko.
"Matulog kana Annia ha? Aayusin ko lang ang sa baba." Pagpapalam nito sa akin.
Pag-alis ni Dax sa kwarto ko at nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko. Nasaktan ako sa pagsigaw sa akin ni Aiden. Nasaktan ako na mas inisip nito na masaskatan ang babaeng yun na unang nanabunot sa akin. Hindi manlang niya naiisip na nasasaktan din ako sa sabunot ng babaeng yun. Hindi ko matanggap na parang sinasabi niya sa akin na kasalanan ko at dapat akong masaktan. Napaiyak nanaman ako habang naiisip ang mga bagay na iyon.
"Ayaw ko na dito, Gusto ko ng umalis..." Tumayo ako at kinuha ang mga damit ko na nasa cabinet. Napahinto ako ng may kamay na pumigil sa akin.
"Bitiwan mo ako. Aalis na ako!"
"Pasensiya na Annia."
"Bitawan mo ako!! Umalis ka dito ayaw kitang makita. Ayaw ko sayo!!" Sigaw ko sa kanya habang itinutulak ko siya. Sa pagtulak ko sa kanya ay siya naman paglipat nito sa akin.
"Please Annia, I'm sorry," sabi nito at yinakap niya ako tinutulak ko siya palayo saakin.
Hindi ako nagsasalita, umiiyak lang ako habang itinutulak ko siya palayo sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako habang umiiyak. Umupo din si Aiden at yinakap niya ako habang nakaupo ako.
"I'm sorry for shouting at you-"
Nagising ako sa sinag ng araw na nang gagaling sa bintana ng aking kuwarto. Kinusot ko ang aking mga namamagang mata. Bakit ganon ang napanaginipan ko? Tumayo na ako at naligo na ako. Natagalan ako sa paliligo ko dahil ayaw ko bumababa na namamaga ang mata ko. Magtatanong si Tita Cali kung ano nangyari sa akin.
Nagsuot ako ng simple jumpsuit na kulay pastel pink at nag tsinelas ako. Bumababa na ako ang unang bumungad sa akin ay ang pagsesermon ni Tita Cali sa tatlo sa sala.
"Ayaw ko ng makita muli ang mga babaeng yan ha? Aiden?"
"Opo Mama, pasensiya na po."
"Ayos lang naman sa akin na magdala kayo ng mga kaibigan dito sa bahay, Pero huwag naman sana yung mga ganoon. Pumasok ako sa silid ni Annia kanina, nakita ko nag pamumula ng kanyang mukha at pamamaga ang kanyang mga mata."
"Tita Cali, babawi nalang po kami kay Annia. Alam ko po na nasaktan siya sa nangyari kahapon." Cly
"Basta ayaw ko ng makita ang mga babaeng yan. At ikaw Aiden, humingi ka ang tawad kay Annia," sabi ni Tita Cali at tumayo na ito at nag punta sa kusina. Bumababa na ako ng tuluyan napatingin ako sa tatlo na nasa sala.
"Okay lang ako. Pasensiya na sa nangyari kahapon," makangiti kong sabi sa kanila at dumiretso ako sa kusina.
"Magandang Umaga po Tita Cali," bati ko at hinalikan ko si Tita sa pisngi.
"Kamust kana hija? Tumawag na ako ng doctor. ipapacheck up kita ha? Para mawala na pangangamba ko."
Tumango lang ako kay Tita Cali at umupo na ako sa silya. Dumating nadin ang tatlo sa harapan ko umupo si Aiden. Nakatingin siya sa akin habang kumakain hindi ko siya tinitignan. Patuloy lang ako sa pagkain ko. Tahimik kaming nag agahan at pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa aking silid at inilock anh pinto. Ayaw ko munang makita ang isa sa kanila.
~~