ANNIE'S POV Hatinggabi na at hindi ako makatulog. Tinatawagan ko ang cellphone ng Honey ko. Hindi ko makontak. Out of coverage. Kahit yong messenger niya ganun rin. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Dumungaw ako sa bintana. Nakita ko ang pinsan ko si Kuya Digs. Umiinom na naman ng beer. Kaya lumabas na lang ako. At pinuntahan ko siya. Gusto ko may makausap sa aking nararamdamang pagkabalisa. Nakita niya akong lumabas ng bahay. Napangiti siya. Papalapit na ako sa kaniya ng iabot niya ang isang lata ng beer. "O. Inom ka. Alam kong nag-aalala ka ngayon. Walang balita sa kaniya?" Anito. Kinuha ko ang lata ng beer at binuksan. Tinungga ko ito. Bago ako sumagot kay kuya Digs. "Wala. Hindi siya makontak." Matamlay kong sagot. "Naku, sigurado ako may kalandiang babae iyon." Sabi niya

