ANNIE'S POV Patakip-silim na naglakad-lakad ako mag-isa sa dalampasigan. Ang malamig na simoy ng hangin ay yumakap sa aking balat, habang ang alon ay banayad na humahalik sa buhanginan. Bawat hakbang ko ay tila umaalingawngaw sa katahimikan ng dapithapon. Sa di kalayuan, naroon siya—nakatanaw pa rin, tila may gustong sabihin ngunit hindi kayang bigkasin. Bakit nga ba may mga salitang hindi kailanman kayang ipahayag? Mga damdaming isinasayaw lamang ng tingin, ngunit hindi madama ng labi. Huminto ako at minasdan ang papalubog na araw. Ang langit ay kumukupas sa kahel at lila, parang damdaming unti-unting binibitawan. Hinayaan ko na lang ang alon na yumakap sa aking mga paa. At sa huling pagkakataon, nilingon ko siya—ngunit wala na siya roon. ISAIAH'S POV Ang hangin ay malamig, pero hi

