ANNIE’S POV Nagkulong ako sa kwarto ko. Ilang araw na akong ganito—hindi lumalabas, hindi nakikipag-usap. Kahit pagkain, hindi ko magawang kainin nang maayos. Kahit pagligo, parang wala nang halaga. Trabaho? Ni hindi ko na maalala kung kailan ako huling pumasok. Pakiramdam ko, unti-unti akong namamatay. Ganito pala ‘yung sinasabi nilang sakit ng pag-ibig. Para kang tanga. At sa maling tao pa. Hindi ko alam kung nasa state of shock ba ako, pero in-assess ko ang sarili ko. Wala namang sugat, walang bali, walang pilay. Pero may isang bahagi ng katawan ko na parang dinudurog—ang puso ko. Parang nilalamukos, pinipiga, tinutusok ng libu-libong karayom. Ang sakit. Sobra. Umagos na naman ang luha ko, tuloy-tuloy, walang humpay. Pumikit ako, umaasang paggising ko, bangungot lang lahat ng ‘t

