CHAPTER 9: SHADOWS IN THE MIRROR

1128 Words
January 1, 2026 | 10:00 PM SJS CDC Headquarters Ang headquarters ay tila napuno ng malamig na hangin pagkatapos ng mensahe ng killer. Si Leumas ay nakaupo sa kanyang desk, nakatitig sa larawan ng kanyang patay na kapatid na si Adrian. "Bhie," bulong niya, "alam na alam niya ang aking past. Paano niya nalaman? Ang kaso ni Adrian ay na-archive na noong 1998. At... confidential ang medical records." "Leumas," sagot ni Bhie, "this killer doesn't just hack systems - he hacks memories. He digs deep into people's pasts. And he uses their pain against them." Biglang may pumasok na text message kay Leumas mula sa unknown number: "The third clue: Where your brother took his last breath. You have 45 hours left." Naramdaman ni Leumas ang kanyang dibdib humigpit. "Bhie... alam niya kung saan namatay ang kapatid ko." 11:30 PM Nugas Family Old House, Marikina Dumating sina Leumas at Bhie sa isang abandonadong bahay sa Marikina - ang lugar kung saan namatay ang kapatid ni Leumas dahil sa aksidenteng pagkahulog sa bubongan. "Leumas, sure ka bang gusto mong gawin ito?" tanong ni Bhie. "Wala tayong choice," sagot ni Leumas. "This is the only way to save the next victim." Pumasok sila sa loob. Ang bahay ay puno ng alikabok at mga alaala. Sa kwarto sa itaas, nakita ni Leumas ang bintana kung saan nahulog ang kapatid niya. At doon, nakadikit sa frame ng bintana, ay isang maliit na purple ribbon. "Leumas, tingnan mo," sabi ni Bhie. May nakakabit na maliit na device - parang audio recorder. Pinindot ni Leumas ang play button. "Hello, Detective. If you're hearing this, it means you've finally faced your own demons. Your brother Adrian didn't just fall - he jumped. Because he felt alone. Because you were too busy with your friends to notice his pain. Sounds familiar?" Napatigil si Leumas. "Hindi totoo 'yan... aksidente lang 'yon..." "And now history is repeating itself. You're too busy chasing me to notice the children crying for help around you. The fourth clue is in the last place your brother felt happy. You have 44 hours." --- January 2, 2026 | 1:15 AM SJS CDC Tech Lab "Boss," sabi ni Gideon, "na-analyze ko 'yung audio recording. May background noise - parang... mga bata na naglalaro. And... may church bells." "Church bells?" tanong ni Bhie. "So possibly near a church or school?" "Oo. At..." dagdag ni Gideon, "may maliit na digital signature 'yung recording. Parang... watermark. And it matches the signature we found in the MathMasters app." "So confirmed," sabi ni Leumas, "same person. And he's been planning this for a long time." --- 3:00 AM The Killer's Monitoring Center Nakaupo ang lalaki sa harap ng kanyang wall of monitors. Nakikita niya ang lahat - ang pag-uusap nina Leumas at Bhie, ang analysis ni Gideon, pati ang emotional state ng bawat miyembro ng team. "Magaling, Detective Nugas," bulong niya. "You're getting closer to the truth. But the truth will not set you free - it will destroy you." Tiningnan niya ang countdown timer: 43 hours, 12 minutes "Justin, anak," sabi niya sa batang nakatali sa kabilang silid, "malapit ka nang maging malaya. At ang iyong paglaya ay magiging daan para gumising ang libo-libong magulang." --- 6:00 AM Marikina Cathedral Dumating sina Leumas at Bhie sa simbahan kung saan palaging nagdarasal ang kapatid ni Leumas. Ito ang lugar kung saan masaya ang kapatid niya - sa choir. "Father, may naalala po ba kayo sa kapatid ko? Si Adrian Nugas?" tanong ni Leumas sa pari. "Oo, naalala ko siya. Mahilig siya sa musika. At... may isang lalaki na palaging nag-aabang sa kanya pagkatapos ng practice. Akala namin, kamag-anak niya." "Ano'ng itsura niya?" tanong ni Bhie. "Matangkad. Palaging naka-cap. At... may dala-dalang camera." Biglang may naalala si Leumas. "Bhie, noong 1998, may nag-email sa akin ng mga larawan ng kapatid ko. Akala ko, stalker lang. Pero... baka siya na 'yon?" --- 8:30 AM The Fourth Clue Habang nasa simbahan, biglang may tumawag kay Bhie. Isang boses ng bata. "Detective Inson, nasa tabi ko po si Justin. Sabi niya, tulungan ninyo raw siya." "Justin Torres? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Bhie. Pero nag-disconnect ang tawag. At may nag-text ng location coordinates. "Leumas, may natanggap akong coordinates. Sa... sa isang old cinema sa Quiapo." --- 10:15 AM Abandoned Cinema, Quiapo Ang cinema ay sarado na simula noong 2005. Pero nang pumasok sina Leumas at Bhie, nakita nila ang isang projector na nakabukas. At sa screen, may slideshow ng mga larawan ng mga biktima - kasama na si Justin. At sa gitna ng screen, may nakasulat: "The fifth clue: Find the common thread between all the victims' parents. Not the children - the parents. You have 40 hours." "Ano'ng ibig niyang sabihin?" tanong ni Bhie. "Maybe..." sagot ni Leumas, "may connection ang mga magulang na hindi natin nakikita." --- 12:00 PM Data Analysis "Gideon," utos ni Leumas, "i-cross reference ang lahat ng magulang ng mga biktima. Trabaho, schools, organizations, kahit ano." After an hour, may nag-match. "Boss!" sigaw ni Gideon. "Lahat sila ay nag-aral sa iisang university - University of the East! Batch 2000 to 2004!" "Anong course?" tanong ni Bhie. "Different courses. Pero... may isang common organization - Youth Guidance Counselors Organization." "Youth Guidance Counselors?" tanong ni Leumas. "So possibly... may connection sa psychology?" "Oo. At..." dagdag ni Gideon, "may isang professor na common sa lahat - Dr. Roberto Javier." "Search mo si Dr. Javier," utos ni Leumas. "Boss... patay na si Dr. Javier. Namatay noong 2010. Suicide." ---kkkkkm 2:30 PM The Revelation Nahanap nila ang old news article about Dr. Javier's death. Isang respected psychology professor na nagpakamatay dahil sa false accusations ng s****l misconduct. "Leumas, tingnan mo 'to," sabi ni Bhie. "Ang nag-accuse kay Dr. Javier... grupo ng mga magulang. Kasama rito ang mga magulang nina Migs, Timmy, at Caloy." Napatigil si Leumas. "So ang killer... possibly related kay Dr. Javier? Anak? Studente? O... si Dr. Javier mismo? Pero patay na siya..." "Unless..." sabi ni Bhie, "hindi talaga siya namatay. O may someone na naghihiganti para sa kanya." 4:00 PM The Fifth Clue Biglang nag-ring ang phone ni Leumas. Parehong boses. "Congratulations, Detectives. Nahanap ninyo ang link. Now for the fifth clue: Find where Dr. Javier's body was cremated. There you will find what you need to save Justin. You have 38 hours." "Bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Leumas. "Ano ang koneksyon mo kay Dr. Javier?" "Dr. Javier was the only person who ever understood me. He saw the pain in these children's eyes - because he saw the same pain in me. When they destroyed him, they destroyed the only hope these children had." "So... estudyante ka niya?" "More than a student, Detective. I was his son. His illegitimate son. And now... I'm finishing his work.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD