LMA 19:

1045 Words
•Trayne• Natatawang lumayo sa akin si Yue at kinawayan si Saffie sa di kalayuan. Ngayon ko lang 'to naramdaman iyong sobrang inis sa puso ko dahil may kinakausap itong ibang lalaki. Gusto ko siyang ipagdamot sa iba, gusto ko sa akin lang ang babaeng 'to. "Saffie, nakausap ko na si Ate Fiona. Babalik na lang ako bukas—" "Babalik ka bukas?!" may kalakasang sigaw ko. Nagdikit ang kilay ko nang takpan niya lang ang bibig, ngunit hindi pa rin tumitingin sa akin. "Trayne, I'm talking, ano ba?" Napaatras ako dahil sa sinabi nito, tipid akong ngumiti bago kinuha ang kamay niya sa aking bibig. "Usap muna kayo. Hihintayin na lang kita sa baba, baka naman kasi nakakaistorbo ako," mahina kong saad. Nilingon ko naman si Saffie na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Nagkibit-balikat lamang ako at naglakad na palayo sa kanila. Mabigat ang dinadala ngayong puso ko. Hindi ko alam pero dahil sa simpleng salita ni Yue ay naramdaman ko ang tampo nito. Mabilis lang naman akong nakarating sa may kotse ko. Papasok na sana ako sa loob nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni Apple sa screen. "Hi, this is Trayne De Silva. How may I help you?" bungad ko. Ito na ang nakasanayan kong sabihin sa mga taong tumatawag sa akin, maliban na lang kay Yue. "Trayne, ako 'to si Apple. Iyong tinulungan mo rati para hindi ma-late." Naalala ko naman siya ngunit hindi ko alam kung bakit ito tumatawag ngayon. "Gusto sana kitang ayain for dinner." Napatayo ako nang maayos sa sinabi nito. Pwede ko naman siyang samahan lalo na at nagtatampo ako ngayon kay Yue, ngunit di ko iyon gagawin dahil si Yue pa rin naman ang gusto kong makasama. "I'm sorry but I'm busy right now," hinging-paumanhin ko rito. Rinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya, ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil papalapit na si Yue sa akin. "Maghanap ka na lang ng iba, miss." Hinayaan ko muna siyang magpaalam bago pinatay ang tawag. Nakataas ang dalawang kilay ni Yue habang nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito ngunit di naman siya nagsasalita. "Let's go? Tapos ka na bang makipag-usap kay Saffie?" Tumaas ang sulok ng labi niya habang pinasadahan ang buong katawan ko ng tingin. "Oh," usal nito. Nagdikit na naman ang kilay ko dahil sa isang salitang binitiwan nito. Dapat ako nga ang magmamaktol dito ngayon. "May problema ka ba, Doina Yue?" Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay para patigilin siya sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Inismiran ako nito bago bumaba ang tingin sa cellphone na hawak ko. "Wala naman. May problema ka ba?" puno ng sarkasmo na saad niya. Isinarado ko ang pintuan ng kotse at ipiniin siya roon. Inilagay ko ang isa kong kamay sa gilid niya habang ang isa naman ay nakahawak sa kanyang bewang. "Kung may problema ka, sabihin mo na ngayon pa lang. Ayaw kong uuwi tayong magkaaway, Yue," seryoso kong saad, habang nakatitig sa kanya nang maigi. "Sino naman iyong katawagan mo? Ay, huwag na lang i-answer kasi I don't care naman, eh," nakabusangot ang mukhang sagot nito. Muntikan na akong mapatawa ngunit pinigilan ko iyon. "Kaibigan ko lang iyon," sagot ko. "Babae ba?" Ayaw ko naman magsinungaling sa kanya kaya agaran akong tumango rito. "Friend mo lang? Talaga ba? But why do you keep smiling while talking at her on the phone? Kinikilig ka ba, like mayroong butterflies sa stomach mo?" Hindi ko na mapigilan ang malakas kong tawa dahil sa mga sinabi nito. Sino ba naman ang hindi matatawa sa itsura nito at simpleng pa-conyo niya, para ngang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya habang pinapakinggan ito. "Why? Tawa-tawa ka diyan, you look like a handsome evil—" "So? I'm handsome?" I asked playfully. She smirk and pinch my nose slightly, I immediately hold her hand to stop her. "It hurts, Yue." "Yes, but the thing is I don't like evil," she said and rolled her eyes. "Atsaka huwag mo ngang ibahin ang usapan, hindi mo sinabi sa akin kung sino ang tumawag sa'yo." "Si Apple nga kaibigan ko." Hinaplos ko ang kanyang mukha para kumalma siya, ngunit tinabig lang nito ang kamay ko. "Sana lahat may kaibigang mansanas," sarkastikong saad niya. Sino ba ang guro ng babaeng 'to para maturuan ng leksyon, habang tumatagal ay marunong na itong sumagot ng pasarkasmo. "Yue," mariin kong saad nang papasok na naman ito sa loob ng kotse. Nang hindi ito nagsasalita ay kaagad ko itong niyakap sa likuran niya. "Doina Yue Fontanilla, maniwala ka sa akin kaibigan ko lang ang babaeng iyon. Bakit nagseselos ka ba?" "Jealous? Iyon ba iyong masakit na tumutusok sa heart ko?" Pinaharap ko ito sa akin at tiningnan siya sa mga mata. "Nagseselos ka nga kay Apple?" Tumawa ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Hindi lang pala ako ang nagseselos sa aming dalawa. "You should stop seeing, Saffie." Naguguluhang tumingin ito sa akin. Alam kong walang katuturan itong pinagsasabi ko, ngunit hindi ko maiwasan na magselos sa lalaking iyon lalo na at pinapakita nito na mas kilala pa niya si Yue kaysa sa akin. "Saffie is my dad's personal bodyguard. Si Saffie ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa Pilipinas pa rin ako." Napakagat ako sa aking labi dahil sa impormasyon ibinigay niya. Ang ibig lang sabihin noon ay may tiwala ang ama nito sa lalaking iyon. "He's my bestfriend since ten—" Inangkin ko ang kanyang labi, hindi ko na siya hinayaang makapagsalita ulit tungkol sa lalaking iyon. Gusto kong parusahan ang labi nito ng isang halik. Malambot ang labi nito at nakakaadik ang amoy. A combination of mint and strawberry, isn't it sweet? Mas lalong naging mapusok ang halikan namin nang sinagot niya ang bawat halik ko. Nag-iinit ang katawan ko na binuksan ang pinto ng kotse at pinapasok siya habang hindi pa rin pinuputol ang halikan naming dalawa. "If you talk about him. I'll kiss you," saad ko nang maghiwalay ang mga labi namin. Pareho kaming hinihingal ngunit kahit isa sa amin ay walang nagre-reklamo. "Why?" she asked. "That's your punishment, dahil hinayaan mo akong magselos." Ginawaran ko siya nang mabilis na halik bago pumunta sa driver seat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD