LMA 18:

1081 Words
•Trayne• "Tahanan ko, bilisan mo! Gusto ko ng makita si Ate Fiona!" sigaw ni Yue. Hindi pa ako tapos sa pagbibihis dahil nauna itong naligo at medyo natagalan sa loob ng banyo. Ngunit ngayon ako pa ang sinisisi nito dahil matagal daw akong kumilos. Napakamot ako sa aking batok at tumingin sa salamin. Umikot para makita ang kabuuan ng aking repleksyon. Hindi pa rin ako sang-ayon sa itsura ko ngayon, tila ba may kulang sa akin. Napatingin ako sa may pintuan nang biglang bumukas ang pinto. "Yue?" tawag ko sa kanya. "Hm?" tanong nito. Nanunuri ang kanyang tingin habang nakatitig sa akin. "Gwapo na ba ako?" Tumawa ito habang tumatango at lumapit sa akin. Tinapik pa nito ang dalawa kong pisngi at ginawaran ako ng isang mabilis na halik. "Sobrang gwapo, tahanan ko," her sweet voice calm me. Sa tingin ko lahat yata ng sasabihin niya sa akin ay maniniwala ako. "Why do you ask ba? Ngayon lang kita narinig na nagtanong sa akin ng ganyan." I smiled and hug her. Inilagay ko siya sa ilalim ng kili-kili ko para asarin siya. Natatawa ako habang pinipigil siya sa paggalaw. Sabi nila kapag nakaamoy daw ang nobya mo ng damit mo ay hahanap-hanapin ka na nito. "Trayne! Get off me!" Hindi ko siya hinayaang makaalis kaagad, ngunit nang kinagat nito ang kili-kili ko ay ako na ang kusang lumayo rito. Tiningnan ko siya ng masama na ibinalik naman niya kaagad sa akin. "What? Kasalanan ko ba iyon? Mabango nga iyong underarm mo, pero di naman ako makahinga. Do you want me dead?!" mahaba nitong lintanya. Inilagay pa nito ang dalawang kamay sa kanyang tagiliran. "Sorry." Napahawak ako sa aking bibig nang di ko mapigilang matawa sa ibinigay niyang tingin sa akin. "Why are you laughing? Masaya ka—" "Masaya naman talaga ako kapag kasama kita." Natigilan ito at tumingin sa akin ng makahulugan. "May nakain ka ba habang nakakulong ako?" Nagdikit ang dalawang kilay nito. "Hindi ka naman ganito noon, ah?" Na-realize ko lang simula nang makulong si Yue, na hindi ko pala kayang mawala siya sa aking tabi. Importante ang presensya nito sa akin at hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na mas lalo kaming magkalapit sa isa't-isa. "Gusto kong makilala ang pamilya mo, baby." Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin. Ayaw ba nito na ipakilala ako sa pamilya niya? Ano pala ang gustong mangyari nito sa aming dalawa? Ayaw kong makipag-relasyon sa isang tao kung hindi naman sa kasal ang hahantungan namin. Bukod sa masasaktan lang ako ay sinasayang ko lang ang oras ko. "When?" Rinig ko ang kaba sa boses nito habang sinasabi ang isang salita na iyon. "Don't you think it's too early para itanong 'yan?" "Ayaw ko lang na mawala ka pa sa akin. Gusto ko na ako lang ang para sa'yo." Marahan kong kinurot ang kanyang pisngi nang pinagtawanan ako nito. "Kung pupunta si daddy dito ipapakilala kita kaagad," seryoso nitong saad at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Puntahan na natin si Ate Fiona?" — Tumaas ang isang kilay ko nang biglang yumuko si Yue at marahang naglalakad. Humahagikhik pa ito habang dahan-dahang lumapit sa nakabukas na pintuan ni Fiona. May nakita akong isang lalaking nakatayo roon. Nilingon ko ulit si Yue at hahawakan ko na sana ito nang bigla itong tumakbo palapit sa binata. Nagdikit ang kilay ko dahil sa ginawa nitong pagyakap sa likod ng huli. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa emosyon na aking nararamdaman habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Saffie!" My forehead furrowed in annoyance. Her so-called boyfriend? Malalaking hakbang ang ginawa ko para maabutan sila kaagad. Hinila ko palayo rito si Yue nang akmang hahawakan niya ang kamay nito. "Who are you?" walang-emosyon ang mukha na tanong nito sa akin. Siya pa ang may ganang magalit? Siya itong nang-hahawak ng girlfriend ng iba. "Lady Yue? May relasyon po ba kayo ng lalaking—" Ipinalibot ko ang aking kamay sa bewang ni Yue at idinikit ito sa akin. Walang ibang makakahawak sa babaeng 'to, kundi ako lang. Sa akin lang siya. Ako lang dapat ang binibigyan niya ng ngiting iyon. "She's mine," mariin kong usal. Ngumisi ito, hindi makapaniwala sa aking sinabi. Kaagad kung pinaharap si Yue sa akin at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi. Pagkatapos ko itong halikan ay inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tainga. "Baby, I'm jealous." Ngumisi ako nang makita ko ang pamumula ng kanyang buong mukha, habang nakatingin pa rin sa akin ang kanyang nangungusap na mga mata. "I'll punish you later, hm?" saad ko ulit. Hindi ko pa rin makakalimutan ang pagyakap niya sa lalaking nasa harapan namin ngayon. "Attorney Trayne De Silva," pagpapakilala ko. "Lady Yue's?" tanong nito na walang kangiti-ngiti ang mukha. "Future husband," walang gatol kong pinunan ang sinasabi niya. Humawak naman si Yue sa aking damit, parang batang nagsusumamo ang mukha nito. "Bakit? May nasabi ba akong masama? Napag-usapan naman natin 'to kanina—" "Lady Yue?" Sabay kaming napalingon sa direksyon nang nagsasalita. Masayang nagtatalon si Yue patungo sa kamang hinihigaan nu Fiona. "I'm sorry, Young Lady. Dahil sa akin ay nakulong—" Hinawakan ni Yue ang kamay nito habang umiiling sa kasambahay. "Pwede ka bang makausap?" Napalingon ako kay Saffie dahil sa sinabi nito. Tumaas ang sulok ng labi ko nang tiningnan niya si Yue na nakikipag-usap pa rin kay Fiona. Sumunod ako sa kanya nang lumabas siya sa kwarto. Ilang kwarto din ang dinaanan namin bago kami nakapunta sa may sulok. Sa bahagi na walang masyadong taong dumadaan. Tumaas ang kilay ko at sumandal sa pader. "What do you want?" seryoso kong tanong. "Leave my lady—" My? Saan kumuha ng kakapalan ng mukha ang lalaking 'to para tawagin ang girlfriend ko na my lady? "Uulitin ko lang baka hindi mo narinig kanina. Yue is mine. Akin lang siya. Kung hindi mo pa rin iyon maiitindihan, these words might be. Leave my baby alone." Umayos ako ng tayo at naglakad na. Binangga ko pa ang balikat nito para maintindihan niya na hindi ko siya gusto. Kung ano man ang relasyon nila ni Yue ay wala akong pakialam. Napatingin ako kay Yue na papalapit sa akin. Natapos na pala ito sa pakikipag-usap kay Fiona. "Trayne—" Bago pa matapos ni Yue ang kanyang sasabihin ay inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at walang kibong inangkin ang kanyang malambot na labi. "MINE," bulong ko nang maghiwalay ang mga labi namin. Sa akin lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD