•Trayne•
Maghapon akong di mapakali rito sa opisina dahil sa pag-uusap namin kanina ni Yue. Umiiyak ito at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay natataranta pa rin ako dahil sa narinig.
Malalim akong napabuntong-hininga at tumayo sa aking kinauupuan. Kailangan kong makausap si Yue at baka kung ano ang iniisip nito ngayon.
"Tawagan mo ako kapag may importanteng kaso," bungad ko sa sekretarya ko nang makalabas ako sa opisina. "Or email mo na lang sa akin. Kapag may naghahanap sa akin na pamilya ko sabihin mo na lang na may importanteng bagay akong inaasikaso."
Tumango naman ito. Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at naglakad na patungong elevator. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at sinubukang tinawagan ang numero ni Yue, ngunit hanggang ring lamang ito at walang sumasagot.
"Yue, pick up the phone," mahina kong saad, sabay tingin sa kakabukas lang na elevator.
Hindi pa ako nakakarating sa lobby nang maalala ko na hindi ko pala alam kung saan ito nakatira. Napakamot ako sa aking batok at babalik na lang sana sa taas nang biglang tumunog ang hawak kong cellphone.
Napataas ang kilay ko nang makita ang pangalan nito na tumatawag sa akin.
"Napatawag ka?" bungad ko sa kanya bago pa ako nito maunahan. "Sabi ko naman sayo 'di ba—"
"You call naman kasi kanina!" naiinis nitong saad. Napakagat-labi para pigilan ang ngiting nais lumabas sa aking labi. "If hindi ka tumawag, I won't call you naman—"
"Let's date today?" Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya at ang pagkausap nito sa mga kasamahan niya.
"How may brains do you have?" Kumunot ang aking noo sa narinig na sagot mula sa kanya. Bakit naman napunta kami sa ganitong usapan? "Hey, answer me!"
"Anong tingin mo sa akin, babae? Monster—"
"Then why do you keep changing your decisions? Ang sakit mo sa heart, ah!" Narinig ko ang malalim nitong paghinga, bago nagsalita ulit. "I think you have more than five brains, De Silva."
Tumawa lang ako sa sinabi niya at lumabas na ng building. "Pupuntahan kita sa bahay mo. Saan ka ba nakatira?"
"St. Michael Rd—yah! Donald, sa kwarto na tayo maglaro." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng aking sasakyan sa narinig. Bakit ang daming lalaki ng babaeng 'to? "Puntahan mo na lang ako rito, Trayne. Text ko sa'yo ang address."
Bago ko pa siya mapagsabihan ay pinatay na nito ang tawag. Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa sasakyan.
Habang nagmamaneho ako ay pumapasok pa rin sa isipan ko kung ano ang gagawin ni Yue at iyong Donald na iyon sa kwarto niya. Anong laro naman ang pwedeng laruin sa kwarto ng lalaki at babae?
Ramdam ko ang pagtaas-baba ng aking dibdib ngunit hindi ko naman maintindihan kung bakit ko iyon nararamdaman. Wala akong gusto kay Yue, ngunit may nararamdaman ako para sa kanya na hindi ko napagdaanan dati.
—
Isang beses lang akong nag-doorbell at binuksan naman kaagad ito ng kasama niya.
"Pasok ka. Nasa kwarto si Lady Yue. Tatawagin ko lang," saad nito at umakyat na.
Tumayo ako sa aking kinauupuan nang makita kong pababa na si Yue. Hila-hila nito ang asong isang golden retriever.
"Donald, be a good boy. Ang bigat mo naman. Hindi ba sumasakit ang tiyan mo?" Muntikan na akong matawa sa sinabi nito, lalo na at hindi nga tumatayo ang aso sa hagdanan.
"Buhatin mo nalang," saad ko sabay tikhim. Lumingon naman kaagad ito sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Anong tingin 'yan?"
"What? Ikaw kaya magbuhat sa kanya." Tumango at lumapit sa kanila at binuhat nga ito.
"Bakit ba kasi ang liit-liit mo. Pati aso mo di muna mabuhat—aray, sadista!" namamangha kong sambit nang malakas ako nitong binatukan at nauna na sa amin. "Saan ko ito ilalagay? Atsaka bakit Donald pangalan niya? Ang pangit."
Sinamaan niya ulit ako ng tingin at itinuro ang sofa na nakaharap sa kanyang kinauupuan.
"Tabi tayo, Doina." Tinaasan niya lang ako ng kilay at humiga sa mahabang sofa. Akala naman niya mauukupa niya iyon, eh ang liit nga niya. "Doina, may tanong ako."
"Ano naman? Siguraduhin mong seryoso iyan, De Silva." Napangisi ako at inilagay sa sahig si Donald. Lumapit ako rito at umupo sa may paanan niya.
"Hindi ka ba Filipino?" Kumunot ang noo nito at umupo nang nakaharap sa akin.
"Eh, ano naman kung hindi?"
"Gusto mo bang malahian? Ready na ako—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla nitong ibinato sa mukha ko ang maliit na unan. "Ano ba naman iyan, Yue. Nagbibiro lang iyong tao, eh. Ikaw nga ang may gusto na gahasain ako."
"Bunganga mo, De Silva!" mariin nitong usal. Napatigil ako nang marinig iyon sa kanya. Nasanay na ba ang dila nito kakatagalog?
"Bakit ba ang sungit mo ngayon? Red days ba?"
"Sabi mo sa akin kanina that you have someone..." Nagdikit ang kilay ko nang hindi nito itinuloy ang sinasabi at umiwas pa ng tingin. "I mean, you love someone right? Bakit ginugulo mo pa rin ako?"
"Yue, alam mo naman na—" Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang biglang bumaba ang kasama nito at ibinigay sa kanya ang cell phone.
"Lady Yue, alam na ng daddy mo ang ginawa natin. At nalaman na rin niya ang numero mo." Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko sila maintindihan. "Anong gagawin natin? Uuwi na ba tayo? Kakausapin mo ba?"
Tumango lamang ito at may pinindot sa hawak na cellphone. "Daddy, I'm sorry."
Saglit itong tumigil sa pagsasalita at tiningnan ang gawi ko. "I want to stay here, please. I promise I'll be back and..."
Hindi ko narinig ang kasunod nitong sinabi dahil humina na ang boses nito. Narinig ko na lang na nagpaalam na ito sa kanyang ama.
"Wala ba rito ang pamilya mo?" Hindi ito sumagot ngunit lumapit naman sa akin. "Ano?"
"Seryoso ka na ba ngayon? Gusto mo na ba talagang ligawan ako?" walang-gatol na tanong nito. "Because if you're not, please don't bother me anymore—"
"Let's have three dates and let's see what happen. Pagkatapos, doon na tayo magde-desisyon kung ipagpapatuloy ba natin," suhestiyon ko. Tumango lang naman siya at hinila na ako patayo.
"Let's start today. I'm bored." Kinurot ko lang ang pisngi niya at nagpatianod na sa kanyang paghila.