LMA 08:

1107 Words
•Trayne• "Trayne, may itatanong ako sa'yo." Napatingin ako kay Yue dahil sa biglaang pagsasalita nito. Kanina pa kami paikot-ikot sa mga gusto nitong puntahan at huminto lang kami nang makahanap ito ng ice cream shop. "Ano? Pahiran mo muna iyang ice cream sa gilid ng labi mo." Tumango naman ito at kinuha ang tissue, bago marahang pinunasan ang kanyang mukha. "May gusto ka pa bang kainin o puntahan?" "Nakita mo rin ba iyong malaking sasakyan kanina tapos may sariling driver iyong mga tao sa loob?" namamangha niyang tanong. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Iyong mahaba at malaki kaysa sa kotse. Iyong may iba't-ibang kulay. Anong tawag doon?" "Hindi kita maintindihan, Yue." Nagkamot ito sa noo niya at inis akong tiningnan. "Kasalanan ko ba kung hindi kita maintindihan, babae? Galit ka na n'yan?" "Ah!" saad nito sabay pitik ng kanyang kamay. May naalala yata. "Kinuhanan ko pala iyon ng litrato kanina. Oh! Tingnan mo. May nag-wave pa sa akin. Funny ng mukha niya." Tinuturo pa nito ang lalaki sa litrato at tumatawa nang malakas. Nababaliw na yata ang babaeng 'to. Napailing ako at kinuha ang cellphone sa kamay niya. "Jeep? Hindi mo alam kung ano ang jeep?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. "Jeep? Sakay tayo sa jeep, Trayne." Natampal ko ang aking noo dahil sa sinabi niya. "Gusto kong sumakay sa ganoon." "Saan planeta ka ba galing, Yue?" Nagdikit ang dalawang kilay nito. Iniisip yata ang ibig kong sabihin. "Planet? I'm not an alien kaya, pero they call me foreigner here. And why ba? I'm just asking lang naman," nakabusangot nitong saad. "Do you want to come with me ba?" "Okay naman pagtatagalog mo kanina? Bakit bumalik ka na naman sa pagco-conyo mo?" Asar itong tumayo at ipinadyak ang dalawang paa. Para itong limang taong gulang na bata na nagmamaktol. "Yue, watch your actions." Inilibot nito ang paningin sa loob ng shop, nang makita nito ang mga taong nakatingin na sa amin ay bigla naman itong ngumiti. "Sorry po," nahihiya nitong usal. Bumalik naman kaagad ito sa pagkakaupo ngunit ang mga matatalim nitong tingin ay hindi pa rin inaalis sa akin. "Samahan mo na ako, tahanan ko." Ang malambing nitong boses ay pinabilis ang t***k nang puso ko. Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa kanya na nagsasalita kahit hindi naman iyon pumapasok sa isipan ko dahil nakapokus lang ako sa kanya. "Trayne!" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko. "Sa labas tayo? I want to breath fresh air." Tumayo na rin ako at hinawakan na ang kanan niyang kamay. Delikado na at baka mawala ang batang 'to. Hindi pa kami nakakalayo sa may shop nang may makita itong puno sa di kalayuan. Malaki iyon at pwedeng makahiga sa ilalim nito. "Doon tayo, Trayne." Hindi ko na siya sinuway pa at nagpahila na lang sa kanya. "Woah! Ang fresh naman dito." Napangiti naman ako sa sinabi niya at umupo na. Isinandal ko ang aking likod sa katawan ng puno at ipinikit ang aking mga mata. Hindi pa ako natatagalan sa pagkakapikit nang maramdaman ko ang bigat na pumatong sa aking binti. Idinilat ko ang aking mata at nakita ko si Yue na nakangiti habang nakatingin sa kulay bughaw na kalangitan. "Ang liit ng ulo mo pero ang bigat," pang-aasar ko sa kanya. Kaagad naman nitong kinurot ang kaliwa kong binti bago ako tiningnan. "Huwag mo nga akong asarin! Gusto mo kagatin kita?" Tumawa ako sa sinabi nito, ngunit napatigil din nang bigla nitong iginalaw ang kanyang ulo. Hinawakan ko ang kanyang ulo at pinatigil ito sa pag-galaw. "Kung ayaw mong madala sa kwarto i-pirme mo iyang ulo mo, Yue," seryosong usal ko. Kumunot naman ang noo nito ngunit hindi naman tumigil sa pag-galaw inaasar yata ako. Pinagapang pa nito ang kamay sa binti ko. "Nababaliw ka na ba, babae?" Tinaasan lang ako nito ng kilay at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa sobrang inis ko ay bigla ko itong niyuko at inangkin ang labi niya. "Huwag mong asarin ang alaga ko, Yue, at baka hindi lang ito ang magagawa ko sa'yo." Hindi ko kaagad na ilayo ang ulo ko nang inangkin nito ang labi ko. "Masarap!" natatawang saad niya. Nayakap ko siya nang biglang may panang tumama sa ibabaw ng ulo ko. Tiningnan ko muna si Yue para tingnan kung okay lang ba ito, bago ibinaling ang paningin sa pana. May sulat itong nakapiin doon, kaya alam ko na hindi lang iyon isang ligaw na pana. "Ano iyan, Trayne?" tanong sa akin ni Yue. Napailing ako bago kinuha iyon. 'L.T.A.D' iyon lang nakalagay doon. Hindi ko alam kung initial ba iyon ng pangalan o may ibang ibig sabihin iyon. "Let's go home, Yue," aya ko rito. Hinawakan ko ang braso nito at hinila siya patayo. Delikado na at baka may iba pang umaaligid dito. "Hindi na tayo sasakay ng jeep? Gusto ko sanang maglibot bago umuwi. Wala naman akong magawa sa bahay," saad nito. Naihilamos ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha. Gusto ko man na tuparin ang hiling nito ay di ko magawa dahil sa mga banta sa akin. "Trayne, are you okay? Do you have any problems?" "Kahit sabihin ko pa sa'yo ang problema ko. Hindi ka pa rin makakatulong sa akin, Yue!" Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin. Maski ako ay di makapaniwala sa agarang pagtaas ng aking boses. "I'm sorry." Ngumiti ito ngunit umaatras naman para mapalayo sa akin. "I'm sorry if I am annoying. Pero kung may problema ka sa akin you can talk to me slow and calm. I can understand you..." Akmang hahawakan ko siya para hilahin palapit sa akin ngunit tinabig naman nito ang aking kamay. "I'm not familiar with these kind of things. The world seems new to me. So, I'm sorry if I disturb you—" "Yue, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na sigawan ka," mahinahon kong usal at pinipilit pa rin siyang abutin. "I think you're right about it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "That I'm an alien." "I'm just joking earlier, Yue. Hindi ko naman—" "Because just like them wala rin akong kaalam-alam sa mundong ito. Kailangan ko pa nae-explore ang mundong ito para makasabay ako sa inyo sa iyo," malungkot nitong saad bago inilayo ang tingin. "Umuwi ka na, Trayne. Tatawagan ko na lang sila Ate Sofia at Saffe. Magpapasundo na lang—" "Ako nagdala sa'yo rito. Ako mag-uuwi sa'yo, Yue," seryoso kong saad. "You don't need to—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at binuhat na lang bigla. "Uwi na tayo, Yue."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD