“HINDI na kita masusundo pa. Pero may ibang magsusundo sa `yo bukas nang umaga. May kailangan lang akong asikasuhin ngayon kaya napaaga ako ng dating dito sa rest house. Pero `wag kang mag-alala, ako ang unang sasalubong sa `yo sa pagdating mo rito, kasama ang mga magulang ko.” How is it possible that despite my own pain, my own burdens, I can still feel yours? naisaloob ni Maggy bago pagod na pagod na isinandal ang ulo sa headboard ng kanyang kama. Hinayaan niyang pumatak ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak simula nang magtalo sila ni Clarice sa kwarto niya. “May problema ba?” namamaos ang boses na nagawa pa ring itanong ni Maggy. Austin’s voice was unexpectedly sad that night. No, sad was in fact, an understatement. Austin sounded lifeless. “Mahal

