“GOOD THING you came. Naabutan mo pa ako rito,” walang siglang bungad ni Maggy kay Austin nang mapagbuksan niya ng pinto, eksaktong apat na araw matapos nang naging pagkikita nila ni Benedict. Ngayon lang muling nagparamdam ang binata. Ni hindi ito nagte-text o tumatawag. And all those times, all she held on were liquors. Dahil sandali niyang nalilimutan ang mga masasamang nangyari sa buhay niya sa pamamagitan ng mga iyon. Bukas ay aalis na si Maggy pabalik sa Nevada sa tulong na rin ni Radha. Nakapagdesisyon na siya at ipagtatapat niya kay Yalena ang lahat maliban sa nararamdaman para kay Austin. Hindi niya kayang patuloy na ilihim ang tunay na sitwasyon ni Benedict sa kanyang kakambal. Kailangan na din nitong matuklasan ang katotohanan. Isang malaking pagkakamali ang pagbabalik ni

