“WHAT was I like… before the amnesia?” naitanong ni Maggy sa kalagitnaan ng panonood nila ng sine ni Austin. Comedy ang tema ng palabas pero hindi niya magawang mag-enjoy sa pelikula. Napakarami niyang tanong tungkol sa sarili. Napakarami niyang ipinag-aalala. She didn’t know how to start rebuilding a sense of self-identity. “Ikaw si Maggy de Lara. You’re twenty-nine years old, and you’re the Chief Operations Manager of YCM or Yalena, Clarice, and Maggy’s Hotel and Resorts,” naalala niyang sinabi ng nagpakilalang Clarice noong nasa ospital pa siya. “We’re the best of friends, Maggy. At nagpunta ka rito sa Pilipinas para—” “Para magbakasyon,” biglang pagsabad ni Austin. Kumabog ang dibdib ni Maggy nang makita ang binata. Noong araw na magising siya, noong akala niya ay

