“IS IT… normal to want to hear your friend’s voice over and over again? To want to see him always?” may halong pagtataka sa boses na tanong ni Maggy kay Clarice habang nasa veranda sila ng tinutuluyan niyang kwarto. Araw-araw siyang dinadalaw nito. Tuwing Sabado ay buong araw na naglalagi ang babae sa mansiyon ng mga McClennan kasama ang asawa nitong si Alano, katulad na lang nang mga sandaling iyon. Sa tuwina ay kinukuwentuhan siya nito ng mga bagay tungkol sa sarili niya, sa kanyang mga magulang, sa kakambal niya, sa Tito Harry nila at sa negosyong pinamamahalaan niya. Sa sandaling naipaliwanag sa kanya ni Clarice ang bigat ng trabaho niya bilang CEO ng YCM ay ginusto niya na kaagad na bumalik sa Nevada. Pero hindi niya pa kaya. Ang dami niyang kinatatakutan, ang daming mg

