“I AM GOING to ask her to marry me,” determinadong pag-amin ni Austin sa mag-asawang Alano at Clarice nang sadyain niya sa bahay ng mga ito. Ilang araw niya nang pinag-iisipan ang bagay na iyon mula nang maging sila uli ni Maggy. Alam ni Austin na nagiging makasarili na naman siya. Pakakasalan niya si Maggy samantalang wala ito kahit na anong maalala tungkol sa sarili. At hindi niya rin maitatanggi ang katotohanang mahal man siya ng dalaga ay siya pa rin ang kahuli-hulihang lalaki na gugustuhin nitong pakasalan dahil sa kanyang ama. Pero hindi na mapakali si Austin lalo na at ayon kay Nana Cora ay ilang beses na raw may tumawag na mga babae sa mansiyon. Radha at Yalena umano ang pakilala ng mga ito. Mahigpit na ipinagbilin niya sa mga kasambahay na huwag ibibigay ang telepon

