Kabanata 4

2098 Words
A/n: Fresh from Microsoft word HAHAHAHAH, I really feel like this update was just a boring chapter, I mean, it's ughhh! Nevermind, enjoy reading, Aerens —Aerenux, Mr. A Kabanata 4 Danger “I’m sorry but, She’s mine.” Halos lumundag ako sa gulat nang marinig kong nagsalita si Primo mula sa likuran ko. “Let’s see, siguro naman ay narinig mo ang sinabi ko kanina, right?” mayabang na saad ni Xavier habang ako naman ay nananatiling walang masabi sa ikinikilos nilang dalawa. Hindi ako kumportable sa nangyayari ngayon sa pagitan namin tatlo, umalis si Xavier na parang walang nangyari at naiwan kaming dalawa ni Primo na nakatayo. Kung ako ang tatanungin ay parang nababagabag ako sa mga kinikilos ni Xavier, habang si Primo naman ay sinasabayan pa ito. “Okay ka lang?” tanong ni Primo saakin. “Oo, uwi na tayo.” Pagod lang ang nararamdaman ko sa ngayon, andaming naganap ngayong araw, kanina ay nakisali kami sa parada, at dumalo sa pambungad na seremonya. Tahimik kaming dalawa ni Primo sa biyahe, nauna na palang umalis sila Mama at Papa dahil napagod din ata, mabuti na lang at may dalang sasakyan si Primo. “Kanina ka pa tahimik, Destine…sigurado ka bang okay ka lang?” nag-aalalang tinig ni Primo sa akin. “Ayos lang ako, Primo. Pagod lang siguro.” “Matulog ka muna kahit sandali, medyo malayo pa naman tayo.” Sabi niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Isinandal ko ang aking ulo sa may bintana at pumikit hanggang sa hindi ko na namalayan ang lahat ng lamunin ako ng antok. Someone’s Point of View PATULOY kami sa pag buntot sa kotse kung saan nakasakay si Clandestine Zalcedo, nakatanggap kami ng isang tawag mula sa kay Fiere para sa pag dampot sa babae. Nung una ay akala namin ay mahihirapan kaming gawin ito pero nang malaman namin na walang kasamang guwardiya ang target at isa lang ang kasama nito ay agad kaming nabuhayan ng loob, kung tututusin madali lang naman itong pinapagawa saamin, kung gabi, pero sa kasamang palad ay nataon pa sa piyetsa. “Lumiko na sila samay tagong lugar, ano nang gagawin?” biglang nagsalita si Mnemosyne. “Buang ka ba? Malamang kuhanin na agad yung babae.” Puno ng sarkasamong sagot ni Prismarine. “Whatever.” Tinarayan lang ni Mynemosyne si Prismarine at bumaling na muling saakin. “So ano na?” “Eury, simulan mo na.” tumingin saakin si Eury at tumango na parang alam na niya ang nais kong sabihin. Binuksan niya ang bintana ng van at pinaputukan ang gulong sa kaliwa kaya natigil ang pag takbo nila. Binalingan ko naman si Mynemosyne, “It’s your time to shine.” Dali dali syang naahagis sa binta ng isang smoke bomb papunta sa gawi ng kotseng sinasakyan ni Clandestine, at bago pa mawala ang usok ay lumabs siya ng sasakyan at dali daling kinuha si Clandestine kasunod ni Prismarine. Inihanda kaming lahat ng Mafia para sa mga ganitong gaawain, mula pag kabata ay sinanay na kami sa pagpapaputok ng baril, at pakikipag laban. Maya maya pa ay nakita ko nang lumabas sa usok si Mynemosyne at Prismarine dala dala ang target na si Clandestine, “Ihanda mo ang pampatulog, maikli lang ang bisa ng hypnotism na nagawa ko. Nang makapsok na sila ay pinaharurot namin ang van papalayo, “Anong ginawa niyo sa kasama niya?” kuryosong tanong ko. “Tranquilizer.” Tipid na saad ni Prismarine. “Mission acomplished, Ladies.” Third Person’s Point of View ALIGAGA ang buong mansyon dahil kanina pa hindi nahahanap si Clandstine, si Primo ay natagpuan na tranquilized sa loob ng kote habang wala si Clandestine sa loob nito, Senyor Christiano are fuming mad as well as Carlos, meanwhile Freena and Senyora Crisia are calming them down. “How can I f*****g calm down, Baby?! My sister is missing.” Carlos screamed in anger and rage then he realized he just raised his voice to Freena. “I’m sorry, Baby…I’m just worried…” his voice softened. “I understand, kaya nga kumalma ka…and I know your men are doing everthing to find Destine as soon as possible.” She smiled to his fiance. Habang unti unti nang kumakalma si Carlos ay umugong naman ang sigaw ni Senyor Christiano sa loob ng mansyon, “f*****g find my daughter or I’ll kill you all!” “Christiano…natatakot mo na sila.” Senyora Crisia looked to Freena and Carlos whos now shocked. “I’m sorry…I can’t calm down knowing my daughter is abducted.” Everyone is reallys eager to find the Zacedo’s heiress, as much as they also want to ask help from the local police but they can’t because it’s just seven hours since the disappearance of Clandestine. “Senyor, Primo waked up.” Sabi ni Iñigo, the butler of Zalcedo’s Lahat sila ay nagtungo sa guest room kung saan nagpapahinga si Primo nang marinig nila ang mga sigaw nito, “Asan si Destine?!” Nang makapasok sila sa loob ay nakita nilang pinipigilan ng mga nurse na gumalaw si Primo dahil nanghihina pa ito, “The patient is still weak.” Sabi ng doctor pagkapasok nila. “Hindi, hahanapin ko sy---” he was cutted off when Senyor Christiano speaked full of authorithy. “Kumalma ka, hinahanap na sya ngayon ng mga tauhan ko.” “Hijo, ano ba talaga ang nangyari?” Senyora Crisia asked him. “M-May b-bumaril sa gulong ng sinasakyan namin and then…m-may usok…t-tapos…m-may pumasok na nakadamit ng itim…pilit nila akong tinurukan ng kung ano hanggang sa…hindi na ako nakagalaw…” para bang isang bangungot ang nakikita niya tuwing naiisip niya ang mga nangyari. “Oh my god…” Napatakip ng bibig si Senyora Crisia sa nangyari. Clandestine’s Point of View NAGISING ako mula sa liwanag na sumasagi sa aking mukha, unti unti kong idinilat ang aking mga mata, malambot at kumportable ang aking pakiramdam, nasa isang kwarto ako at nasisiguro kong hindi ko iyon kwarto. Madulas na kahoy ang sahig nito, maroong isang sopa at lamesita, may roong telebisyon, ref at mga libro sa isang shelf, may walk in cloaset din na puno ng damit, para akong nasa isang condo unit. Agad akong nagtungo sa pintuan nang pihitin ko ang hawakan nito ay naka lock mula sa labas, humanap ako agad ng ibang pwedeng labasan, nagtungo ako sa bintana ngunit may mga bakal na rehas ito. “Tulong!” kinalampag ko ang pintuan. “tulungan niyo ako!” muli kong kinalampag ang pintuan ngunit parang walang nakakarinig saaakin. Hindi ako pwedeng umupo lang dito at mag antay, dapat gumawa ako ng paraan…luminga linga ako sa paligid, linibot ko din ang buong silid para mag hanap ng isang bagay na maaring makasira ng pinto nang nadako ang aking mga mata sa bookshelf. Ang book shelf ay kapantay lang ng pader, parang ginawa talaga iyon para ilagay doon alam kong hindi ko kailangan ng libro para makalabas ngunit may isang sulok sa isip kong sinasabing lumapit ako doon. Parang may sariling buhay ang kamay ko nang hinawakan ko ang mga libro at habang pinag mamasdan ko ang mga ito isang buton ang nakita ko, hindi ko alam kung para saan iyon ngunit pinindot ko pa rin. Pagkapindot ko dito ay parang may isang bakal na pintuan ang nagbukas, mayroong mga alikabok na inilababas ang siwang na nabubuo ngayon. Nang magbukas na ito ng tuluyan ay pumasok ako sa loob, puno ng alikabok ito at madilim, humanap ako ng isang switch para sa ilaw at nang makakita ako ay biglang lumiwanag ang buong lugar, sa loob ng silid na ito ay nakita ko ang isang white board, puno ng tanong ang utak ko, maraming detalye ang dumadaloy sa utak ko masyadong magulo ang nasasaksihan ko ngayon, napatakip pa ako lalo nang makita ko ang isang litrato… Litrato iyon ng pamilya namin, si Kuya, Mamá, Papá at ang litrato ko na may kulay pulang marka, inilibot ko pa ang paningin ko sa white board, may mga litrato ng pamilya namin, mga stolen shot kapag nasa pampublikong lugar kami. Sa matagal na panahon, pinag-mamasdan kami araw araw, ng isang hindi ko pa nakikilalang tao, kung sino man siya ay isa lang ang ibig sabihin, “My family is in danger…” Sa mga natutuklasan ko ay mas lalo akong natatakam na makamit ang kalayaan. Third Person’s Point of View “HAVE you tracked her?” tanong ni Senyora Crisia kay Xedrick na ngayon ay nakaupo at nakatutok sa kaniyang laptop. “Still no, Tita.” Napailing iling na lang si Xedrick. Kung kagabi ay buong Zalcedo’s lang ang nag-aalala para kay Clandestine ngayon ay halos ang buong La Costa na, ang mga tauhan sa bahay ay halos hindi mag kandaugaga para pag silbihan ang mga amo nila na hindi pa natutulog hanggang ngayon. Si Freena at Carlos ay magkatabing nakadantay sa isa’t isa habang natutulog na agad na nakita ni Crisia, “Carlos…” niyugyog niya ang kaniyang panganay na anak. “Nahanap na ba sya?” bungad niya sa ina. “Hindi pa, pero dapat ay mag pahinga na kayo ni Freena sa taas, kami na muna ang bahala dito.” Tumango naman si Carlos sa kanya at ginising niya ang kasintahan. 27 hours, ganyan na katagal nawawala si Clandestine, si Primo at Prima ay nag-ikot sa bayan sa pagbabakasakaling makikita siya roon, si Senyor Christiano ay tinatawagan na ang lahat para mahanap ang nawawalang anak. “Mahahanap din natin siya, matapang ang anak natin Crisia…” bagaman nag-aalala din para sa kanyang anak ay kailangan niyang maging matatag bilang padre de pamilya. “Christiano, gawin mo ang lahat…hanapin mo ang anak natin.” Naririnig na ang pigil na pag-hagulgol ni Crisia, napukaw noon ang atensyon ng mag-asawang Falcon at nilapitan sila. “Crisia, wag ka nang mag-alala, gagawin natin ang lahat para mahanap si Destine.” Ngumiti si Xaria sa kaibigan. “Xedrick, wala pa ba?” tanong naman ni Xelso sa anak. “I’m sorry to say pero, we have no lead on where is she, nakausap nyo na po ba ang mga pulis tito?” tanong naman niya. “Yes and sabi nila ay kumalat na sila sa lahat ng parte ng La Costa.” Sagot ni Christiano. “One thing is for sure, we need to find her immediately.” Singit naman ni Xavier na ngayon ay kalmado lang sa kabila ng sitwasyon. Clandestine’s Point of View KANINA pa ako paikot ikot dito sa kwarto, naghahanap ng maaring makasira o makapagbukas sa pintuan na tanging daan para makalabas ako, alas nuwebe na ng umaga, nakakaramdam na ako ng gutom sumasakit na ang tiyan ko at puro tubig lang na nanggaling sa ref ang iniinom ko. Nawawalan na ako ng pag-asa para makawala dito nang bigla akong nakarinig ng mga yabag mula sa pintuan, naging alerto ako at lumapit sa pintuan, unti unting kong naririnig ang bawat pag kalatok ng mga kandado sa labas. Isa… Dalawa… Tatlo… Apat… Lima… Limang kandado sa labas ang naririnig kong nabubuksan na, dahan dahang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang kasambahay, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong may babae rin dito. “Kumain kana—” sabi niya ngunit agad akong nagsalita. “Ate…tulungan mo ako—” hinawakan ko ang kamay niya. “Ma’am…” nakikita ko ang awa sa kanyang mukha. “Ate please…hinahanap na ako ng pamilya ko…” “Pasensya na po, hindi ko po kayo matutulungan.” Sabi niya at iniwan lamang ang pag kain sa iwang tray nang palabas na sya ay humabol ako. Mabilis niyang isasara ang pinto nang mailusot ko ang aking kamay, “Ahhhh!” napasigaw ako ng malakas na maipit ang kamay ko kaya agad ko iyong inalis. At muli, naiwan nanaman akong mag isa, nakakulong sa isang kwarto, muli akong bumalik sa sikretong silid sa loob nitong silid na aking kinalalagyan, baka sakaling makakita ako ng paraan. Inilibot ko ang aking paningin, ang tanging nandito lamang ay ang mga kahoy na estante, at ang white board, ngunit sa gitna ng paglilibot ng aking mata ay nahagip nito ang isang maliit na box. Kinuha ko iyon at inialis ang kaunting alikabok na nakapalibot dito, binuksan ko iyon at nakakakita ako ng mga litrato ng isang bata. Mayroon siyang bilugan na mukha at mata, nakakahawang ngiti ngunit isa sa aking napansin ang pagiging pamilyar nito saakin, parang nakita ko na ito dati. Tinignan ko din ang ibang mga litrato, sa ibang litrato ay patanda na ng patanda ang kanyang itsura at sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakita ko ang isang litrato ng isang taong pinaka malapit saakin. Primo… Napapikit ako, hindi maaring siya…napuno ang puso ko ng takot para sa akin, at sa pamilya ko, ayokong isipin na siya ang may pakana nito pero sa ngayon…ayon sa mga nakikita ko isa lang ang sinasabi nilang lahat. If you’re really the danger, then I shouldn’t give you the satisfaction. *** A/n: Finally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD