Kabanata 3

2174 Words
Kabanata 3 She’s mine BUMALIK na ako sa mansyon, si Kuya Carlos at Freena ay nagpapahinga na dahil sa jet lag, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Primo ay naging abala sya sa pagtulong sa Hacienda, kaya andito ako ngayon kasama si Prima. “Ayun, pano nga naging kayo?” Usyosong tanong niya saakin. “Alam mong mula pa noon ay may pag-hanga na ako sa kanya, at nung nalaman ko…nagduda ako sa nararamdaman ko.” pinagdikit ko ang aking mga labi. “N-Napilitan ka lang ba?” Nagulat ako sa tanong niya saakin. Napilitan nga lang ba ako? Hindi ko din alam, ang alam ko lang ay gusto kong subukan, alam kong mali pero ito lang ang naisip kong paraan para hindi na sya masaktan. “Hindi…nang mag-usap kami, nararamdaman ko kung gano kasakit yung nararamdaman nya, sapat na siguro yon para masabi kong mahal ko sya.” Ngumiti ako sa kanya. “Sawakas, naglayag na din yung ship ko.” Ani niya na para bang nakahinga na ng maluwag. “Anong ship?” sa totoo lang kay Prima lang ako natututo ng mga salitang galing sa labas, siya kasi ang pinaka madalas lumabas ng mansyon dahil marami siyang kaibigan sa bayan. Nakapag-aral ako ng kolehiyo, pero sa ibang bansa nga lang kaya hindi ako masyadong maalam sa mga millenial na salita kung tawagin nila. “Yung parang love team mo.” Sabi niya at tinapik ang aking braso. “Love team?” nanlaki ang mata namin parehas dahil sa malalim na boses na nanggaling sa aking likuran, natitiyak kong hindi iyon si Primo dahil iba ang boses ng lalaki. Lumingon ako sa likod ko, “Kuya Carlos…” “May hindi ba ako nalalaman, Destine? Hmm?” napatingin ako kay Prima na ngayon ay tulala. “A-Ah…a-ano…ship! Yung millennial term tinuturo saakin ni Prima yung ibig sabihin no’n.” pagpapalusot ko kay kuya na mukhang hindi naman bumenta sa kanya. “Still a bad liar, Destine…tell me, does Primo make a move already?” kaswal na sabi niya na para bang alam ang lahat ng nangyayari sa mansyon. “Kuya…” “Destine, there’s no point of lying, I mean…noon palang alam ko nang may gusto si Primo sayo.” Sabi niya habang tinatapik ang braso ko. “Besides, you’re at the right age…so tell me? What’s the score between you two?” “K-Kami na…” gaya ng sabi ni kuya wala nang patutunguhan ang pagsisinungaling ko, kaya sasabihin ko nalang. “Hmm…I’ll talk to him tomorrow—” sabi niya na ikinataranta ko. “Kuya!” napatayo ako sa kinauupuan ko. “Calm down, Destine. It’s just a simple boys talk, I won’t beat him up.” “Oo nga naman, Destine. Mag bestfriend sila ni kambal kaya wag kana mag-alala.” Sawakas na nakapagsalita na din si Prima. “Sige…” Akala ko ay magagalit si Kuya, pero mali ako ng akala, at dahil doon ay makahinga ako ng maluwag, napag-isip-isip ni kuya na ipasyal si Freena sa bayan kaya ngayon ay wala sila dito, samantalang si Mamà at Papà ay nagpunta sa isang business trip. Kasama ko ngayon si Primo at Prima, kumakain kami ng meryenda habang nagkwekwentuhan. “Alam mo ba kanina, Primo? Kabadong kabado ako nang marinig ni Carlos ang pinag-uusapan namin, pero mabuti nalang Team Primo siya.” Kanina pa nag kwekwento si Prima tungkol sa nangyari kanina habang kami ay tahimik pa rin. “Anong ganap? Bakit may pa silent treatment kayo sakin?” nakapameywang na tanong niya. “H-Ha?” sabay kaming nagsalita ni Primo. “Anong ha? Lutang kayo?” “Hindi may iniisip lang ako.” Sabi ni Primo. “Ako naman wala lang akong masabi.” Saad ko sakanya. “Ano ba kasing nangyari? Teka, may balak ba kayong ipaaalam kina Senyor at Senyora ang tungkol sa inyo?” sabi naman ni Prima. “Ayun nga yung iniisip ko, pero kung ano man yung magiging desisyon ni Destine…rerespetuhin ko yon.” Tumingin siya saakin at ngumiti. “Ipapaalam ko kapag handa na ako.” Maya maya pa ay umalis muna si Prima dahil tinatawag siya ni Nana Asing habang kami naman ni Primo ay naiwan. “Sigurado ka bang ayos lang sayo?” tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, binabagabag pa din ako sa naging pasya niya kanina, alam kong labag sa kalooban niyang pumayag na maging-date ako ni Xavier sa pista, siya ang nobyo ko kaya dapat siya, pero… “Ang alin?” tanong niya habang umiinom ng tubig. “Yung tunkol sa…” hindi ko masabi ang dapat ko sabihin dahil iniisip ko ang maarin niyang maramdaman. “Pumayag ako, Destine…pero isang beses lang, seloso ako, Destine.” Idinantay niya ang kanyang ulo sa aking balikat. “Wag kana magselos…tulad nga ng sabi mo, isang beses lang naman.” Idinantay ko din ang ulo ko sa kanya. Lalaking lalaki ang amoy niya, hindi matapang at hindi masakit sa ilong. Tawagin niyo na akong baliw pero nagugustuhan ko kapag nagiging ganito si Primo, seloso. Pakiramdam ko ay ako lang ang mahal niya. Maya maya pa ay nagpasya akong bumalik sa mansyon, alas sais na at baka dumating na si Kuya Carlos at Freena, isa pa kailangan na ding umuwi ni Primo. Nang makarating ako sa mansyon ay nakita kong nakaparada na ang sasakyan ni kuya Carlos sa labas, dumating na nga talaga sila. Pumasok ako at sinalubong ako ng nagmamartsang palabas na si Freena, “Freena, madilim na san ka pupunta?” Tanong ko sa kanya. “Lalayo sa kapatid mo.” Mula sa tono ng pananalita niya ay parang nagkakaroon sila ng hindi pag-kakaintindihan. “Pag-usapan niyo ‘yan.” Wala sa sariling sabi ko. “Pwede mo ba akong samahan? Sa garden lang naman ako pupunta.” Sabi niya habang bagsak ang balikat. Pumayag akong samahan siya, nagkwento siya kung bakit nag-aaway silang dalawa ni kuya. “Sino ba naman ang hindi maiinis sa kanya? Napaka seloso pero kapag nagsidikitan ang babae sa kanya ay okay lang?!” hinhayaan ko siyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya. “Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko.” Bahagya akong natawa sa sarili ko. “Isa pa, nagalit siya kanina dahil lang sa napaka—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may pumutol sa kanya. “Pumasok ka sa kwarto, Freena.” Malamig na utas ni kuya Carlos sa likuran namin. “Anong gagawin ko don? Ayaw kitang makita tapos papabalikin moko sa kwarto?” taas kilay na sagot ni Freena sa kanya. “Mag-uusap tayo, isa pa…dapat nang magpahinga si Destine.” Ganon pa rin ang tono ni kuya Carlos, halatang nagpipigil ito ng galit. “Mag-uusap? Ulol! Nadale na ako nyan dati.” Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Freena pero nakasisiguro akong hindi angkop sa bata. “For goodness sake, Freena! You’re tainting Destine's innocence.” Napatakip naman si Freena sa narinig. “Pumasok ka muna, Destine.” Sumunod nalang ako sa utos ni kuya at pumasok ng mansyon. Totoo iyon, hindi ako mulat masyado sa makamundong bagay, may alam ako ngunit hanggang sa payakap yakap at pahalik halik lang, pero kung mas malalim pa doon ay hindi ko na sinubukang alamin. Natapos ang araw at ngayon ay Linggo na nagsisimula nang magdekorasyon ang mga tao sa bahay maging sa bayan, si Kuya Carlos at Primo ay tumutulong sa pagdedekorasyon habang kami naman ni Prima, at Freena ay naglagi sa kusina para magisip ng ihahanda sa Pista sa Lunes. Isang linggo ang pista, iba iba ang mga event sa bawat araw, ang Linggo ay pagandahan ng dekorasyon, ang Lunes ay ang mismong pista, martes ay ang taunang patimpalak hanggang sa huwebes, at pag dating naman ng biyernes at sabado ay pagtitipon ng mga mayayamang pamilya sa isang charity event. “Noong nakaraang taon ay ibinida ng mga Zalcedo ang American Food, bakit hindi natin subukan ngayon ang Italian o kaya Spanish? Hindi ba ay may lahi kayong European?” tanong ni Prima habang naglilista. “Oo, pero…mukhang mahihirpan tayong maghanda, isa pa—” nagulat ako ng putulin ni Freena ang pagsasalita ko. “Shhh. Akong bahala, panigurado ay makikipaghiwalay saakin ang kapatid mo kung hindi ako marunong ng mga paboritong purahe nya.” Mahilig si kuya Carlos sa mga European cuisine. “Ayun!” sabay namin sabi ni Prima. Napagdesisyunan naming maglagay ng Spanish cuisine at Filipino cuisine dahil ang ibang putahe naman ay magkakahawig, naging maayos at inaprubahan ng lahat ngayon naman ay pinag-uusapan ang kulay na isusuot ng Pamilya para sa charity event. Palaging iisa ang kulay ng damit ng mga pamilya bawat taon, nakaraang taon ay naka kulay pula kami. “Hmm…why don’t we try black?” tanong ni Kuya Carlos. “Love? Seriously black? I think it should be a soft color. Besdies, the event is a feast so…” “I agree with your fiancee, Son.” Sabi ni Mamá habang tumatango tango. “So as me, Kuya.” Pagsegunda ko kay Mamà. “I agree with you, Son.” Napatingin naman kami kay Papà. “Pag-tatalunan pa ba natin ito Christiano?” tumaas ang kilay ni Mamá. “Mag-aaway kayo lahat?” Lahat sila ay napatingin saakin, “Kayo hindi?—” sabi ni Kuya Carlos “kuya!” “May hindi ba kami malalaman, Destine?” striktong sabi ni Papá. “Ah….” “Clandestine.” Tumayo naman ang balahibo ko sa matalim na boses ni Mamá. “Goodluck.” mapang-asar na ngumisi si Kuya Carlos. “Ah…a-ano…” nauutal utal ako. “Clandestine!” biglang kinalabog ni Papá ang lamesa. “Kami na ni Primo!” bigla akong napatakip sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang ekspresyon. “Ipatawag ang kambal!” utos ni Papá. Tumingin ako ng masama kay Kuya Carlos, inabot ko ang paa niya gamit ang paa ko at madiin ko iyong tinapakan. “Ahhh!” napadaing si kuya. “Anong nangyari?” biglang tanong ni ate Freena. “W-Wala…pinulikat lang ako.” Ngumising aso siya sa kanilang lahat. Maya maya ay dumating na ang kambal, “Senyor, pinapatawag nyo daw po kami?” tanong ni Prima. “Primo, totoo ba na ikaw ang nobyo ng anak ko?” tumingin si Papà kay Primo, habang si Primo ay prenteng nakatayo na ani mo’y walang kakaba kaba. “Opo, Senyor.” Kalmado niyang sagot, saan ba siya kumukuha ng lakas ng loob habang ako ay kabadong kabado na dito. “Mahal mo ba sya?” baling saakin ni Papá. Mahal ko nga ba talaga siya? Sa sandaling panahon ay nakumpirma ko na ang nararamdaman ko, mahal ko na din sya. “Opo.” “Kung gano’n, binibigay ko sainyo ang pagpayag ko.” Ngumiti siya saakin. Napaawang ang labi ko sa narinig, naging madali ang lahat ng higit pa sa inaasahan ko, nawala ang lahat ng pangamba at takot ko sa mga pangyayari ngayon. “Ako din, basta’t alagaan mo ang prinsesa namin.” Sumegunda na din si Mamà. Tumayo ako at niyakap silang dalawa. “Thank me later.” Tumikhim si kuya Carlos. Sinamaan ko naman siya ng tingin, hindi ko alam kung magpapasalamt ba ako sa kanya o maiinis ako sa kanya. Araw na ng Lunes at nagsimula na ang pista, nakasama kami sa parada, masyadong maraming tao sa bayan ngayon, magagandang disenyo at mga makukulay na dekorasyon ang makikita sa buong bayan. Ramdam na ramdam ko ang pista, maraming tao at nagsasayawan, mga nagkakasiyahan, isang seremonya naman ang dinaluhan namin pagkatapos ng parada, nakaupo kami ngayon sa harapan kaya kitang kita ang buong entablado. Inilibot ko ang paningin ko, pilit hinahanap ng aking mga mata si Primo, kasama namin siya kanina sa parada. “Si Primo ba ang hinahanap mo?” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Kuya Carlos. “Hindi ko sya makita.” “Nasa tiyange siya, tumutulong mag benta ng mga produkto galing sa Hacienda.” Sabi naman niya. “Ganon ba…” nadismaya naman ako sa hindi ko malamang kadahilanan. “Tara, hinahanap tayo ni Papá kanina.” Sabi niya at naglakad papalayo. Sumunod naman ako sa kanya, at naabutan ko silang lahat kausap ang mga Falcon, lumapit ako sa kanila. “Oh, hija saan ka ba nanggaling?” tanong ni Mamá saakin. “Hinanap ko lang po si Primo.” “Anak, abala siya sa tiyange, magkikita rin kayo mamaya.” Sabi din naman ni Papà. “Who’s Primo? Is he you’r suitor? Bodyguard?” nagulat naman ako sa pakikiusyoso ni Xavier sa usapan. “My boyfriend.” “Maghihiwalay din kayo—” sabi ni Xedrick pero pinutol siya ni tita Xaria. “Xedrick! Wag mo silang igaya sa mga past relationship mo na hindi tumatagal ng ilang linggo!” saway ni tita Xaria. “Nako, Xelso. Mukhang namana ata ng bunso mo ang pagkababaero.” Biro ni Papá. “Nagbago na ako, Christiano.” Sabi naman ni Tito Xelso. “Aba, dapat lang.” sabi naman ni Tita Xaria. “O, sya… we should get going.” Tita Xaria. Nagpaalam na kami sa kanila, nauna na sa sasakyan sina Kuya Carlos, Freena, Mamá at Papà habang ako ay nag-paalam para magpunta sa tiyange. Habang papapunta ako doon ay nagulat ako ng may humila saakin, nagulat ako sa pagkakahaltak niya saakin, “Where are you going?” malamig na utas ni Xavier, tama..si Xavier ang humila saakin. “Pupuntahan ko si Primo.” Matigas kong sambit pabalik sa kanya. “He’s busy right?” “Why do you care? Gusto kong makita si Primo? Anong pakialam mo?” tinaasan ko siya ng kilay. “As what Xedrick said earlier, maghihiwalay din kayo.” Ngumisi siya ng nakakaloko. “Pano mo naman nasisiguro yon?” paghahamon ko sa kanya, tignan nating kung hanggang saan ang tapang mo. “One thing is for sure, I’ll steal you away from him—” naputol siyang magsalita ng may isang boses galing sa aking likuran ang pumutol dito. “I’m sorry but, she’s mine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD