Kabanata 2

2047 Words
Kabanata 2 Shellfish “I WANT you to…” he stopped for a second. “I want you to be my date in the feast.” I want you to be my date… I want you to be my date… I want you to be my date… Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya, gusto niya akong makapareha sa dadating na pista, madami namang babae ang pumipila at nagkakandarapa para makuha lamang ang kanyang atensyon. Lumingon ako sa bawat gilid ko, kaliwa at kanan, nakita ko ang mukha ni Papá at Mamá na parang sinasabi saakin ay, Anak pumayag kana. Tsaka isa pa, wala na din namang magagawa ang paghindi ko, nangako ako sa kanya. Tinignan ko si Xavier na ngayon ay nakangisi lamang saakin, maloko ang pagkakangiti niya na para bang may balak siyang gawin—hindi. Hindi dapat ako nag iisip ng nga ganitong bagay. “So…I bet you’re silence means yes.” Ani niya na may pinalidad ang boses saka nagpatuloy sa pagkain. Naging maayos ang araw, madilim na ng makauwi kami sa mansyon, pagod ang tangi kong nararamdaman galing sa mahabang biyahe, agad akong nagtungo sa aking kwarto para magpahinga. Nang maayos ko ang sarili ko ay humiga ako at pumikit at sa di katagalan ay unti unti akong nilamon ng antok, ngunit maya maya pa ay nakarinig ako ng isang pag tawag, napamulat ako dahil sa boses. Malabo ang paningin ko dahil sa matagal tagal na pagkakapikit, sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at nanggagaling iyon sa bintana. Hindi ako nagkamali ng makita kong nakatayo sa may bintana si Primo, teka? Paano sya nakaakyat? Binuksan ko ang bintana, “Nagising ba kita?” tanong niya. “Kakatulog ko lang din, bakit?” tanong ko. “Ah..ganon ba? Mukhang pagod ka…” ani niya habang ginigiya pataas at pababa ang kanyang ulo. Nadapo ang tingin ko sa kanyang malungkot na mata, tumitig pa ako lalo sa kanyang mga mata, sa bawat pag tagal ng pagtitig ko dito ay unti unti, para ba akong nalulunod iba’t ibang emosyon ang nadadama ko sa bawat pagtitig ko dito. Ngunit, sa isang iglap isang emosyon nalang ang nanalaytay sa kanyang mga mata, purong kalungkutan at pag-iisa. “O-Okay ka lang ba, Primo?” tanong ko sa kanya. “Oo…” mapait siyang ngumiti saakin. “Hindi ako naniniwala…anong pro—” natigil ako ng magsalita sya. “Tama na.” malamig niyang utas, hindi ako sanay sa tono niyang iyon. “Nag-aalala lan—” muli kong sinubukang magsalita ngunit muli nanaman niya itong pinutol. “Tama na, Destine…wag mo na akong bigyan ng rason para mas mahalin ka.” Mapait niyang tugon, para akong tinutusok sa dibdib sa kanyang sinabi. “K-Kasi…ang hirap-hirap magselos ng patago.” “Primo…” “Ang hirap masaktan patago,” gusto ko man siyang yakapin sa mga panahong ito ngunit hindi ko kaya. “Ang hirap isipin na…sa isang iglap, pwede kang mag mahal…” huminto siya habang nangingilid ang mga luha na mas lalong nagpakirot sa aking puso. “pero hindi ako.” “P-Primo, I’m sorry…” umiinit ang gilid ng aking mga mata, na para bang sa isang iglap maari iyong sumabog at magpakawala ng libo libong patak ng luha. “Uuwi na ako, Destine.” Nais ko man syang pigilan pero hindi na maari pa, nakababa na sya sa hagdang kahoy na nakasandal lang sa pader. Isinara ko ang bintana, sa pagsara ko nito ay unti unti kong naramdaman ang sakit, “Ano bang nagawa ko?” tanong ko sa sarili ko habang dumadausdos ang likuran ko sa pader. Isiniksik ko ang aking ulo sa ngayon ay nakatupi kong nga tuhod, bakit kailangan kong makasakit ng iba? Bakit… Maraming bakit ang pumapasok sa utak ko, “kung hindi ko ba sila naging kaibigan makakasakit ba ako?” bulong ko. Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha nang narinig kong may kumatok sa aking pintuan, pinahid ko ang luha ko at binuksan ang pinto. “May kausap ka ba dyan?” tanong ni Mamá nang binuksan ko ang pinto. Nakayuko lang akong umiling sa kanya, “Anak…are you okay?” hinaplos niya ang buhok ko. Sa gusto ko mang pigilan pero ang mga detalye ng bawat sinabi ni Primo kanina ay palagi kong naiisip. Ang hirap magselos ng patago. Ang hirap masaktan patago. Ang hirap isipin na sa isang iglap, pwede kang magmahal…pero hindi ako. “Anak…tell me what’s the matter.” Sabi ni Mamá at lumapit na din si Papà. “N-Nothing, Má…matutulog na po ako.” Ngumiti ako sa kanya at isinarado ang pintuan ng kwarto ko. Nagising ako sa sinag ng araw na dumadapo sa aking mukha, sabado ng umaga…bukas na magsisimula ang pista, bumaba ako pagkatapos kong ihanda ang aking sarili. Balita ko ay ngayon na ang dating ni Kuya Carlos, naghahanda ang mga tao sa bahay para sa kanyang pagdating, naghahanda ng iba't ibang purahe sina Nana Asing, at ang iba naman ay naglilinis. Sina Mamá at Papà naman ay umalis para sunduin si Kuya sa airport. Nagpunta ako ng kusina at naabutan ko si Nana Asing at Prima na nagluluto, “Oh, hija andyan ka pala.” Bati ni Nana. “Prima, halika dito tikman mo ang niluto ni Nana.” Masiglang sambit ni Prima habang kumuha siya ng kalahating kutsarang sarsa ng Caldereta na niluluto ni Nana. Lumapit ako para tikman ang niluto ni Nana, “Hmm…Masarap.” Tumango tango ako sakanila. “Gusto mo bang tumulong magluto ng adobo mamaya?” tanong ni Prima. “Sige, gusto ko yan. Ihahanda ko na yung nga sangkap.” Sabi ko at kinuha na ang mga sangkap. Nang maluto na yung Caldereta ay agad sinimulan ni Nana ang pagluluto ng Adobo, “hija, paki abot ang bawang.” Sabi ni Nana. Matagal tagal namin bago naluto ang Adobo, nang matapos kami ay saktong pananghalian na, hinihintay nalang ang pag-dating ni Kuya Carlos. Lumabas muna ako, habang si Prima ay naiwan sa loob ng mansyon habang inaayos nila Nana ang mga kubyertos. Nagmuni muni ako sa paligid habang naglalakad, hinahanap ng mata ko si Primo, asan kaya siya? Gusto ko syang kausapin, gusto kong mawala lahat ng tanong ko sa isip ko. Nakita ko sya sa isang basketball court, naglalaro siya at walang pang itaas na damit punong puno ng pawis, agad ko syang nilapitan at kinuha ang tuwalya at tubig na nakita ko sa isang banko. “Primo!” tinawag ko sya at lumapit sya saakin. “Dumating ka, kaso medyo…late.” Ngumisi siya saakin na para bang walang nagyari kagabi at oo nga pala, mabuti nalang at naisipan kong pumunta dito. “Pasensya na, tinulungan ko kasing magluto sina Nana.” Sabi ko. “Okay lang.” ngumiti siya saakin. “Primo…t-tungkol sa kagabi—” inilapat niya ang kanyang hintuturo sa aking labi. “Maghihintay pa rin ako, Prima.” Sabi niya sakin na para bang sinisigurado ang lahat. “Pano?” Tanong ko. “Anong pano?—” Takhang tanong niya sakin. “Pano mo ako nagustuhan?” natigilan siya sa sinabi ko. Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga, “Mula noon, mula ng nakapasok kami sa mansyon.” He smiled. “Alam mo ba? Gandang ganda ako sayo no’n…tapos pinangako ko sa sarili ko na, ito na yung babaeng papakasalan ko.” Ang mga salita niya ay parang hinahaplos ang puso ko. “Pero…wala e, mayaman ka, mahirap lang a—” pinutol ko ang sasabihin niya ng magsalita ako. “Wala akong pakialam sa estado mo, Primo…” sabi ko na syang nagpagulo sa ekspresyon ng kanyang mukha. “A-Anong ibig mong sabihin?” namumula ang kanyang tenga. Sandali akong binalot ng kaba, para bang bumagal ang pagikot ng mundo, ang tangi kong naririnig ay ang mabilis na t***k ng puso ko. “Mahal din kita.” Namilog ang mata niya, gular ang kanyang ekspresyon, tumayo kaming dalawa at dali dali niya akong niyakap, “M-Mahal mo din ako?” tanong pa niya na para bang naninigurado. “A-Ayaw mo?” nangingiting saad ko. “G-Gusto!” Masaya niyang utas at niyakap ako ng mahigpit. His hug sends comfort to me making me feel like I’m safe from everything, I feel secured and ensured. Hinalikan niya ang aking noo at hinawakan ang kamay ko, “Ikaw lang ang mundo ko…” Then suddenly, I just felt him claimed my lips, his kiss making me lose my sanity his soft lips that sends me to heaven. “I love you…” Nagpunta kami sa mansyon magkahawak kamay at walang pakialam kung may nakakakita saamin o wala, nang makapasok kami sa mansyon ay nakita namin si Prima at Nana. “Sasabihin ba natin sa kanila?” tanong niya saakin. “P-Pwedeng kay Nana at Prima muna?” kinakabahang tanong ko. Nginitian niya ako, nang makalapit kami kina Nana at Prima ay pareho kaming kinakabahan sa pwedeng mangyari, “Anong nangyari sainyong dalawa at parang naestawa kayo riya—” nanlaki ang mata ni Nana Asing nang makita ang kamay naming magkahawak. “J-Jusko! Prima!” Tawag ni Nana Asing kay Prima na naghuhugas ngayon ng plato sa lababo. “Bakit, Nana?” tanong niya kay Nana, habang kami ni Primo ay nanatiling tahimik. “Si Destine at ang kambal mo…” hanggang ngayon ay gulat pa rin si Nana sa natuklasan. “Anong nangya—ahhhh!” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil naunahan na siya ng tili niya. “Oh my god, Primo hindi ka na torpe—” naputol si Prima ng bigla siyang sawayin si Primo kaya naparakip ng bibig si Prima. “Prima!” “S-So kayo na?” Paninigurado ni Prima. “Oo…kami na.” unti unting gumapang ang kamay ni Primo sa aking baywang na syang ikinagulat ko. “Congrats, sainyo!” dinalot ni Prima ang kanyang mukha at saka tumili. Naging maluwag kay Prima at Nana ang balitang inilahad namin ni Primo, hindi na kami nawalay ni Primo sa isa’t isa hanggang sa dumating na sina Mamá, Papà at Kuya Carlos. Nang matanaw ko si Kuya Carlos ay agad akong yumakap sa kanya, “Kuya!” “Namiss kita.” Ngumuso ako sa harap niya. “Namiss din kita, ito nga pala si Freena, ang mapapangasawa ko.” itinuro niya ang magandang babaeng katabi niya. Maganda ang babae, kukay porselana ang bata at matangos ang ilong, mas matangkad lang siya saakin ng kaunti, nakangiti siya saakin at ngumiti din ako sa kanya. “Freena this is Clandestine…my sister.” Pagpapakilala saakin ni kuya sa fianceè niya. “Hello po, Destine.” Iniabot ko ang kamay ko sa kanya at kinamayan din ako. “Ang cute mo naman, ilang taon kana?” Tanong niya saakin. “23.” Sagot ko sa kanya. “Oh my god, magkaedad lang tayo.” Nabuhay ang mukha ko sa aking narinig. “Talaga? Mukhang magkakasundo tayo.” I’ve always dreaming about having a sister, iba kasi ang feeling kapag may kapatid kang babae kaysa lalaki kaya masaya ako ngayon na meron na ako. “Oh, mamaya na yan baka lumamig ang pagkain na nakahain, halina kayo.” Paanyaya ni Nana na pumasok sa bahay. Marami kaming mapagkwentuhan habang kumakain, at nawala na din sa isip ko si Primo, kaya ng matapos akong kumain aya agad ko siyang hinanap, at natagpuan kl sya sa treehouse. “Andito ka lang pala.” Sabi ko at naupo ako sa kaniyang tabi. “Napasarap ata ang kain mo ah.” pang-aasar niya saakin. “Hindi ah, ikaw kumain ka na? Hindi kita nakita sa mansion.” Sabi ko sa kanya. “Kumain ako kanina sa kusina kasabay ng iba.” Sagot niya at nagula tako ng humiga siya sa aking mga hita. “Babe, may gusto akong itanong.” Nang marinig ko ang endearment niya saakin ay lumambot ang puso ko ang sarap niyang pakinggan. “Ano yon?” “May gusto ba sayo si Xavier?” sa tanong niyang iyon ay naalala ko ang hiling ni Xavier. “Natulala ka?” nag-aalalng tanong niya. “A-Ano kasi…” nauutal ako sa kabang nararamdaman ko, hindi ko alam kung pano ko sasabihin. “Hmm?” ikunuskos niya ang kanyang ulo sa aking t'yan na parang pusa. “I-Inaya niya akong maging d-date sa pista…” nakita kong natigilan siya sa kanyang ginagawa. Dumilim ang kanyang mukha, hindi ko siya matignan sa kanyang mga mata, nanlalamig ito maging ang mga palad ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ng bigla siyang naging tahimik, hindi ko alam mung galit ba siya, nanatili ang pamamayani ng katahimikan sa aming pagitan hanggang sa sawakas ay binasag niya iyon. “Destine…” malamig niyang utas. “G-Galit ka ba?” kinakabahan ako habang nagtatanong. “Galit ako…pero sa pista lang naman hindi ba?” hindi ko alam anh ibig niyang sabihin saakin. “Anong ibig mong sabihin?” “Papayag ako ngayon, Destine.” Huminto siya sandali. “Pero sa susunod hindi ko alam.” Bumalik siya sa pagkakaupo at inilebel ang kanyang mata saakin kaya hindi ko na maiwasan ang kanyang mga titig. “Madamot ako pagdating sayo, Destine…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD