Chapter I
Why is it that school is usually so horrible on Mondays?
I groaned and stretched like a cat.
Oh God. I have to wake up and go to school again! Sino ba kasi naka imbento ng eskwelahan?
Papasok ba ako, o hindi?
Papasok o hindi?
Papaso—damn my mom will surely kill me.
I sat up slowly in my bed and rubbed my eyes open.
I've been so tired up until now, and this
Just simply sucks. Nakakatamad talaga pumasok kapag galing sa bakasyon!
Bumuntong hininga ako at kinusot kusot ang mata. I don't have a choice, so I should get up right now if I don't want to be late for my first day. But Ilang oras pa lang ang tulog ko so i really want to riot. Kakabalik pa lang ng buong pamilya namin sa Manila galing Cebu. We usually spends the holidays in there. Nandoon kasi ang Grandparents ko both sides ng parents ko kaya doon lagi kami kapag pasko.
Well i guess I've got no choice.
Pabuntong hininga akong tumayo sa kama. Naligo na ako at nagbihis, i think sa school na lang ako kakain ng breakfast, tinatamad kasi akong magluto. I barely have the energy to dress myself, much more kung magluluto pa ako.
"Pickachu!?" I yelled while I'm putting my shoes on. Kanina ko pa hinahanap ang pusang yon at hindi ko makita. Hindi naman yun nanghuhuli ng daga? mas takot pa nga yun sa daga eh, ito pa ang tumatakbo kapag nakakakita niyon.
'Hays, kung hindi lang kita mahal, pickachu tsk. Tsk. Tsk, pinaampon na kita'
Pikachu mind you, like any other cats sleeps a lot at lumalapit lang ito sa akin kapag may kailangan. Sa totoo lang napulot ko lang ito sa kalsada at itinuring ko nang akin.
Kinakain kase ako ng sistema ng Pokemon Go ng mga panahong 'yon, nakasakay ako sa jeep, tapos, biglang nag vibrate yung phone ko, yung pokemon Go may nasagap na pickachu!! Eh di ayon nagmamadali ako nag sabi ng "Para!"
Halos lumipad pa nga ako sa unahan sa lakas ng preno ni manong, pero hindi ko ininda yon.
"PICKACHU TO MGA BES!"
Naturally, Masama ang tingin sa akin ng mga pasahero. 'Pero kasalanan ko ba!? Pwede namang dahan dahan sa pag preno si manong ano? Bakit parang ako ang may kasalanan? I felt wronged but i let it slide because i have work to do!
Dali dali akong bumaba ng jeep, at sinundan si Pickachu, kung saan saan ako napadpad! natapat pa nga ko sa tambakan ng mga basura. Pero laking panlulumo ko ng makawala iyon, instead nakakita ako ng pusa malapit sa basurahang iyon,
Natunaw ang yelo kong puso pagkakita sa pusa, HAHA chos lang,
You can't really blame me though, kase naman, sobrang cute nya!! Imposibleng palaboy na pusa ito! Scottish fold eh!' Maliit pa ito tapos blue eyes. Siguro naligaw ito, o kaya naiwala ng may ari!!
Luminga linga muna ako sa paligid bago dinampot ang pusa, "Aawww ang cute mo naman! Nasan ang amo mo bakit andito ka?"
"Meow.."
Sagot naman nito.
"Siguro meant to be na makita kita dito no!? Siguro, wala ng nagmamay ari sayo?" Nakangising sabi ko, hays ang kyut talaga nito, ang amo amo tingnan aampunin ko na ang pusang ito!
"Gusto mo ba ampunin na lang kita?"
"Meow.."
"Talaga!!?? Yehey iuuwi na kita sa bahay!" Masayang pahayag ko,
Matagal ko na kasing gustong bumili ng pusa, kaya lang walang pagkakataon, siguro kung may makakakita sa akin mapag kakamalan akong may saltik nito. I'm a perfectly fine and sane human though. —Plus kyut pa!
Binalingan ko muli ang pusa " Hmmm, dahil nakawala si pickachu dahil sayo, Pickachu na lang ipapangalan ko sayo! Gusto mo ba yon!?"
"Meow.."
"Talaga!? Sabi ko na magugustuhan mo eh Tara uwi na tayo"
Pagkatapos nga non inampon ko na si Pickachu. Syempre kahit paano ay may konsensya naman ako, hinanap ko din yung amo nya.. Ni report ko pa nga sa barangay ehh. (See?) Kaso wala talagang kumuha at naghanap sa kanya, so inampon ko na talaga sya.
'Kahit naman puro tulog ang alam ng pusang yon ay love na love ko yun.'
"Meant to be talaga kami ni Pickachu!"
Lumabas ako ng kwarto ko, after kong makapag ayos ng sarili,
''PIKACHU!? PICKACHU!?" sigaw na hanap ko pa din dito. Where's that damn cat really?
"Julianne naman! Bat ang ingay ingay mo!? Wala pa akong tulog" kakamot kamot na bungad sakin ng kuya ko. Nabungaran ko syang paakyat ng hagdan galing sa kusina, parehas kaming ilang oras pa lang ang tulog, pero mas malala nga lang dito dahil ito ang driver namin pabalik.
Natawa naman ako sa itsura nya, halata ngang wala pa itong tulog nanlalalim ang mga mata eh.
Oh.. right geez, i know i forgot something, Hindi pa ako nakakapagpakilala, ako nga pala si Julianne Hernandez. Dalawa lang kaming magkapatid. Si kuya Julius tsaka ako. Matanda sya sakin ng limang taon. Seventeen years old na ako ngayon, sya naman ay twenty two.
Yung mom ko, may business na Flower shop malapit lang sa bahay namin. Tapos ang Dad ko naman ay isang engineer. I grew up in a middle class family, nothing really special.
Si kuya naman, he's an architect. Close kami sobra. Pati na mom and dad ko, lumaki ako sa talaga namang masayang pamilya. Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. Sakto lang kumbaga.
Luminga linga ako nung mapansin na parang wala na si Dad and si Mom dito sa bahay. Siguro nasa Flower shop na ang mga iyon at tinulungang magbukas yung mga tauhan nila.
Medyo malaki na yung business ni Mom and kalat na kasi yung mga branches nya sa Manila, kaya medyo busy nowadays. nagbabantay din naman ako minsan sa Main branch kapag wala akong pasok.
I just love it there. yung ngiti ng mga tao kapag bumili ng mga bulaklak, lalo pa alam kong mapapasaya nito yung mapag bibigyan noon. Napangiti ako sa naisip. yun din kase yung reason ng Mom ko kung bakit iyon ang itinayo nitong business, bukod sa sobrang gusto nito ng mga bulaklak.
I looked around again. Man, muntik ko nang makalimutan! Hinahanap ko nga pala si Pikachu!' Papakainin ko muna yun bago ako pumasok ng school!
Taray no? Sya pa mauuna mag breakfast kaysa sa akin!? But of course, (Priorities)
"Kuya! Si Pickachu ba nakita mo? Kanina ko pa hinahanap yun eh"
My brother frowned, he looks like he's still processing what i just said, then:
"Hays! Andon sa carpet tulog!" Kumamot ito sa ulo. "Baby sis naman wag ka masyadong maingay, puyat na puyat pa ako oh!" Anito sabay turo sa sarili
"Mawawalan ka ng poging kuya nyan!" He said that with a pout and i instantly frowned in disgust.
"Kuya, Please lang ha, para sa katinuan nating lahat at peace of mind. Hwag ka ngang magpa kyut? Hindi bagay!" I rolled my eyes. "Since birth wala akong poging kuya no! Mukhang pusit meron."
Lalo naman itong nag pout at nagpapadyak pa 'Hays isip bata' i mentally rolled my eyes. For the life of me, hindi ko talaga maisip kung paano nagustuhan ni ate Loraine itong kuya ko. (Loraine is his girlfriend) Sa pagkaka alam ko ay Mag dadalawang taon na ang dalawa. Pero sa totoo lang hindi ko din malaman kung paano napag tiisan ni Ate Loraine ang kapatid ko. Medyo isip bata din ako, pero I'm confident to say na mas mature pa ako compare kay kuya. Tsk. Imagine her dilemma? Man, it must've hard for ate Loraine, i should really treat her nicer sa susunod ko syang makita.
"Baby sis, di ba sabi mo last week ako pinaka pogi mong kuya!?Macho,mabait,matalino----"
"Kuya, i hate to break it to you but honestly, No choice naman ako, ikaw lang kapatid ko remember!?" putol ko sa kung ano pang sasabihin nya. At tsaka, binilihan ako nito ng T-Swift merch ng mga panahong iyon kaya nasabi ko ang mga bagay na iyon.
Heat of the moment definitely. I looked at him up and down. I definitely wouldn't say that on my normal days.
"Oo na, binobola mo lang pala ako" anitong nakatungo na kunway nagtatampo, humakbang na rin ito papasok sa sarili nitong kwarto. Magkatabi lang kasi yung mga kwarto namin
I sighed then showed a big smile. I really don't like it when people are sad.
"Si Kuya naman! Syempre joke lang yun, ikaw naman talaga yung pinaka mabait!--" nag side hug muna ako sa kanya, for sure, magtatampo na naman ito kapag hindi ko bnawi ang sinabi ko.
"Pinaka matalino!-- sinabayan na rin nito ang mga sunod ko pang sasabihin. Mukhang saulado na rin nito pati iyon..
" Pinaka macho!"
" Pinaka Gwapo!"
"Pinaka cute kong/mong kuya sa balat ng universe!" Sabay naming sabi sabay high five.
Ginulo nito ang buhok ko pagkatapos non. "O- sige na, puntahan mo na si Pickachu don, alam ko namang ayaw mong ma late eh, inaabangan mo kase yung crush mo sa school!'' Asar pa nito sakin
" KUYA!!" Napasimangot ako dahil don. aasarin na naman ako nito.
Simula kasi nung malaman nito yung nag iisang Girl crush ko ay hindi na ako tinantanan nito ng pang aasar.
Nakita kasi nito noon yung likod ng notebook ko na puro "Haven Venice Lazaro" ang nakalagay, may flames pa nga eh, Hays, kahiya. —Stop, stop thoughts, i don't wanna remember! But,
—ang totoo nyan hindi naman talaga ako na a-attract sa mga girls, tanging sa babaing iyon lang, i don't really know why too. Hindi ko pa inaalam kung nasaan nga ba ako sa spectrum, because i don't think that's important.
It's just,
"I'm not into girls, but im into her"
You can't really blame me though,
Sinong hindi magkaka gusto sa dyosang iyon!? Eh halos lahat sa school ito ang hinahangaan mapa babae man o lalaki. Sino nga kase ang hindi?
Maganda..
Matalino..
mayaman.. (Not important, but I'm still gonna include this one.)
Talented..
—Ang pamilya nga nila ang may ari ng school eh, medyo may pagka bratinella nga lang, pero mabait yun... uh, konti!? syempre crush ko yun no? Probably I'm looking in a rose colored glasses perspective here, but she's really the most beautiful girl I've ever seen.
But the problem is, palaging nakasimangot ito lalo na kapag nakikita ako. I mean, i don't really know why? Pero sabagay, sino ba naman kase ako!? eh isa lang naman akong hamak na CUTE!!?
anong binatbat ko sa mga manliligaw nya!? Mga Gwapo, hearthrob, mayaman, iisa isahin ko pa ba!? utang na loob naman?
Si Pickachu lang naman nagmamahal sakin eh. Yep. I'm hopeless. Let’s not talk about it.
Pero ngayong naiisip ko na, i can't help but to remember. Ilang taon ko na nga ba syang crush? Dalawa? Tatlo? jusko 2021 na!
Ang tagal na kase ng pagsinta tsutsu ko kay Haven, nagsimula pa yun nung second year high school. Tapos, graduating na kami ngayon.
So here's the flashback;
First day of class noon, second year high, pinatawag sa auditorium lahat ng students dahil magkakaroon ng speech yung may ari nung school and yung principal. Those same boring stuff na sinasabi nila at inuulit every year? Nagdududa qko kung may nakikinig nga ba talaga noon.
Tapos ayon, nakita ko sya sa stage, Hindi ko pa sya kilala ng mga panahong iyon. Unang beses ko syang nakita.. Pero, alam nyo yon? Feeling ko .. parang wala akong makita sa paligid ko, kundi sya lang!?
Perfectly shaped eyebrows..
Green eyes..
Matangos na ilong..
Maninipis na labi..
Nag slowmo yung paligid.. Tapos nung ngumiti sya SHEYT! Natunaw si heart.
Tumibok nang tumibok parang hindi na nga ako makahinga ng mga panahong yon eh. Hindi ko alam kung ako yung nginitian nya, pero SHEMS! ' FEELING KO AKO MGA BES!'
Libre naman mangarap diba!? Lumingon pa nga ako sa likod ko noon, si Ramon lang naman yung nandoon. Yung bungi kong classmate na lalaki na sabi ng best friend ko ay crush daw ako.
Napangiwi ako agad paglingon ko, kasi ngumiti ito sa akin at nagpa cute.
Nag smile back naman ako ng alanganin in return after ibalik ang atensyon sa harapan.
Tapos, Ayun natulala na naman ako.
parang nanlalamig yung kamay ko na ewan, hindi rin ako mapakali sa upuan ko.
Ang ganda nya kase talaga..
Hays! Nung Magsabog ng kagandahan nasa unahan ng pila siszt? Masyado ginalingan. Kawawa naman kaming normal humans. Ang perfect kasi talaga ng mukha nito eh!
Unfair. (Cries)
Natapos yung program na wala akong naintindihan at sa kanya lang ako nakatingin.
Naalimpungatan lang ako nung hilahin ako ng bestfriend kong si Anne palabas ng auditorium dahil tapos na pala at lumalabas na lahat ng estudyante.
Natatandaan ko pa, my best friend looked ay me funny after then:
"Huy! Julianne! Anyare sayo? Kanina ka pa tulala dyan ah!" Anito, winagayway pa nito ang kamay sa tapat ng mukha ko.
"Huh!? A-anong nangyare!?" Wala sa sariling tanong ko
"Ano!? Wag mong sabihing wala kang naintindihan kahit isa sa sinabi kanina!? The whole time kase tulala kay Ms. Haven ayan tuloy!''
"Huh!? Sinong Ms. Haven? A-ano bang sinabi dun sa program?"
Umiling iling naman muna ito bago sumagot.
"Duh!!? Eh di yung anak ni Mr. Lazaro!" Yung founder at may ari ng school ang tinutukoy nito,
"Galing daw ng U.S nag transfer, dito na daw mag aaral, nag welcome lang din para sa mga new students, school regulations blah blah blah, tsaka ayon nga pinakilala si Ms.Haven achiever pala yun sa U.S matalino, maganda, talented! Sya na! Sarap kumanta ng, 'neseye ne eng lehet eh' hyper na kwento ni Anne, She smirked at me after. "Kaya nga tulo laway mo eh , walang kakurap kurap! Tsk tsk tsk" kunwang iling pa nito
"Huh!? H-hindi no! Straight kaya ako!! Hindi ko s-sya crush!"
Natawa lang ito while i pouted sa tabi nya. Minsan talaga, may mga times na gusto ko na lang biglang batukan itong si Anne eh.
"Wala naman ako sinabing crush mo ahh sabi ko tulo laway ka kanina kakatitig! Defensive much!? Napaghahalataan teh!?"
Nagdadabog na hinila ko sya papunta na ng classroom after that.
And yeah, that's it! That's the first time i saw my crush.
Doon nag simula, tapos hanggang ngayon si Haven pa rin yung crush ko, grabe no!? Ang tatag! May mas matatag pala kaysa sa 'Ang Probinsyano?' Lagi tuloy akong asar talo kay Anne pati sa kuya ko.
Because i admit, I'm really not the coolest person in the room everytime that she's around. Tuwing makikita ko kasi sya, parang first time lagi, ganon pa rin yung pakiramdam ko mula noon hanggang ngayon.
"Back to earth Julianne Hernandez!" Nagulat ako nung magsalita ang kapatid ko, naputol tuloy yung pagbabaliktanaw at pag sesenti ko dito.
"Mamaya ka na mag daydream kay crush mo, ma late ka pa sa school eh!"
Napasimangot agad ako sa narinig. Hindi nya talaga ako titigilan!
"Ikaw talaga kuya!" I frowned. "Oo na papasok na ako!" Hinalikan ko muna sya sa pisngi bago tumakbong hinanap si Pikachu para pakainin.
Alright. I guess I'm really going to see her today.