“Ito muna isuot mo.” Sabay abot sa kanya ni Enzo ng puting t-shirt nito. Nahihiya niyang tinanggap iyon. Saka nagpaalam na magbibihis muna. Tinuro naman ng binata kung saan ang bathroom. Balot ng puting kumot ang katawan niya nang tumayo siya at lumakad patungong bathroom. Ramdam niya ang mga mata ni Enzo na nakasunod sa kanya. Halos manginig pa ang mga paa niya sa pagmamadaling makarating sa bathroom. Pagpasok sa loob, agad niyang sinara ang pintuan at sumandal sa likod noon. Napahawak siya sa dibdib na parang tambol ang tunog, at sobrang bilis. “Nakakahiya,” inis na sabi niya sa sarili. Halos sabunutan pa niya ang sarili sa inis. Nais niyang magtitili para ilabas ang inis na nararamdaman sa sarili. Napaupo siya sa semento. Nais niya ring umiyak. Inaalala kasi niya na baka kung an

