“Enzo,” nakangiting tawag ni Bella sa pangalan niya. Mapungay ang mga mata nito, mapula ang magkabilang pisngi. Halatang tinamaan na siya sa nainom. Kahit nasa kalayuan si Enzo, minomonitor niya ang galaw ng dalaga. Nakita niyang uminom ito. Hindi lang isa, hindi dalawa, kundi tatlo. Hindi na siya magtataka kung lasing na ito ngayon. Panay pa-cute naman ang mga kasama nito sa kanya. Hindi na inalala ang kalagayan ni Bella. Kung sa bagay, mukhang sanay nang uminom ang tatlo. “Let’s go home, Bella,” sabi niya at lumapit sa kinauupuan nito para tulungan itong makatayo. “Siya ang mag-isa ang uminom nang uminom kanina,” sabi ng isang babae na halos labas na ang malalaking dibdib. “Oo. Isa lang naman, pati sa amin ininom niya,” sabi naman ng isa pa na maganda nga pero nagmumukhang mumura

