“Bella, dali na. Isa lang naman,” pamimilit sa kanya ni Lyca habang si Patty naman ang may hawak ng basong may lamang alak. Nagyaya ang barkada ni Lyca na gumimik sa Vince Bar. Sinama siya ni Lyca. Hindi na siya tumanggi. Gusto rin niyang maranasan na makapasok sa bar, kahit isang beses lang. Alam niyang pupunahin siya kung may makakita sa kanya sa bar. Kamamatay lang ng mga magulang niya, at heto siya, nagpapakasaya sa bar at may alak pa. Sumama siya kay Lyca, kahit hindi niya naman talaga ka-close sina Patty at Maxine. Si Lyca ang may barkada sa dalawa. Gusto lang niyang libangin ang sarili. Lalo na’t bukas ay magsisimula na ang bagong buhay niya. “Huwag na. Hindi naman ako umiinom,” tanggi pa rin niya. Kanina pa siya kinukulit ng mga ito na uminom. Panay ang tanggi niya. Hindi pa

