Kabanata 01
Ang kwentong ito,,, ay hango sa tunay na buhay,, karanasan ito ng Lolo ng Pinsan ko,,, Taong 1970,,, Probinsya ng Siquijor...
Ang kwentong ito ay patungkol kay Tata Ago,,, sya lang naman ang isa sa pinaka magaling na albularyo,,, dito sa aming bayan,,, Marami itong mga Anting-anting,,, yung iba nga ay binebenta nya pa,,, at maraming bumibili dito,,,
Ito ang trabaho ni Tata Ago sa kanilang bayan,,, (oo nga pala, tatay Ago talaga ang tawag sa kanya) noong binata pa raw itong si tatay Ago,,, ay madalas daw itong maging sawi sa mga kababaihan,,, hindi nya raw maintindihan kung bakit,,, ngunit hindi naman raw sya kapangitan,,, kaya imposible naman,,, na wala talagang nagkakagusto sa kanya,,,
Minsan ay naiisip ni Tata Ago,,, na baka natatakot ang mga kababaihan sa kanya,,, dahil maraming kababalaghan ang nakapalibot sa kanya,,, araw araw,,, gabi gabi,,, yun ang kutob ni Tata Ago,,, Na hindi naman malabong totoo,,, Syempre, ang mga kababaihan ay takot sa mga aswang,,, o mga elemento na nakakasagupa,,, ni Tata Ago...
Hanggang sa nakilala nya si Tina,,, Tina ang pangalan ng isang dalagang nagpatibok kaagad sa puso ni Tata Ago,,, Nakilala nya ito noong bumisita si Tina,,, sa bahay ni tata Ago,,, nais kasi nitong malaman,,, kung ano bang kababalaghan,,, ang madalas na nang gugulo sa kanilang bahay,,, kapag kasi umaalis sila ng buong pamilya,,, ay dadatnan na nila ang kanilang bahay,,, na g**o g**o ang mga gamit,,, mga sapatos, papeles, at kung ano ano pa,,, ay naka kalat sa kanilang sahig,,, tila ba mayroong hinahanap na kung ano,,, ang sinuman o anuman na nilalang,,, ang nanloloob sa kanilang bahay...
Yan ang bagay na sinadya nya kay Tata Ago,,, Hindi naman sya napahiya rito,,, sapagkat ito talaga ang gawain ni tata Ago,,, kaya naman ora mismo,,, ay sumama si tata Ago kay Tina,,, sa bahay nila sa di Naman kalayuan sa tinitirahan ni tata Ago,,, Mga nasa limang kilometro lamang ang layo,,, (oo nga pala,,, sa probinsya ay hindi na malayo ang ganoon,, kahit nga ikatlong bundok pa ay sinasabi nilang malapit lamang),, mga taga syudad kasi ay nalalayuan na,,, kapag ganoon kalayo ang pupuntahan...
Sumadya si Tata Ago sa bahay nila Tina,,, gamit ang bisekleta ni tata Ago,,, inangkas nya si Tina rito upang mabilis lamang silang makarating sa kanilang paroroonan,,, noong una ay ayaw pa ni Tina na umangkas kay tata Ago,,, ngunit napilit rin sya nito, kaya naman mabilis nalang silang naka abot sa tahanan nila Tina,,,
Pagkarating na pagkarating nila roon,,, saktong sakto na naabutan pa ni tata Ago,,, ang mga bagay na naka kalat pa sa sahig ng bahay ni tina,,, Agad syang nagtanong
Ago: kailan ito nangyari!"
Tanong ni tata ago
Tina: Kagabi lang yan,,, kaarawan kasi ni tiya sa kabilang ibayo,,, doon kami natulog ng buong pamilya, at walang naiwan rito sa bahay, pag uwi namin ay ganyan na ang mga gamit,,, hindi na namin mabilang kung ilang beses na itong nangyari,,, alam naming hindi tao ang gumagawa nito,,, dahil naka sara ang kandado at wala naman ibang lulusutan na bintana"
paliwanag ni tina
Pinagmamasdan ni tata ago ang bintana ng bahay,,, nakita nyang napaka kipot ng butas dito,,, at hindi talaga kayang pasukin ng tao,,, kahit bagong silang na sanggol ay mahihirapan na makapasok rito,,, ngunit sa bintanang iyon ay nabaling ang atensyon ni tata Ago,,,
Ago: aahhh... tama kayo! hindi nga tao ang gumagawa nyan... narito pa ang bakas..."
sambit ni tata Ago
Dahilan kung bakit kinabahan,,, ang mga kasama ni Tina sa kanilang bahay,,, maging ang kanyang ama ay kinikilabutan rin,, kahit iyon pa lamang ang sinasambit ni tata ago,,, dito na nga sinundan ng paliwanag ni Tata Ago,,, ang kanyang sinabi...
Ago: Heto, malinaw pa,,, siguro madalas itong mangyari kapag hating gabi, may nakakapasok na aswang rito,,, hindi ko lang matukoy kung anong klase ng aswang,,, subalit ang aswang na iyon ay nakakapag palit ng anyo,,, narito pa ang laway nya,,, masangsang ang amoy nito..."
paliwanag ni tata Ago,,, sabay turo sa iilang mga bakas ng laway,,, sa bintana ng bahay nila Tina,,,
Noong pinagmamasdan nga ito nila Tina,,, ay bigla silang kinilabutan,,, aswang pala ang nang gugulo sa kanila,,, ngunit paano nila ito mapigilan sa pang gugulo? yan ang katanungan nila kay Tata Ago...
Ago: "Ganito ang gawin natin, Wag ninyong hahayaan na mawalan ng asin sa bahay na to,,, sabuyan nio muna ng asin ang paligid ng bahay,,, lalo na ang pinto at bintana,,, Maglagay din kayo ng bawang sa mesa o sa mga upuan,,, yaj muna ang gagawin natin,,, ngunit kung dumating ang sitwasyon,,, na naririto kayo sa bahay sa mga oras,,, na papasok muli ang aswang,,, tandaan nyo, kadalasan ay pusa ang anyo nito,,, kung may kakaibang hayop ang papasok dito,,, o kaya ay hindi pamilyar sa inyo,,, hagisan nyo agad ng asin,,, saka nyo murahin! yung malutong na mura,,, Alam ko kasi na ang mga aswang nag aanyong hayop,,, ay hindi na makakabalik pa sa tunay nyang anyo,,, kapag minura mo ito! yan ang kahinaan nila!"
paliwanag ni tata Ago
Tina: Salamat Ago, sana ay hindi na kami gambalain pa ng aswang na iyon..."
pasasalamat ni tina
Matapos noon ay binabayaran si Tata Ago ng pamilya ni Tina,,, ngunit hindi nya ito tinanggap,,, ito ang unang beses na hindi tumanggap ng bayad si tata Ago,,, sa lahat ng kanyang mga tinulungang magtaboy o kontrahin ang mga masasamang elemento...
Kaya miryenda na lamang ang ibinigay sa kaniya ng pamilya,,, dito ay hindi na nya tinanggihan pa,,, sapagkat kumakalam na rin kasi ang sikmura ni Tata Ago noong mga oras na iyon...
Habang kumakain ng meryendang tinapay at kape si Tata Ago,,, ay lagi itong napapatingin kay Tina,,, na naghuhugas ng mga pinggan noong mga oras na iyon,,, napaka ganda ni Tina,,, ngunit alam ni Ago na hindi sya makakapasa sa ganito kagandang babae,,, kaya ipinagpikit balikat na lamang ito ni tata Ago...
Noong makauwi na sya sa kaniyang bahay,,, masayang masaya sya na iniisip at inaalala ang itsura ni Tina,,, pinapangarap nya na ito ay ang kanyang makatuluyan... ilang buwan pa ang nakalipas,,, bumisitang muli si Tina sa bahay ni Tata Ago... ngunit hindi na ito tulad noong una nilang pagkikita,,, naka ngiti na si Tina, noong una kasi ay parang natatakot ito,,,
Alam na ni Tata Ago ang nangyari,,, siguradong hindi na sila ginulo pa ng Aswang na iyon,,,
Tina: Ago, salamat ha... Tama ka, simula noong nilagyan na namin ng asin ang bawat paligid ng bahay,,, ay hindi na kami ginulo pa ng aswang na iyon,""
Pagbungad ni Tina,,, sabay ngiti kay tata Ago
Dahil nga sa ginawa ni Tina na iyon,,, ay parang naging bato itong si tata Ago,,, ito kasi ang unang beses na mayroong isang babae,,, ang ngumiti sa kanya,,, kadalasan nga ay natatakot talaga ang mga kababaihan kay tata ago,,, ngunit ibang iba itong si Tina,,,
Agad pinapasok ni Tata Ago si Tina,,, sa kaniyang bahay,,, naabutan pa nga ni Tina si Ago na mayroong panibagong ginagamot na tao,,, kaya naghintay pa ito hanggang sa matapos si Tata Ago,,, sa kanyang ginagawa...
Ago: ahhh.. Pasensya kana Tina,,, medyo magulo ang bahay,,, basta sa susunod na mang g**o ulit yung aswang sa inyo,,, sabihin mo lang saken..."
wika ni tata Ago
Agad naman sumang ayon si tina rito,,, at nagkwentuhan silang dalawa,,, masayang masaya sina tata ago at Tina sa bawat sandali ng kanilang pag uusap,,, hanggang sa dumating na ang ama ni Tina at sinundo na ito... Mabait naman ang ama ni Tina at nagpaalam naman daw si Tina na pupunta sya kay Ago upang magpasalamat...
Ilang araw pa ang nakalipas,,, nagtungo muli si Tina,,, ngunit iba na ang hitsura nito... parang balisa at hindi mapakali,,, magtatakip silim na noon kaya naman nagtataka si Ago kung bakit naparoon si Tina...
Dito na nga nya nalaman,,, na may nanggugulo nanaman sa bahay nila Tina,,, agad agad namang nagtungo sila tata Ago at Tina sa kanilang tahanan,,, at hindi kinalimutan ni tata Ago ang buntot pagi at iba pang pangontra,,, nadatnan nga roon ni Ago ang mga g**o g**o ulit na gamit,,, ngunit kakaiba raw noon,,, dahil yung pamilya raw ni Tina ay nasa labas lamang ng bahay,,, masayang nakikipag laro ang mga ito,,, nang marinig nila na parang may kumakalabog sa kanilang bahay ..
Pagsilip nga raw nila rito ay nakita nilang nagbagsakan nanaman ang kanilang mga kagamitan,,, wala pa raw silang nilalagay na asin noong mga oras na iyon,,, Sapagkat maaga pa at kadalasan kasi ay magtatakip silim na,,, sa tuwing magkalagay sila noon...
Ang inaalala lang nila tina,,, ay baka naroroon pa ang aswang sa loob ng bahay,,, sapagkat kakatapos lamang ng pangyayari,,, natatakot ang lahat ng myembro ng pamilya ni Tina,,, sapagkat iniisip nila na naroon pa ang aswang,,, walang takot si tata Ago na pumasok rito,,, sya lamang mag isa noon ang nagtangkang pumasok sa loob ng bahay...
Dahan dahan syang humahakbang mula sa pinto,,, tahimik ang tahanan,,, parang walang tao o elemento ang naroroon,,, ngunit hindi pa rin nagpakampante itong si tata Ago,,, pagsilip nya sa kusina ay nadatnan nya ang isang bakas ng laway,,, alam na agad ni tata Ago na naroroon pa ang aswang,,, ngunit hindi nya alam kung saan ito nagtatago...
Dahan dahang sumilip si tata Ago sa kwarto ng bahay,,, dito nga ay biglang nagtaasan ang balahibo sa katawan ni tata Ago,,, ito na ang unang beses na makaka sagupa nya ang isang nilalang na iyon....