LUCAS "Where the f*****g hell are you, dude?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Breack sa kabilang linya. "I'm on my way home. Why?" "The hell! Wala ka bang balak na puntahan si Jaydee?" aburido na tanong nito. Nagsalubong ang kilay ko sa paraan ng pananalita nito. Mas affected pa ito sa nangyayari sa aming dalawa ni Dee. "I can't," tipid kong tugon kahit hindi totoo. Papunta talaga ako sa kaibigan ko, katulad ng nakagawian ko. Kahit ilang araw kaming hindi nagkausap ay hindi ako tumigil na puntahan siya sa shop niya. Hindi lang ako nagpapakita sa kanya dahil gusto ko isipin niya na kaya ko siyang tiisin. Kapag tapos na ang office hours ay mabilis akong kumikilos para puntahan at pagmasdan lamang ang ginagawa niya mula sa aking sasakyan. Ang hirap pala kapag hindi ko siya nak

