JAYDEE Kanina ko pa tinatapunan ng tingin si Lucas sa front bar. Kausap nito ang dalawa pa nitong kaibigan na si Breack at Leeson. Si Leeson ang may-ari ng bar kung saan kami naroon. Hinayaan lang muna niya akong mag-isa sa mesa. Hindi rin naman niya ako makakausap dahil hindi pa ako handang mag-kwento sa kanya. Maya't maya rin ang sulyap niya sa akin. Siya na rin ang um-order ng inumin ko. Gusto ko sana mag-protesta dahil binigyan niya ako ng inumin na hindi naman kaagad makakalasing. Ngunit pinili ko na lang na itikom ang bibig ko dahil ngayon na nga lang kami ulit nagkita ay magrereklamo pa ako. Inikot ko ang tiingin sa bar. Marami na rin ang tao sa loob. Base sa nakikita ko ay halos lahat ng pumupunta dito ay may mga sinasabi sa buhay. Mga mayaman na hindi na alam ang gagawin sa p

