JAYDEE "Mommy!" malakas na tawag ko ng magising ako dahil namimilipit ako sa sakit. Sobrang sakit ng t'yan ko at para itong hinahalukay. "Mom! Dad!" tawag kong muli sa magulang ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig kahit nakabukas naman ang aircon sa kuwarto ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sobrang sakit. Nakabaluktot kong tinungo ang pintuan ng kwarto ko. Sa tuwing sasakit ay mahigpit ang hawak ko sa aking t'yan na animo'y sa pamamagitan nito ay mawawala ang sakit. Hawak ko na ang seradora ng pintuan ng bumukas naman iyon. "M-mommy…" paos ang boses na usal ko. Nag-squat ako ng upo para maipit ang t'yan ko. Mariin akong pumikit saka kinagat ang ibabang labi. Napapadaing ako sa sakit at naluluha na rin ako. "Anak, ano'ng nangyayari sa'yo?" puno ng pag-aalala na tanon

