JAYDEE Napuno ng pag-aalala ang kaniyang mata ng makita niya ako. Ilang segundo niya akong pinasadahan ng tingin. Ang kanina lang na pag-aalala ay mabilis na napalitan ng galit. Kahit nahihirapan ng gumalaw dahil sa mga sugat na tinamo mula sa mga lalaking walang konsensya ay binalingan niya si Albert. Hindi madali para sa kanya na basta na lang makapagbitaw ng suntok dahil una pa lang ay bugbog na ang katawan niya sa bahay. Kahit nakaalis siya sa dalawang lalaki para sugurin ng suntok si Albert ay hindi na niya nagawa dahil ng umiwas si Albert sa pagtangka niya itong suntukin ay napahiga siya sa sahig. "Lucas!" puno ng pag-aalalang tawag ko rito. Nilapitan ito ng dalawang lalaki na may hawak rito at pwersahan siyang pinatayo at hinarap kay Albert. "How could you do that to her. I w

