JAYDEE Puno ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan ni Lucas habang tinatahak ang daan pauwi. Simula ng ihatid namin si Josa sa inuupahan nito ay nakatungo lang ako buong byahe. Minsan, kapag masakit na ang batok ko ay tumitingin ako sa labas. Ilang buntong-hininga na rin ang pinapakawalan ko. Hindi ko magawang tapunan ng tingin si Lucas na tahimik lang na nagmamaneho simula ng umalis kami sa condo. Alam kong galit siya dahil hndi ako nakinig sa kanya. Kung hindi siya dumating ay wala na ang pinaka-iingatan ko. Muli ako nagbitiw ng isang malalim na buntong-hininga. Mayamaya lang ay naramdaman kong bumagal ang sasakyan. Kapag-kuwa'y sinulyapan ko siya. Blangko ang ekspresyon ng mukha at mahirap basahin ang kaniyang iniisip. Nanatili lamang nakatuon ang atensyon niya sa manibe

