Chapter 1

1307 Words
JAYDEE Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog ng nakaramdam ako ng init na dumampi sa aking mukha. Bago ako matulog ay binuksan ko ang electric fan. Kaya nakapagtataka na may mainit na hangin akong nararamdaman sa aking mukha. Dahil nakatagilid ako ay hindi ko nakita ang nasa likuran ko. Pupungas-pungas pa ako ng sulyapan ko kung nakabukas ba ang electric fan. Nagtaka naman ako kasi nakapatay na iyon. Pumihit ako paharap. Gayon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko si Lucas na naka-ngisi at nakatunghay sa akin. Napatili ako sa gulat, nakaupo ito sa kama ko kaya hindi ako nahirapan na hablutin ang buhok nito. Sinabunutan ko ang damuho kong kaibigan. "Siraulo ka! Natutulog ako!" singhal ko rito habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay ko sa buhok nito. "Aray! Aray! It's 5 o'clock in the morning Dee, ouch!" hindi ko ito pinakinggan bagkus ay hindi pa ako nakuntento ay sinipa ko ito. Nahulog ito sa kama at napaupo sa sahig. Tumawa ako. "Buti nga sayo," sabi ko pa rito. "Hinahamon mo ako, ha." Tumayo ito at hinila ang paa ko. Mabuti na lang at pajama ang sinuot ko kung hindi ay makakakita ito ng hindi dapat makita. "No! lucas! Stop it!" pigil ko rito. Pilit akong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito sa aking paa. Ngunit sadya yatang ipinanganak ang lalaking ito na makulit dahil hindi nito binibitawan ang paa ko na hawak nito. kiniliti pa nito iyon. Alam nitong may kiliti ako doon pero ginawa pa rin nito. Siraulo talaga. Tawa ito ng tawa habang kinikiliti ako. Tila nasisiyahan pa ito sa ginagawa nito sa akin. "Lucas!" tili ko rito at sa wakas ay nasipa ko na ito. Lumayo ito ng bahagya sa higaan ko kaya ang ginawa ko ay nagmamadali akong bumangon at tinalunan ko ito at sumampa sa likuran nito. Mabilis ko hinawakan ang buhok nito at muling sinabunutan. "Ang aga-aga binu-bwisit mo ako. Wala ka talagang magawa sa buhay mo!" reklamo ko rito habang sinasabunutan ko ito. "Aray! Tita, Tito si Dee, ni-ri-rape ako!" hingi nito ng saklolo sa magulang ko. Talagang naghanap pa ito ng kakampi. Naglakad ito palabas ng kwarto ko, habang pasan ako nito sa likod ay nakasabunot pa rin ako sa buhok nito. Kung manipis ang buhok nito malamang naubos na sa kakasabunot ko. Bumaba ito ng hagdan. "Tita, help me. Si Jaydee ni-ri-rape ako," ulit nito at iminuwestra pa ang kamay na animo'y humihingi ng tulong. Napapangiti na lamang si mommy. Habang si daddy naman ay napapailing sa kulitan naming dalawa. Hindi na bago sa magulang ko ang kulitan namin ni Lucas. Sanay na ang mga ito na makita kung paano kami magkulitan na magkaibigan. Nasa sala ang mga ito. Maaga nagigising ang mga ito lalo na kapag araw ng linggo. "Anak, tama na 'yan," saway sa akin ni mommy. "Bumaba ka na, Dee. Natutusok na ako," sabi nito saka tumawa ng malakas. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy nito. "You pervert!" singhal ko rito at mabilis na bumaba sa likod nito. Nagmamadali akong umakyat ng kwarto para magsuot ng bra. Siraulo talagang lalaki. Gawain na namin iyon araw-araw. Ang mag-asaran buong maghapon. Bumaba ulit ako pagkatapos kong magsuot ng panloob. Hindi ko na nakita si Lucas sa sala. Si daddy na lang ang printeng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo ang nadatnan ko. I rolled my eyeballs. As usual, nasa kusina na naman ito at nangungulit sa mga kasama namin sa bahay. Dumiretso ako ng kusina. Pagdating ko doon ay nakita ko ang magaling kong kaibigan na umiinom na ng kape. "O, anak, magkape ka na," nakangiting wika ni mama at tinuro ang kape na nasa tabi ni Lucas. Nagluluto na rin ito ng almusal. Umupo ako sa tabi ni Lucas. Tahimik lamang itong umiinom ng kape. Bahagya kong sinilip ang mukha nito. "Wala ka naman bang nilagay dito?" naninigurado kong tanong rito. Masyadong pilyo ang kaibigan ko kaya lagi akong maingat lalo na kapag kasama ko ito. Baka may kalokohan na naman kasi itong ginawa ng hindi ko alam. Tumigil ito sa pag-higop ng kape. Sumulyap ito sa akin saka nilapit ang mukha. Hindi naman ako makahinga sa ginawa nito. Hindi pa kasi ako nag-to-toothbrush. "I'd rather kissed you kaysa ang lagyan ko ng laway 'yang kape mo," mahina nitong wika at nagpakawala ng pilyong ngiti. Walang pagdadalawang-isip na sinabunutan ko itong muli. "Manyak ka talaga kahit kailan," reklamo ko habang sinasabunutan ito. Tatawa-tawa lang ito sa ginagawa ko. "Tita, sinasabunutan na naman ako ng anak ninyo," sumbong nito kay mommy. "Jaydee!" saway ni mommy sa akin Tumigil ako sa pag-sabunot rito at pabalya kong binitawan ang buhok nito. "Hmm, ang cute mo talaga," sabi ko at Pinisil ang pisngi nito. "Ouch! Gwapo, as well," puri nito sa sarili. Sumimangot lang ako sa sinabi nito. Napapangiti na lamang si Manang Fe at Amy sa aming dalawa. Kalauna'y pinagtuunan ko na ng pansin ang aking kape. "Ano ba kasi ginagawa mo rito? Ang aga-aga nambu-bwisit ka," reklamo ko. Humigop ako ng kape at hinintay ko itong magsalita saka humugot ito ng malalim na buntong hininga. "I knew it, wala ka talagang balak na samahan ako," bakas sa boses nito ang pagtatampo. "Sinabihan kita na mag-jo-jogging tayo, 'di ba?" patuloy nito na hindi tumitingin sa akin. Napasinghap ako. Tinakpan ko pa ang aking bibig ng maalala ko na niyaya pala ako nitong mag-jogging. Natampal ko pa ang aking noo. "Sorry. I almost forgot," bulalas ko. Nginitian ko ito ngunit nanatili pa rin itong hindi nakatingin sa akin. Nakatuon lamang ang atensyon nito sa tasa na hawak. "Naku! Nagtampo na nga talaga," sabi ng bahagi ng aking utak. "Wait me here. Magbibihis lang ako." Nagpaalam ako rito at nagmamadaling umakyat sa aking kwarto. Hindi pa naman sumisikat ang araw. Nagsuot ako ng jogging pants. Tinirnohan ko iyon ng sports bra pero syempre pinatungan ko ng hoodie jacket. Baka pabalikin lang ako ni Lucas at papalitan ang suot ko kapag sports bra lang ang nakita nitong suot ko. Gano'n ka-over protective pagdating sa akin si Lucas lalo na sa mga suot ko. Tinatawanan ko lamang ito kapag sinusuot ko ang mga damit na ayaw nito. Pagkatapos ko magbihis ay nag-toothbrush na rin ako sa sariling banyo. Pagkatapos ay sinuot ko na rin ang rubber shoes ko at bumaba na ako. Pagbaba ko ay hindi ko na nakita si Lucas sa kusina. "Mi, si Lucas," baling ko kay mommy habang abala sa pagluluto ng almusal. "Nauna na sa labas anak," sagot nito ng hindi tumitingin sa akin. Iniwan ko na ito sa kusina at lumabas ng bahay. Nakita ko si Lucas na ngiting-ngiti sa akin. "So, wala talagang pagtatampo ang naganap?" paghihimutok ko sa sarili. Nakanguso ako ng lapitan ko ito. "Ang arte mo," sabi ko rito sabay hila sa buhok nito. "Aray! Nakakarami ka na ha," reklamo nito ngunit nakangisi. Inirapan ko ito. "Let's go Dee, Dee..." sabi nito sabay layo sa akin. Nagmamadali itong lumabas ng gate. "I hate you! Sabi ko sayo 'wag mo akong tatawagin ng gan'yan!" bulyaw ko rito at hinabol ito ngunit tumakbo lamang ito palayo sa akin. Para kaming bumalik sa pagkabata dahil sa paghahabulan naming dalawa sa labas ng bahay. Nasanay na rin ang mga kapitbahay namin sa harutan at kulitan naming magkaibigan. Kaya kapag nakikita nila kami ay napapailing at napapangiti na lamang ang mga ito sa kulitan naming dalawa. Ang magaling kong kaibigan ay nang-aasar na naman. Isa sa ayaw ko ay dinodoble ang tawag nito sa akin. Si Lucas lang kasi ang namumukod tanging tumatawag sa akin ng gano'n. Parang dibdib kasi. Dahil magaling talaga mang-asar ang kaibigan ko ay may pumasok na ideya sa isip ko para makabawi ako rito. "What a bright idea, Jaydee. Nasa akin pa rin ang huling halakhak." Lihim akong nagdiwang sa aking naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD