LUCAS I was just looking at the monitor. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko siya kung paano kumilos sa loob ng kuwarto. Maya't maya ang silip niya sa pintuan. Marahil ay hinihintay niya akong pumasok. Wala siyang ideya na nakikita ko ang bawat galaw niya hindi lang sa kuwarto kung 'di sa iba't-ibang sulok ng bahay. Habang nasa ospital siya ay kinausap ako ni Thread na lagyan ng cctv ang buong bahay para kahit nasa opisina ako, nakikita ko ang bawat galaw niya na agad ko namang sinang-ayunan. Heto nga at tuwang-tuwa akong pinagmamasdan siya mula sa monitor ng laptop ko. Konektado rin iyon sa isang cellphone ko. Kaya kung sino man ang magtangka na pasukin ang bahay ko, walang kawala dahil alam ko kaagad at mabilis ko lang matatawagan ang bantay niya sa bahay. Kasalukuyan akong nasa

