JAYDEE Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan. Gusto ko siya hawakan para mawala ang galit niya sa 'kin pero mas pinili ko na lang ang manahimik sa sulok ng upuan. Alam ko na mali ang ginawa ko pero masama ba na mag-enjoy naman ako kahit paano? Pagdating namin sa bahay ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila paakyat. Para akong papel na pwersahan niyang pinaupo sa kama ng marating namin ang kwarto saka binalibag pasara ang pintuan dahilan para mapaigtad ako. "L-Lucas, g-gusto ko lang na-" "Just sit there, Jaydee Antonio!" mariin na utos niya ng akma akong tatayo mula sa pagkakaupo. Galit nga talaga siya dahil bawat galaw niya ay nagtatagisan ang panga niya. Kulang na nga lang ay tirisin niya ako sa panliliit ng mata niya sa akin. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pa

