Chapter 44: Ambush & Revelation “NAGULAT ba kita masyado, Senator Ferrara? Nagulat ka dahil nalaman ko ang isa sa mga sekreto mo na matagal mong iningatan huwag lang mabunyag?” tanong niya sa akin at may ngisi na sa labi niya agad. Hindi naman ako takot na ibunyag niya ang katotohanang iyon dahil baka palakpakan ko pa siya kung gagawin niya iyon. Masisiyahan pa ako lalo. Aba, mababawasan ang pasanin ko sa mundong ito. Hindi na ako magi-guilty pa na ipakilala ang sarili kong anak sa lahat ng tao. Na hindi ko lang siya nakababatang kapatid because the truth is she’s my daughter. “Tama ka, Senator Xancru. Nagulat talaga ako. Gulat na gulat nga talaga ako. Kasi... nag-effort ka masyado para ipa-background check ako at nalaman mo nga na may anak na ako. Parang gusto kitang bigyan ng reward

