CHAPTER 45: Emergency “BUT CKEL... She’s your daughter... A-Ano ba... Ano ba ang pinagsasabi mo riyan? Hindi ba dapat...” “M-Mom...please... Stop this...” “Ckel... A-Ayaw mo bang... A-Ayaw mo bang malaman ang totoo na anak mo si Meriah? Ayaw m-mo bang...” umiiyak na sabi ng Mommy niya. “Gusto... G-Gusto ko po, M-Mom... Pero hindi sa ganitong paraan... K-Kilala ko siya...kilala ko ang Mommy niya. Ayaw niya ang pinapangunahan siya sa gusto niya... Hindi po siya ang tipong babae na kaya mong pakiusapan, mahirap pong kunin ang loob niya... Kaya po...kay Meriah na lang ako lumalapit... Alam niyo ba na unti-unti na rin siyang nagtitiwala sa akin? Siya na po mismo ang gumagawa ng paraan para makita ko si Meriah...” mahabang saad niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang galit ni Miamor sa kanya.

