Chapter 36: Special delivery “ANO’NG mayroon sa doctor na `yon, Meriah? At bakit gustong-gusto mo siya, ha?” mahinang tanong ko sa kanya. “Kasi po, Momma... He made me stop cyaying,” she reasoned out. I chuckled, parang iyon lang ay big deal na para sa kanya. Kasi baka rin...na bukod nga sa akin ay may kaya na siyang patahanin na kahit ang grandparents niya ay nahihirapan sa kanya. “Ano naman ang connection doon, young miss? Ako nga ay nakakaya rin kitang patahanin kung ikaw nga ang umiiyak, ah,” ani ko para lang mabalewala ang reason niya. “Iba ka po, Momma,” aniya at parang nakikita ko na naman ang pagtulis ng labi niya dahil sa maarteng pagbigkas niya sa salitang ‘po’. “Tayaga?” natatawang tanong ko sa kanya. “And he’s just yayk you po, Momma. Uhm, same feelings when he’s around.

