Chapter 35: Distance & Missing him “THE last time I check, Meriah. Two or three words lang ang kaya mong bigkasin. So...bakit napapahaba na?” Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mommy at umiling lang ako. Even me ay wala rin akong idea kung bakit super madaldal na ng apo niya ngayon, compared sa mga days na nagdaan. But I’m still happy, because that’s my daughter’s improvement. “Why is that, Madey?” curious na tanong ng baby ko pero wala akong time na panoorin lang sila ni Mommy na mag-usap. “Mom, isama niyo na po si Meriah sa inyo. My Amor...” Napahawak ako sa sentido ko nang patakbo siyang lumapit kay Jaickel at nagtago pa sa likod ng binti nito. Sumilip lang siya nang bahagya. “Ay behave po, Mommy...” sabi nito sa lola niya at wala sa sariling tumingin sa akin ang mommy ko. “If I

