Chapter 34: Passcode 1127
“WHERE are you?” Iyon ang mga katagang tinipa niya sa keyboard ng phone ng Mommy niya.
Ilang beses na siyang tumatawag sa cellphone niya ngunit wala namang sumasagot mula sa kabilang linya. Inaamin man niya o hindi ay alam niyang nag-aalala na siya sa senator na iyon.
Kahit sinasabi pa rin niya sa sarili niya na wala na siyang pakialam dito. Pero may maniniwala pa ba sa kanya gayong umalis siya kahapon kahit alam niyang nasa medical mission sila? Alang-alang sa kaligtasan ng mag-ina dahil natitiyak niya na may masamang motibo ang taong iyon kaya panay ang sunod nito sa mag-ina.
Hindi siya ang tipong tao na mananahimik na lang sa gilid kung malakas ang kutob niya na may mangyayari na hindi maganda at tama nga naman siya.
Na isa pa expected naman niya kasi na lalagnatin ‘yon pagkatapos itong mabaril, kaya sino ba ang hindi mag-aalala, lalo na siya pa ang doctor nito? Normal naman ang mga doctor na mag-alala sa mga pasyente nila.
Nakatulog lang talaga siya at hindi niya nabantayan ito nang maayos. Kaya nakalabas din sa unit niya ng hindi niya man lang napapansin.
“Ah... May GPS pala ang phone ko,” sabi niya sa sarili niya at sinubukan niyang i-trace ang location nito.
Sinundan pa niya ang red dot at makikita niya sa screen ng cellphone ng kanyang ina ang location ni Senator Miamor.
Lumabas siya mula sa condo niya at dinala siya sa kabilang unit. Naalala naman niya noong pagkikita nila sa parking lot. Unexpectedly lang naman ang meeting nila kaya baka may unit din ito sa condominium. Same floor lang ito sa place niya.
Tumingin naman siya sa paligid para lamang tingnan kung walang tao. Lumapit siya sa pintuan at sinimulan na buksan ang pinto gamit ang nalalaman niyang birthday ni Miamor para sa passcode nito pero hindi bumukas. Kaya sunod naman niyang pinindot ang birthday ng anak nito pero wala pa ring nangyayari.
At alam niyang isang kahihiyan pa sa makapal na mukha niya na sinubukan pa rin niya ang birth date niya pero wala ring nangyayari. Hindi niya alam ang passcode nito.
Nang may lumabas naman na isang babae sa kabilang condo ay nagmamadali pa siyang umalis doon at bumalik na lamang siya. Baka kung ano pa ang isipin nito.
Nadatnan naman niya si Meriah na umiiyak at nahihirapan ang Mommy niya na patahanin ito. Naka-brown shorts na ito at wala pang damit pang-itaas. Mabilis na nilapitan niya ang mga ito.
“What happened, Mom? Bakit po umiiyak si Meriah?” he asked her Mom worriedly and when the kid heard his voice, she immediately stop crying. Lumabas lang siya kanina na hindi pa ito ganito. Magiliw pang sumama sa Mommy niya pero maaabutan na lamang niyang umiiyak ito.
“D-Doc daddy...” umiiyak na tawag nito sa kanya at naglahad agad ng kamay upang magpakuha sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang isip na kunin ang bata mula sa Mommy niya.
Pagkakuha pa lamang niya kay Meriah ay agad na yumakap ang maliliit nitong braso sa leeg niya at humilig sa balikat niya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at marahan na hinagod ang likod na pinapawisan na.
“What’s wrong?” he asked her pero sumisinghot lang ito at mas hinigpitan ang yakap nito sa kanya.
“Naalala ko noong bata ka pa lamang, son. Kung sino sa aming dalawa ng Dad mo ang nag-aalaga sa `yo at kung hindi mo kami makikita, na aalis na lamang kami bigla ng hindi nagpapaalam sa `yo ay ganyan na ganyan ka talaga dati. Pagkatapos ko siyang paliguan, panay ang daldal niya sa akin tungkol sa `yo at magmadali raw kami para hindi ka maghintay nang matagal. Tapos hindi ka niya nakita sa sala mo kaya pumalahaw nang iyak. Ikaw ang hanap niya, eh,” mahabang paliwanag sa kanya ng kanyang ina at nagtaka naman siya sa inasal nito.
Hindi niya alam na magkakaganoon si Meriah para sa kanya dahil ang akala rin niya ay ang Mommy lang nito ang iniiyakan kapag hindi nito nakikita.
“H-Hinahanap po niya ako?” nauutal na tanong niya dahil sa kakaibang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Parang nakaramdam siya ng kasiyahan na kaya naman pala umiyak ito dahil hindi siya nakita.
“Yeah. Nangyari na ba `to dati, Ckel? Ang umiiyak siya kapag hindi ka niya nakikita?” tanong nito sa kanya. Umiling siya. Ito ang unang beses.
“Ngayon lang po ito nangyari, Mom. Nitong mga nakaraang araw lang niya ako nakilala at ngayon din niya ako nakasama ng buong magdamag,” he explained.
“Pero kung makaiyak siya kanina ay parang ang turing niya sa `yo ay isang ama. Na parang nawala siya sa daddy niya. Kaya iyak siya nang iyak,” naguguluhang sabi pa nito. Maski siya ay nalilito na rin.
“Madali po siyang ma-attach sa ibang tao, Mom. To be honest ay mahiyain siya at hindi palasalita, ayaw niya rin talaga sa maingay. Iyon ang mga napapansin kong katangian niya at dahil nakasama ko siya sa isang gabi lang ay mas lalo kong nakikilala ang pag-uugali niya. Clingy siya at hindi agad makakatulog kapag hindi mo kakantahan. Dadaldalin ka pa bago siya matutulog,” aniya. “Isa pa po, pinakaayaw niya ang hindi nagpapaalam sa kanya,” he added.
“Mukha ngang kampante na siya sa presensiya mo. May mga bata akong naoobserbahan na ibang-iba ang pag-uugali ng mga ito sa kanya pero sa batang `yan? She felt haven with your arms. Sasamahan ko sana siya today pero may lakad kami ng Dad mo. Sige na, Ckel. Isuot mo na sa kanya ang damit niya. Akin na ang phone ko. Meriah...” Sumilip lang ang bata sa Mommy niya. “Alis na muna si Tita Sofi,” paalam pa nito at hinalikan lang ang likod ng ulo ni Meriah saka umalis na ang Mommy niya. Hindi rin naman kasi kumibo ang bata.
Umupo si Jaickel sa sofa at pinaupo naman niya sa lap niya si Meriah. Pinunasan niya ang butil na mga luha nito sa pisngi. Pati ang pilikmata ay nababasa na rin. Namumula ang magkabilang pisngi nito.
“Hindi naman ako aalis ng hindi nagpapaalam sa `yo. Hayan tuloy, namumugto na ang mga mata mo,” nakangiting sabi pa niya. Pinunasan niya rin ang tumutulong sipon nito.
“S-Sama po ako sa woyk mo, doc daddy?” humihingal na tanong pa nito at maski ang boses ay garalgal na.
“Of course, habang wala pa ang Mommy mo. Ako ang mag-aalaga sa `yo,” sagot niya at maingat na isinuot niya ang white tank top nito.
“M-Momma ko po? Nasaan na?” inosenteng tanong pa nito sa kanya.
“Hahanapin natin siya later, okay?” Tumango naman ito sa kanya bilang tugon. “Patutuyuin natin ang buhok mo,” he said.
Pagkatapos niyang patuyuin ang buhok nito ay inipon niya sa kaliwang bahagi ang maikling buhok ni Meriah saka niya itinali ito nang maayos.
Never niyang ginawa `yon at wala rin siyang alam kung paano itali ang buhok ng isang bata pero nagawa niya `yon para kay Meriah.
“Tita Sofi bought this foy me?” she asked him habang sinusuotan niya ito ng pink shoes. Nakaluhod siya sa harapan nito at habang ito naman ay nakaupo sa sofa.
“Yes. Kasya sa `yo,” sabi pa niya at ibinaba niya ito saka niya hinila palabas.
“Ah... My Momma...” sabi nito at itinuro ang nakasarang pinto. So, tama nga siya na condo ito ng senator.
“Yes. Nasa loob siya pero hindi tayo makakapasok sa loob dahil hindi ko rin alam ang passcode niya,” sabi niya at tiningala pa nito ang pintuan. Binuhat niya ulit ito dahil natatakot siya na baka mabali ang leeg sa katitingala ng ganoong kataas. Halatang nahihirapan pa ito.
“Even Yed. She doesn’t know my Momma’s passcode,” she said.
“Alam mo ba kung ano, Meriah?”
“I tyayd po.”
“Okay, you try it,” natatawang saad niya at hinawakan ang kamay nito para ilapit sa pinto, para pindutin na ang passcode.
“Momma didn’t even tey me this po, doc daddy...”
“Really? So, hindi nga tayo makakapasok sa loob kung hindi mo rin alam at maghihintay na lang din tayo sa Mommy mo na pagbuksan niya tayo ng pintuan?”
“Nope... I saw Momma do this...” she just said at pinindot nito ang number ng 1127 at nagulat siya nang tumunog ang open button nito.
“M...Meriah?” gulat na sambit niya sa pangalan ng bata.
“I knew it!” masayang sabi pa nito na nagawa pang pumalakpak.
“Ano’ng number `yon?” She shook her head.
“Don’t know po...” Naaaliw na hinalikan niya lang ang pisngi nito saka sila pumasok sa loob. “Aw... So dayk po...” Kinapa naman niya ang switch ng ilaw at agad na lumiwanag ang paligid.
“Where’s your Mom’s room?”
“They po, doc daddy...” Tumango siya dahil sa itinuro nitong isang pinto. Walang second floor ang condo ni Miamor pero apat ang nakikita niyang pintuan and compare sa unit niya ay mas malaki ang isang ito.
Maging sa silid nito ay nakapatay rin ang ilaw at nang mabuksan naman ay unang bumungad sa kanila ang malaking kama. Doon din nila nakita ang babaeng nakahiga sa kama at balot-balot ng makapal na kumot.
“There she is...” he said at ibinaba niya si Meriah.
“Momma!” sigaw nito at patakbong lumapit sa kama.
Dahil sa pagmamadali nito ay nahirapan pang sumampa sa bed ng Mommy nito kung kaya’t nilapitan niya ito at inalalayan.
“Be careful, baby...”
MIAMOR’s POV
Naalimpungatan naman ako sa boses na naririnig ko sa paligid ko. Hindi pa sana ako babangon at bumungad sa akin ang maamong mukha ng baby ko. Isang gabi ko lang siya hindi nakita ay na-miss ko na siya agad.
“H-Hello, my Amor. Good morning...” I greeted her and kissed her cheek.
“Good moyning, Momma. Whey have you been?” she asked me at sa huling sinabi niya ay biglang sumeryoso ang boses niya. Napangiti ako. Hindi naman talaga siya palatanong sa akin. Ngayon ang unang beses na nagtanong siya kung nasaan ako. Sa mansion naman kasi ay sanay siya na wala ako at palagi naman.
“I was...” Nabitin sa ere ang boses ko nang makita ko naman ang doctor na nakatayo sa gilid ng bed ko at nakakrus ang magkabilang braso nito sa tapat ng kanyang dibdib. “W-What are you doing here?” I asked him. Hindi ko inaasahan na makita ko siya rito at sa loob pa ng pamamahay ko.
“I should be the one who ask you that. Where have you been?” Lumipat ang tingin ko kay Meriah na ginaya rin ang gesture ng daddy niya at taas noo pa.
“Walang duda na mag-ama nga kayo...” mahinang bulong ko na ikinakunot ng noo ni Jaickel. Sinadya ko naman kasi na hindi iparinig iyon sa kanya.
Maingat na bumangon naman ako pero napaigik ako sa sakit ng balikat ko dako super hapdi na ng sugat ko. Lumundo ang kama at nanigas ang katawan ko nang tinulungan niya akong makabangon. Nilagyan niya ng unan ang likod ko at sumandal naman ako sa headboard ng kama.
Napapikit ako nang dumampi ang palad niya sa noo ko.
“Thanks God, wala kang lagnat,” he said at nakaramdam lang ako ng ano sa dibdib ko. Napabuntung-hininga na lamang ako.
“You don’t need to worry about--”
“Of course, I am not. Mas nag-aalala ako kay Meriah. Kagabi ka pa niya hinahanap at basta-basta mo na lamang siya iniiwan,” sabi niya sa akin at malamig talaga ang boses niya.
“I know she will be fine,” I said at inilipat ko pa lalo sa akin ang anak ko. I kissed her temple.
“Paano mo nasasabi `yan? She cried last night,” aniya at tiningnan ko naman ang mukha ni Meriah.
“And she was, right now... How are you, baby?” malambing na tanong ko sa kanya. Ngumuso siya ay umiling. “Hmm? What is it?” I asked her. She sighed and glance at him again.
“He took cey of me, Momma...”
“That’s great. Alam mo kung ano ang mangyayari sa kanya kapag pinabayaan ka niya. Hindi `yon palalampasin ng Momma mo,” sabi ko at tumango siya.
“You heard that, doc daddy?” baling na tanong niya sa doctor at nagsalubong naman ang kilay ko.
“Doc daddy?”
“Yup po, Momma. Doc daddy...”
“And why did you call him like that, young miss?” I asked her.
“You yeft me alone inside his room, remember, Momma?”
“Ano naman ang connect doon, ha? I will call our Mom to fetch you here,” seryosong sabi ko at hinila pa niya ang suot kong shirt para lamang hindi ako makaalis pero nagawa ko pa ring umalis sa kama.
“She’s mad again, doc daddy?” narinig ko pang tanong nito.
Nagtungo ako sa bedside table kung saan ang telephone na nakalagay.
“Stop calling him doc daddy, Meriah,” seryosong saad ko nang hindi ko siya tinatapunan nang tingin.
“Why po?”
“That’s not a good idea. So, shut up young miss.”
“Huwag mong pagalitan ang bata,” suway nito sa akin na ikinataas ng isa kong kilay.
“Wala kang pakialam,” pambabara ko at bago ko pa man maitapat ang telephone sa tainga ko nang may nag-doorbell na sa condo ko.
I stepped out from my room at lumapit sa pintuan. Ang Mommy ko ang dumating.
“What happened to your face, love? Bakit namumutla ka?” my Mom asked me immediately. Ni hindi pa siya nakapapasok sa loob ay ang mukha ko na agad ang napuna niya.
“Nothing, Mom. I’m fine,” sagot ko lang at hinila ko siya papasok. “Magiging busy po ako sa susunod na mga araw kayo na po muna ang bahala sa baby ko, Mother.”
“Mula pa kagabi ako tawag nang tawag sa `yo, Miamor. Naka-off ang phone mo. Nasaan na ba ang apo ko--”
Bigla namang napahinto si Mommy at parang nakakita lang siya ng multo sa reaction niya.
Si Jaickel ang nakita niya na buhat-buhat ang aking anak. Bakit na hindi na ito umalis agad? Tss.
“Oh, hi Mothey!” hyper na bati pa nito sa lola niya. Sumenyas siya sa lalaking buhat-buhat siya at nang maibaba na siya nito ay mabilis siyang nakalapit kay Mommy.
“Mommy... Go with you fyend po. I’ll be fine with him, doc Jai...” Nanlaki naman ang mga mata ng Mommy ko dahil sa dire-diretsong pananalita ng kanyang apo. Alam kong nakagugulat iyon dahil ganoon din naman ang naging reaction ko.
“The last time I check, Meriah. Two or three words lang ang kaya mong bigkasin. So...bakit napapahaba na?” gulat na tanong pa ni Mommy.