CHAPTER 33

2289 Words
Chapter 33: Missing MIAMOR’s POV “W-WHAT... What are you doing here, Miamor?” gulat na tanong sa akin ni Xena nang makita ako. I blinked at her. “Gusto ko lang makita ang mga taong sumusunod sa atin ngayon at ang taong...bumaril nito sa akin,” sabi ko at ininguso ko pa ang balikat ko. Kanina ay pamamanhid lang ang nararamdaman ko pero hindi na ngayon. Kasi ramdam ko na ang sakit nito. Kinakaya ko lang para makita ko ang taong muntik nang magpahamak sa baby ko. Ang walang hiyang ‘yon. “Kaya nga. Dapat nagpapahinga ka ngayon. Wait...your looks and outfit.” I rolled my eyes. “Itinuro mo sa akin ang lalaking iyon. Alam mo naman na muntik ng mapahamak ang baby ko. Kagagawan niya iyon, eh,” saad ko. “By the way, may extra pants ka ba riyan?” tanong ko na ikinapagtaka pa niya. “For what?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. “Naka-undies lang ako,” sagot ko at ngumiwi pa dahil sa lamig na tumatama sa legs ko. Hindi ako sanay. Oo, nagsusuot ako ng sexy dress pero ibang usapan na kapag naka-undies lang ako. “May extra pants ako sa kotse. Kukunin ko lang but Miamor... Mas mabuting huwag ka munang maggagalaw. Baka dudugo pa ang sugat mo. May tahi ba ‘yan?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung may tahi ba ang sugat ko. “Let me, Xena. Alam mong kating-kati na ang kamay ko na manakit,” I said. “Kunin mo muna ang pants mo,” utos ko. She sighed and nodded. Pagbalik ni Xena ay basta na lamang niya inihagis ang pants niya sa akin at tumama pa iyon sa kaliwang balikat ko. “Bítch,” I said at ngumisi lang siya sa akin. Dahil alam niyang nasaktan ako sa paghagis niya. “See? Akala mo kung sino kang strong na babae, na balewala sa ‘yo ang sugat mo. Nakalimutan mo yata na may balang bumaon diyan, ah,” sabi nito sa akin at mabilis akong dumistansya sa kanya dahil may balak na naman siyang sagiin ako. “First time ko ‘to. Nakakaya ko pa ang sakit,” naiinis na sabi ko sa kanya. “Dalhin mo na ako sa kanya,” I said. “Marami sila. Isa iyong naka-motorbike, dalawa naman ang nakakotse.” Kinunotan ko siya ng noo. “Tatlo lang naman sila. Ano’ng marami? Tss.” Dinala nga ako ni Xena sa isang silid at doon ko nakita ang tatlong lalaki. Sinamaan ko nang tingin si Xena dahil sa mga nakikita kong pasa at sugat ng mga ito. “Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Inaasahan mo ba na wala kaming gagawin sa kanila?” I just rolled my eyes. “Ano pa ang mabubugbog ko sa kanila? Eh, halos hindi na makilala ang hitsura nila,” sabi ko lang. Nilingon ko naman ang isang lalaki na prenteng nakaupo lang sa sofa. Nakadikuwatro pa siya at mabilis na ang mga daliri nitong nagtitipa sa keyboard ng cellphone niya. “Cyan Lay Del Rosa is my name, Madam Senator.” Tumaas ang kilay ko sa pagpapakilala niya sa akin ng biglaan. Ni hindi nga niya ako tinatapunan nang tingin, ah. “I didn’t ask your name,” supladang sabi ko. “But you stared at me na parang curious ka kung sino ako,” he fired back. Kilala ko na si Cyan Lay Del Rosa, bago ko pa man malapitan si Hersey ay lahat ng mga taong nasa paligid niya ay inalam ko na lahat ang personal background nito at hindi lang isang owner ng Club House ang lalaking ito. Isa rin siyang reaper ng Zeus Mafia. Kanang kamay ni Xena at isa sa pinagkakatiwalaan ng Carter family. “Whatever,” I muttered and he shrugged his shoulder. “By the way, magagamit mo siya in case na may gawin sa ‘yo si Xancru. Pero kahit ngayon nga ay puwede mo silang gamitin. Magbigay ka lang ng statement na na-ambush kayo o may mga tauhan ang kalaban mo sa kabilang parte ang sumusunod sa inyo. Puwedeng matanggal agad sa presidential candidates ang kalaban mo,” he said but I shook my head. “Don’t. Mawawala ang exciting part ng buhay ko na tatakbo as the president of the country kapag matatanggal ang kalaban ko sa kabilang party. Hayaan niyo munang ikulong ang mga ‘yan. Magagamit din natin sila, soon,” sabi ko. Ayokong matanggal ang tukmol na ‘yon. “Miamor, nahihibang ka na ba? Buhay ng anak niyo ang nalagay sa kapahamakan kanina,” Xena blurted out. “You too. Kapag inilabas natin agad ang issue ngayon ay hindi lang ang mga taga-Xancru ang gagalaw. Alam niyo naman na marami pang kalaban ko sa politics,” I stated. “Okay. Bahala ka. Lay, ikaw na rin ang bahala sa kanila,” aniya sa lalaki. I know they are good friends. “Sure.” “Next time. Kapag kasama ko ulit si Meriah at naulit ang nangyari kanina. Hindi na ako magpipigil pa na manakit sa inyo. Makikita niyo,” pagbabanta ko saka ako lumabas sa silid na iyon. “Saan ka na pupunta?” tanong sa akin ni Xena. “I need to go back. Nananakit na ang sugat ko. Kanina lang ay halos wala akong maramdaman,” sabi ko kahit ang paggalaw ay hindi ko na magawa pa. “I’ll take you home, Miamor.” “No need. Hindi ko puwedeng iwanan ang kotse rito. Hindi sa akin ‘yon at hindi rin ako nagpaalam sa kanya na gagamitin ko,” ani ko. “Mauuna na ako,” paalam ko pa at tanging pag-iling na lang ang nagawa niya. Bumalik ako sa condominium at dahil hindi naman na ako makapapasok pa sa loob ng unit ng lalaking iyon ay dumiretso na lamang ako sa condo ko. Bumibigat na ang braso ko at sobrang hapdi ng sugat ko kaya natulog na lamang ako pero pahirapan pa. Mas nararamdaman ko talaga ang sakit. THIRD PERSON’S POV “Sino ka po?” inosenteng tanong ni Meriah kay Dra. Even. Habang kumakain ng breakfast ang bata ay hindi naman tinigilan ng doctora na panoorin ito at napapansin na nito iyon. “Ikaw? Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa condo ng doctor na ‘to?” balik na tanong ni Dra. Even at itinuro pa niya si Jaickel na abala naman sa pagsubo nito sa bata. “'Kaw po? Ano po gawa mo rito?” kunot-noong tanong naman nito sa kanya. “Friends kami ng doctor na nagpapakain sa ‘yo ngayon. Aba, parang hindi bata ang kausap ko, ah,” sabi niya. “Fyends kayo?” tanong nito na marahil ay hindi pa alam ang ibig sabihin nito. Nakakunot pa rin ang noo at matulis pa rin ang labi. “Hindi mo alam ang friends? Ganito--” “I know po. Fyends like my Momma and Yed,” paliwanag nito na ikinatango niya. “I’m full na, doc daddy...” sabi nito kapag kuwan at itinuro ang table napkin. Mabilis namang sumunod si Jaickel at maingat na pinunasan nito ang gilid ng labi. “Doc daddy? Jai, ano’ng ginagawa rito ng kapatid ni Senator Miamor?” naguguluhan niyang tanong. “Long story,” tipid na sagot lamang nito. “Kahapon ay nakita ko ito roon sa medical mission natin--” “Oo nga. Hindi ba dapat sa mga oras na ito ay nandoon ka rin? Kaya ano ang ginagawa mo rito, Even?” laban na tanong sa kanya ni Jaickel at napatikhim naman siya. “Tinawagan ako ni Taki. May bata raw sa condo mo at binalak ni Cervin na ipa-DNA test. Ang anak lang pala ng president natin. Bakit pala nandito ang batang ‘yan, Jai? May alam ba ang parents niyan? Ang ate niya?” sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan. “At bakit pala umalis ka kaagad kahapon, ah? Mukhang nagmamadali ka pa. May nangyari ba? May emergency?” dagdag pang tanong niya. Feeling niya kasi ay hindi pa sapat ang mga tanong niya rito at may gusto pa siyang malaman. “Her sister got shot yesterday. Ako ang gumamot sa sugat niya. Kaya nandito ang kapatid niya,” Jai explained. “Really?! May nangyari sa senator?” gulat na tanong niya na ikinahinto niya rin sa huli dahil sa malalim na titig sa kanya ng bata. “Momma got shot yesterday?” seryosong tanong nito at biglang naging diretso ang pananalita. “Iiyak na naman ‘to, Even. Huwag mo nang ipaalam pa sa bata,” suway nito sa kanya at pinangko si Meriah. “Wala sa kuwarto mo si Senator Miamor. So, where is she?” makulit na tanong niya. “Lumabas. Mula pa kagabi kaya nagising ako na umiiyak na ‘to,” sabi pa nito. “Okay... Mukhang hindi ka naman mahihirapan sa pag-aalaga sa kanya dahil close kayo, oh. Base pa lang sa pagyakap ng braso niya sa leeg mo,” natatawang sabi niya at ngumuso na naman ang bibong baby. “Since buhok ang nakuha nila ay laway naman ang sa ‘yo,” aniya at kinuha niya ang baso na ginamit nito kanina. Mabilis na naglabas ito ng cotton buds at inilagay sa plastic. “Evenna,” he warned her. “Malalaman natin. Ang kaibigan nating radiologists ang mag-aasikaso nito pero nasa medical mission pa kami, eh. Kaya made-delay kung kailan naman natin malalaman ang biological father niyan, kung nagkataon na anak nga ba talaga siya ng senator at hindi nga sila magkapatid lang.” “Even, tumigil ka. Naiintindihan ka ng bata,” suway ulit nito sa kanya na mukhang hindi nagustuhan ang suggestion niya. “Really? Baka takot ka lang na maging positive ang magiging resulta ng DNA test,” aniya. “Shut up na po, doctoya...” Napataas ang kilay niya sa komento ng bata. “Whatever. I’m Dra. Even, mukhang alam mo kung ano ako, bata.” “I saw you po kahapon, eh,” wika nito na ikinatango niya. “And why mo naman tinatawag na doc daddy ang friend ko, ah?” “He said po, I can tawag him my daddy while my Momma is not around. Why not naman po?” seryosong tanong pa nito. Umiling na lamang siya dahil lahat ng sinasabi niya ay nasasagot nito. “Okay... Do whatever you wants, kid,” she said and stood up from her seat but she stilled when she spoke again. “Thank you...” “What the. Hindi naman tunog sarcastic ‘yon, 'di ba, Jai?” “Ewan ko sa ‘yo, Even. Umalis ka na baka malaman pa ni Lerv na wala ka sa medical mission,” pananakot pa nito sa kanya pero nagkibit balikat lamang siya. *** “Bakit gusto mong bumili ako ng mga damit ng pambata, Ckel?” tanong ng nanay ni Jaickel sa kanya at simula pa kahapon ay nagpadala na siya ng damit na pambatang babae. Para iyon kay Meriah Amor. Gusto niyang maging komportable sa pagtulog ang bata at hindi naman puwedeng hindi ito makakapagpalit ng damit, gayong pinapawisan ito. “Pang-three years old pa rin po ba, Mom?” tanong niya rito at sinulyapan niya si Meriah na abala sa pagsusuklay ng buhok sa baby doll nito. Nakaupo ito sa sofa at hindi pa napapansin ang pagdating ng kanyang ina, na maging ito ay hindi rin naman. Tiningnan pa niya ang laman ng paper bag. “Of course. Kahit na nag-iisang anak pa rin kita, Ckel ay alam ko ang damit na pang-three years old. Eh, kumusta naman ang damit na pantulog sa kanya? Kasya ba?” his Mom asked him and he glanced at Meriah again. “'Sakto lang po sa kanya, Mom.” Nasundan naman ng kanyang ina ang tinitingnan niya sa mga oras na iyon at nang makita nito kung sino ang batang nakaupo sa sofa ay gumuhit agad sa mukha nito ang gulat pero nangingibabaw ang saya. “Oh, my God! Is that Meriah Amor?!” excited na tanong pa nito dahilan na nakuha nito ang atensyon ng bata. “Hi po, Tita Sofi...” bati nito sa nanay niya na may ngiti pa sa labi. Hindi alam ni Jaickel na kung bakit hindi lang siya ang nakararamdam ng kung ano sa puso sa tuwing nakikita ang pagngiti ni Meriah Amor. Na maski ang nanay niya ay ganoon din pala ang nararamdaman nito. Magaan ang loob nila kay Meriah. “I didn’t expected you to be here, sweetie...” “Me too...” He chuckled when she replied. “What a lovely girl... What are you doing here pala?” his mother asked her again. “Hmm... Doc daddy,” sagot nito at sumulyap sa kanya. “Doc daddy?” nalilitong tanong ng Mommy niya sa bata. “Uh-huh.” “Well, kasyang-kasya nga sa ‘yo ang binili kong pajamas mo, Meriah.” “Oh, you bought this for me, Tita Sofi?” namamanghang tanong nito saka hinawakan ang laylayan ng suot pantaas nito. “Yes, dear.” “Oh... Thank you.” “You’re welcome. Come, paliliguan kita.” Sumama naman sa Mommy niya si Meriah at hinayaan na muna niya ang kanyang ina na asikasuhin ang bata. “Mom. Pahiram po ako ng phone mo,” he said at kinuha ang handbag ng Mommy niya para makuha ang phone nito. “Ano’ng gagawin mo sa phone ko?” she asked him. “Basta po, Mom,” sagot niya lamang at sinubukan niyang i-dial ang phone number niya. Kumunot ang noo niya dahil walang sumasagot sa kabilang linya. Alam niyang dala-dala nito ang cellphone at susi ng kotse niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD