CHAPTER 32

2742 Words
Chapter 32: Escape “ANSWER me, Miamor. Sino ba ang daddy ni Meriah at bakit ang birthday niya ay July 20? It was December when we broke up...and at the month of November. Buntis ka na sa mga oras na iyon.” H-How did he know that? Tss. Alam niya ang birthday ni Meriah at tandang-tanda pa rin niya ang araw ng break up namin at may hinala pa siya na nagsimula ang pagbubuntis ko at the Month of November? Paano naman siya nakasisiguro sa bagay na iyon? “Paano mo naman nalaman ‘yon? Na July 20 ang birthday niya?” I fired back. Imposible naman na nagpa-investigate siya agad at para saan naman iyon? Wala naman siyang mapapala. Fine, mayroon nga. Pero ano ba ang pakialam niya roon? “I said so, Momma...” I rolled my eyes nang magsalita na naman si Meriah. Siya nga ang nagsabi rito na birthday niya sa July 20? “Hindi ka naman talkative, Meriah. Kaya bakit mo sinabi ‘yon sa kanya? Close ba kayong dalawa, ha?” nagsusungit na tanong ko sa kanya at napanguso siya. “N-Niaaway mo ba ako, M-Momma?” laban na tanong niya at ang tapang nang tapang ng boses, ah. Kahit na pumiyok pa ang tinig niya. “Eh, paaano kung sasabihin ko sa ‘yo na inaaway nga talaga kita?” Sa tanong ko ay mabilis siyang sumibi at nanghihingi ng tulong na tiningnan niya ang doctor. Aba’t nakahanap ng taong kakampi sa kanya. “N-Niaaway ako ni Momma, doc...” sumbong nito at itinago ang mukha niya sa dibdib nito. “Hindi... Hindi ka niya inaaway,” pag-aalo niya rito. “Stop it. This is just a kid,” he said and I rolled my eyes again. “It was December when we broke up? So, ang theory mo... November, buntis na ako? What if sabihin ko sa ‘yo na premature baby ang anak ko?” tanong ko sa kanya at nabigla naman siya. Rumehistro agad ang gulat sa mukha niya. Gusto ko tuloy matawa sa kanya. “P-Premature baby?” “Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na parang special child si Meriah at saka...hindi ba ikaw itong nagpalit sa akin ng damit? Hindi mo ba nakita ang bakas ng CS ko? Dito iyon banda,” sabi ko at hinawakan ko ang bandang pusod ko. Totoong CS nga ang panganganak ko kay Meriah pero walang katotohanan na premature baby siya. Sadyang malaki lang siya noon at hindi pa maganda ang lagay ko kaya baka raw hindi ko kayanin ang normal na panganganak. “Yeah, nakita ko but si Meriah, hindi siya premature baby, alam ko iyon.” I shrugged my shoulder. “And curious ka kung sino ang biological father niya?” I asked him again. He didn’t answer me, bagkus ay tumitig lang siya sa akin. Binalingan ko naman ang anak ko. “My Amor, kaninong daddy si President Ferrara?” tanong ko at nag-angat siya nang tingin sa akin. “My Momma’s Dada,” sagot niya at alam kong malinaw na kasagutan na iyon. Na hindi nya iisa ang ama namin ni Meriah. “And?” tanong ko pa. “My yoyo, Momma?” “Good,” saad ko at tumingin ulit sa kanya. “To be honest, hindi ko rin alam kung sino ang daddy niya.” Kumunot naman ang noo niya sa narinig. “What? Sinasabi mong hindi mo talaga alam? Paanong nangyari na hindi mo alam kung sino ang lalaking bumuntis sa ‘yo?” Tumaas ang sulok ng mga labi ko at nagbaba siya nang tingin dahil naramdaman niya ang pagsulyap sa kanya ni Meriah. “Is that a big dey, doc?” I almost laugh. Kakaibang bata nga talaga ang baby ko. Nakaiintindi siya sa mga bagay na naririnig niya. “Yes. Don’t you curious too?” he asked her but my daughter just shook her head. “Not? Why?” “I only wants my Momma...” she said seriously. Of course, she do. Ako lang ang kailangan nito. “But...” “No buts, doc,” umiiling na sabi pa niya. “It was a one night stand,” sabi ko na ikinalingon niya sa akin. “O-One night stand? Are you serious, Miamor?” may galit sa boses na tanong niya. “Sasabihin ko ba sa ‘yo kung hindi naman totoo? Baka sa mga panahon na iyon ay tayo pa nga pero dahil may mga pagkakataon din na wala ka ay baka... Nag-cheat ako, hindi ko lang sinabi sa ‘yo na may nangyari sa amin ng lalaking na-meet ko lang sa bar. Alam mong mabilis mag-init ang ulo ko kapag hindi ka sumisipot sa meeting natin, ‘di ba? Kaya posible ngang sumama ako sa lalaking iyon at may nangyari nga and tada... Dumating si Meriah...” sabi ko na parang natutuwa pa ako sa pagkuwento ko. Hindi ko lang magawang tumawa dahil sa sugat ko, lalo pa na pumalakpak ang baby ko. She’s still my innocent daughter and I know, wala pa siyang nalalaman tungkol sa bagay na iyon. “Yes!” she exclaimed. Hindi ko na mabasa pa ang ekspresyon ng mukha niya dahil mas naging blangko iyon. Hindi na rin siya nagsalita pa, ewan ko lang kung ano na ang mga iniisip niya. Naniwala kaya siya? Natapos sa pagkain si Meriah at tumabi rin ito sa akin para matulog. Lumabas saglit si Jaickel kaya nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan ko pa ang anak ko. “Hindi niya malalaman ang tungkol sa ‘yo, Meriah... I won’t let that happen. Dahil sa mga panahon na mas kailangan ko siya ay nasaan siya? Ginawa niya lang akong tanga noon kaya mas mabuting hindi ka na niya makikilala pa bilang anak niya,” walang emosyon na sabi ko at hinaplos ko ang pisngi niya. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan at pumasok doon si Jaickel. May dala na siyang bagong tray. “This is just a soup dahil bawal sa ‘yo ang heavy meal,” sabi niya at umupo sa gilid ng kama. Kung saan naman nakahiga si Meriah. “Hindi mo ba na-contact si Xena?” tanong ko at inasikaso pa niya ako. Mabilis kong inagaw mula sa kanya ang spoon. Hindi ko kayang igalaw ang braso ko pero kaya ko pa namang kumain ng walang tulong mula sa kahit na kanino pa. “Hindi.” “Kailangan kong malaman kung nasaan siya ngayon. If ayos lang ba siya,” sabi ko. “Alam ko. Kumain ka muna,” sabi niya at hindi naman ako nagmatigas pa. Kumain ako sa niluto niyang soup. Ngayon lang ulit ako nakakain ng luto niya pero hindi yata magandang idea iyon. Dahil maraming memorya ang lumitaw isa-isa sa isipan ko. “Hindi mo ba hahanapin ang lalaking ‘yon?” Napahinto naman ako sa tanong niya. Bakit ko naman siya hahanapin pa? Hindi naman siya importante sa buhay naming mag-ina. “Bakit pa? Ano naman ang pakialam ko sa kanya? Ang mahalaga lang naman sa akin ay si Meriah at hindi na rin naman ako curious kung sino ba siya,” sabi ko. “She deserve to meet her father, Miamor.” “No. You heard her statement awhile ago. Ako lang ang gusto niyang makasama and her biological father is out of the picture. Hinding-hindi siya makikilala ni Meriah,” I said. “Bakit yata malaki ang galit mo sa daddy niya? Ang akala ko ba ay hindi mo siya kilala?” nagtatakang tanong niya. If I know ay hinuhuli niya lang talaga ako. Baka hindi rin siya naniniwala na hindi ko nga kilala ang lalaking nakabuntis sa akin. Tsk. “Hindi ko kilala. Sa tingin mo ba kung pinahanap siya noon ni Dad at kung alam ko nga? Baka kasal na rin kami ngayon,” sabi ko para lang mag-iwas nang tingin. Dahil asa pa naman ako na mangyayari iyon. Kung malalaman man niya na dinadala ko na ang anak niya at baka hindi pa siya maniwala sa akin. Na palabas ko lang para hindi na niya ako iwan pa at kalimutan na rin niya ang pagpapakasal niya sa babaeng iyon. “Then let me help you. Hahanapin ko siya para sa bata.” “No. Don’t you dare do that,” mariin na sabi ko. “Kilala mo nga siya. Hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya kilala,” laban niya. “Ano ba ang pakialam mo sa daddy ni Meriah?” naiinis kong tanong sa kanya. “I’m just curious. Sige na kumain ka na. Kapag natapos ka ay iwan mo na lang diyan, ako na ang magdadala ulit sa kusina.” Pinanood ko naman siya nang naglakad siya palapit sa sofa bed at doon humiga. Wait...pinasadahan ko naman ng tingin ang buong sulok ng kuwartong ito. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ito guess room. This is his room. Nang natapos na nga ako ay siya na rin mismo ang lumapit sa akin para dalhin ang pinagkainan ko sa kitchen ng unit niya. Hindi na rin siya bumalik pa. Kaya humiga na ako sa tabi ni Meriah. Hinintay ko pa na lumipas ang ilang minuto at sinisigurado ko talaga na kung hindi na ba babalik dito ang doctor na iyon. I looked at the bedside table. Tinanggal ko ang IV ko sa pulso at nakangiwing nilagyan ko pa ng unan sa magkabilang bahagi ni Meriah para hindi siya mahulog. Kinuha ko ang cellphone at hindi nga ito sa akin. Baka kay Jaickel. Bumaba pa ang tingin ko sa suot ko. Puting t-shirt niya at... “Damn it... Wala man lang ako suot kahit shorts lang, kundi ang undies lang talaga?” reklamo ko at hinahanap ko ang damit kong hinubad niya. Nang hindi ko man lang nahanap ay pinakialaman ko na ang walk in closet niya at alam kong hindi naman magkakasya sa akin ang pants niya. Kumuha na lang ako ng mahabang coat niya saka ko iyon isinuot. Nilapitan ko ulit ang natutulog kong bibong baby. I caressed her hair and kissed her head. “I’ll be back, honey,” I said. She was hugging her baby doll. Dinala ko ang cellphone niya para may magamit naman ako. Kailangan kong malaman kung nasaan na nga ba talaga ngayon si Xena. Hindi siya puwede mapahamak ng dahil lang sa akin. Pero bago ako umalis ay nakita ko rin ang susi ng sasakyan niya kaya pati iyon ay kinuha ko. Nakalabas ako sa condo niya nang hindi niya ako napapansin. Nagtungo ako sa parking lot at pinindot ko lang ang remote control niya ay narinig ko na ang tunog ng kotse. Napangisi ako nang makita ko na ang pamilyar na sasakyan niya. Naningkit ang mga mata ko dahil may kaunting gasgas na ito pero kaya pa naman siyang i-repair. Binuksan ko ang pinto at sumakay na sa driver seat. Si Red agad ang tinawagan ko. Alam ko naman ang phone number niya. “Yes, who is this?” Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. “Red, it’s me,” I answered from the other line. “Miamor? N-Nasaan na kayo ni Meriah ngayon?” tanong niya at halata sa tinig niya ang concern sa amin ng aking baby. “Nasa condo ni Dr. Jaickel si Meriah at nasa labas ako. May balita ka na ba kay Xena? Is she alright, Red?” I asked her. “Ang sabi sa akin ni Xena ay pagkatapos siyang habulin ng mga taong iyon ay tinulungan siya ni Lay, kaya walang kahirap-hirap nilang nahuli ang mga lalaking sumusunod sa inyo at tauhan iyon ng mga taga-Xancru.” “Nice. Nasaan sila ngayon?” “Ano naman ang gagawin mo? Xena even told me na nagawa kang barilin ng driver ng motorbike.” “Nasabi mo rin naman ‘yan. Ano na ang nangyari sa lalaking iyon? Buhay pa ba siya?” tanong ko. Kahit na nakita ko pa na wala talagang pakialam ang doctor na iyon na makapatay ng tao ay alam ko naman na pinanghahawakan pa rin niya ang pangako niyang magliligtas siya ng buhay ng isang tao. Hindi ang maging isang kriminal. “Answer me, Red,” pamimilit ko dahil hindi siya sumasagot sa akin. “Buhay siya. Nasa mga kamay nga siya ngayon nina Xena. Miamor, it’s better not to go there. Manatili ka na lamang kung nasaan ka sa mga oras na ito. Kailangan mong magpagaling muna,” aniya. “Pero nasa kotse na ako, Red. Hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin ngayon. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan sina Xena,” saad ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “I will message you the address. Kanino pala ang phone na gamit mo ngayon?” “Kinuha ko lang. See you later, Red.” THIRD PERSON’s POV “Momma!” Napabangon bigla si Jaickel nang makarinig siya ng batang sumisigaw sa kabilang silid at kumunot pa ang noo niya dahil malakas na umiiyak na ito. “Ano’ng...” “Momma!” Nang makilala niya ang may-ari ng boses na iyon ay nagmamadali siyang umalis sa kama at pumasok sa loob ng kuwarto niya. Naalala niya na hindi lang siya nag-iisa sa condo niya. Kasama niya ang mag-ina at ang balak sana niya ay magpahinga muna sandali sa guess room pero hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Ang balak pa naman sana niya ay bantayan ang pasyente niya. “What happened, Meriah?” agaran niyang tanong at nadatnan niya ang batang nasa gitna ng kama. Nakaupo ito at umiiyak nga. Sa nakita niyang ganoon ang kalagayan nito ay parang sinasakal na naman ang leeg niya at may kung ano rin ang kumikirot sa dibdib niya. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat niya para patahanin. “D-Doc...” “Yes? What’s wrong, baby? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya at dinala niya sa dibdib ang ulo nito. Parang tinutusok ng karayom ang puso niya na marinig ang paghikbi nito. “Ang m-mommy ko po... S-She’s gone...” sagot nito sa kanya na tunog na pagsusumbong. Nagtaka rin siya na kung bakit wala ang Mommy nito. “Baka lumabas lang ang Mommy mo. Don’t cry. Hahanapin natin siya,” sabi niya at tumayo. Ilang beses niyang hinagod ang likod nito at hinalikan ang tuktok ng ulo. Pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. ‘Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon? May sugat pa siya,’ tanong niya sa sarili niya at hinanap na nga nila ito sa kitchen o sa kahit saang sulok ng unit niya ay hindi nila nahanap. Bumuntong-hininga siya nang makita na nawawala ang cellphone niya at pati na ang susi ng sasakyan niya. “Umalis siya...” “N-Nasaan na po M-Mommy ko, doc?” tanong nito sa kanya, na basang-basa na ng mga luha ang pisngi nito. Pinunasan niya ang mga iyon at nginitian ito. “Baka nagutom ang Mommy mo? Bumili siya ng pagkain sa labas. Siguro ay ayaw niya lang sa luto ko,” sagot niya rito pero mas lalong sumibi at itinuro ang digital clock niya. “I-In the midey of the night, doc? H-Hindi naman po siya g-gutom, eh.. M-Mommy! Mommy ko!” His lips parted in shock. Wala sa sariling napatingin ulit siya sa itinuro nito. 12 midnight na nga pero paano naman nito nalaman na malalim na nga ang gabi? Tinitigan niya ito. ‘Kanino kaya ito nagmana? Sa Mommy niya? O kaya naman sa daddy niya?’ tanong pa niya. “Don’t cry, babalik din naman si Mommy.” “W-When?” “Maybe, later. Now don’t cry, baby. May gusto ka bang gawin ko ngayon?” “M-My Mommy...” “Babalik din naman si Mommy... Tahan na, tahan na...” “A-Ayaw ko po... I w-want my Mommy...” “Then I’ll be your Daddy for a while. Stop crying,” sabi niya at naging effective naman dahil bigla itong tumahan. Tiningala siya nito at huminto rin ang pagtulo ng luha nito. “Uhm... Reaye? My daddy? D-Doc daddy?” inosenteng tanong nito. “What do you want then?” “Uhm...” “Say it anything...” “Syep beside me, doc Daddy and...let’s wait for my Mommy... Don’t yeb me, okay?” He chuckled dahil sa request nito sa kanya. Hinalikan niya ang pisngi nito at ibinalik niya sa kama. “Yes, of course. I won’t leave you here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD