Chapter 31: Hiding the truth
“REST well. Alam kong paggising mo ay susungitan mo na naman ako,” sabi pa niya at hinawi ang hibla ng buhok nito na nakaharang sa maamo nitong mukha. “She’s still beautiful even without her make-up at kahit maputla pa siya,” he uttered.
He wants to laugh himself. Dahil kahit walang malay si Miamor ay kinakausap pa rin niya ito. Inayos niya ang kumot nito sa katawan at tinitigan pa niya ito bago siya tumayo pero mabilis na hinuli nito ang pulso niya.
Nagulat siya nang makitang nagkamalay na ito agad. Hindi na siya nabahala pa kung narinig ba nito ang sinabi niya kanina.
‘Ano naman kung maririnig niya? Wala naman akong sinabing hindi maganda, ah. I’m just stating the fact.’
“W-Where is she?” she asked him. He knows very well kung sino ang hinahanap nito.
Kahit hindi maayos ang lagay nito ay si Meriah pa rin ang iniisip ng dalaga. “She’s fine.”
“I’m asking you, where is she?” balik na tanong nito sa kanya.
“Kasama niya ang kaibigan kong si Taki. Nasa labas sila. I told you na hindi mo na kailangan pang mag-alala sa kanya.”
“Dalhin mo... D-Dalhin mo siya rito sa akin...” nanghihinang sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ni Miamor at ibinalik ito sa kama.
“Sige,” tipid na sabi niya lang saka siya lumabas.
Nagsalubong ang kilay niya nang madatnan niyang umiiyak ang bata. Natatarantang inalo na ito ni Taki pero wala pa rin itong tigil sa pag-iyak. Nag-alala siya sa lakas ng boses nito na tila may masakit dito. He approached them.
“What happened, Taki? I told you na huwag siyang paiiyakin. Mahirap siyang patahanin, eh,” suway niya at kinuha mula rito ang batang umiiyak. Parang sinasakal naman ang leeg niya nang makita ang mga luha nito. Pulang-pula ang ilong dahil sa malakas na pag-iyak. “Ano’ng ginawa mo, Taki?” malamig na tanong niya rito at pinukulan niya ng matalim na tingin.
“Si Cervin!” defensive na sigaw nito ay itinuro pa ang kaibigan nila kaya binalingan niya ito.
“Ano naman ang ginawa mo, Cervin?”
“Hindi ba curious ka? Kaya ipa-DNA test natin ang bata,” kaswal na sabi lang nito at itinaas ang hawak nitong isang hibla ng buhok. Lihim na napamura siya at wala sa sariling tiningnan niya ang ulo nito.
Kaya naman pala panay ang hawak nito rito dahil sa paghablot ni Cervin sa buhok nito.
“Gago ka, Cerv. Ang daddy ng batang ito ay si President Ferrara at nasa loob lang kuwartong iyon ang nakatatanda niyang kapatid. May malay na ‘yon at babalatan kayo ng buhay kapag nalaman niyang pinaiyak niyo ang kapatid niya,” malamig na asik niya sa dalawa.
“Woy, wala naman akong ginagawa. Si Cervin ‘yon,” pagtatanggol ni Taki sa sarili.
“Kapatid? Hindi ba siya ang ina ng batang ‘yan?” nagtatakang tanong ni Cervin sa kanya.
“Sino ba ang nagsabi sa inyo na anak niya ito? Kahit ang totoo ay kapatid niya lang,” supladong sabi niya sa mga kaibigan niya. Kaya nagkatinginan ang dalawa.
“But she called her Momma? As in Momma,” hindi makapaniwalang saad ni Taki.
“Well... Maybe, it was normal. My daughter called her grandmother Momma. So, baka nagkamali rin kami sa hinala namin. I’m sorry, Meriah...”
“I h-hate you, doc...” humihikbing sabi nito at binalingan siya nito kahit nakapikit pa. “My hair...doc. Doc Ceyvin pulled the strand of my hair,” sumbong nito sa kanya.
“Shh... Don’t cry, baby...” He went to his room again. Hinalik-halikan niya lang ang nananakit nitong ahit at paghikbi-hikbi na lamang. Hindi niya alam na kung bakit naging effective iyon dahil yumakap na lamang sa leeg niya ang maliliit nitong braso. “Open your eyes... Come on...” She just shook her head.
Wala siyang idea kung bakit ba nanatili itong nakapikit. Dahil ba ayaw talaga siya nitong makita? Hindi lang ito nagalit sa kanya. Ayaw rin siyang makita kaya ganoon. Baka isa pa iyon sa dahilan kung bakit siya nito iniiwasan.
“No, no...” sabi nito at umiling lang talaga.
“Okay... I won’t force you. You wanna see your Mom?” he asked her.
“Momma? Y-Yes po...” Basag ang boses nito.
‘Sasakalin ko talaga ang lalaking iyon.’
Dinala niya ito sa Mommy nito at ibinaba sa kama. “Here’s your Mom.”
“Momma?”
“Hmm? O-Open your eyes, hon...” she uttered at nang humilig ito ay inalalayan na niya ito. Her Mom cupped her face.
“Did you cry?”
“No po...”
“Then what is this?” Tukoy nito sa mga luhang pinunasan ng Mommy nito.
“Ah, yeah. I don’t know, Momma...”
His forehead knotted when he saw Meriah pouted her lips at nang silipin naman niya ang mukha ni Miamor ay nakatitig lang din ito sa anak nito. Hanggang sa makita niya ang paghalik nito sa mga labi ni Meriah.
Doon lang din nagmulat ang bata at nagtatakang binalingan niya si Miamor.
MIAMOR’s POV
“What just happened?” Jaickel asked me. I sighed.
“I w-want to rest now...” I just said and my daughter held my hand. May IV na ako sa kaliwang kamay. Base pa lang sa naaamoy kong perfume sa loob ay alam kong nasa condo niya kami.
Dito niya ako dinala sa halip na sa hospital? Ano naman kaya ang iniisip nito?
“Momma, are you syeepy?” Meriah asked me and I stared at her face.
“W-Wala ba...siyang sugat?”
“Wala. She’s pretty fine,” he answered.
Bumigat ulit ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko na nararamdaman pa ang kirot sa sugat ko dahil parang namamanhid ‘yon. But I know, pansamantala ko lang mararamdaman ang pamamanhid ng sugat ko dahil mawawalan din ng bisa ang gamot.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pumuwesto naman sa ibabaw ko si Meriah. Humilig pa siya sa dibdib ko.
“Meriah, let’s get out of here. Let your Mom sleep here.”
“Ayaw ko po, doc...” I opened my eyes again and cupped her left cheek.
“You okay, my Amor?”
“Yup po, Momma...”
“Good,” I uttered and kissed her forehead. “Now, you can go with him. Your Momma will going to rest.”
“No way. I won’t yeave you heye, Momma. I wiy stay... Mag-yest din po ako, Momma.”
“Okay... As you wish, baby,” sabi ko lang.
“Kumusta ang pakiramdam mo? Ang sugat mo?” tanong ni Jaickel.
“Why did you do that?” I asked him instead of answering his question.
“Alin ba ang ginawa ko?” balik na tanong naman niya.
“W-Why did you follow us? I-Ikaw rin ba...ang bumangga sa driver ng motorbike na ‘yon?”
“Yeah. You don’t have any idea what I feel at that time. Imagine, he was pointing you his g*n and you got shot. Tapos kasama mo pa ang anak mo. So, I did not think twice but to hit him with my car. I’m a doctor, I saved many lives but just seeing you in danger with Meriah. I’m willing to be a criminal just to save both of you.”
My lips parted in shock. “You’re crazy,” I told him but I remembered something. “At bakit hanggang sa pag-alis namin ay nakasunod ka pa rin?”
“Nope. Hindi lang ako ro’n nakasunod sa inyo. Nang lumayo kayo mula sa karamihan ay alam mo bang may isang tao na ang nagmamasid sa inyo? He’s creepy, so...” his explanation.
“Baliw ka pa rin. Paano kung napatay mo nga ang taong ‘yon?” seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang taong tinutukoy niyang nakasunod sa amin.
“Meriah, she’s listening. Watch your words,” sita niya sa akin at tinakpan ko ang tainga ng anak ko. Bakit nag-aalala ito para sa baby ko? Tsk.
“So, what if nga kung napatay mo ‘yon?” muling tanong ko sa kanya.
“He deserve it,” he said and shrugged his shoulder. “Take your rest. Dapat sa mga oras na ito ay tulog ka pa. Mayamaya, alam kong lalagnatin ka,” sabi nito sa akin.
“Thanks,” tipid na sabi ko lang sa kanya. To be honest ay nahihiya akong magpasalamat sa kanya. Dahil feeling ko ay hindi niya deserve iyon dahil may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Galit, ‘yon lang.
May galit pa akong nararamdaman sa kanya. Dahil kung maglalaho ang galit na iyon? Ang masasakit na ginawa niya sa akin ang maaalala ko. Na hinding-hindi ko makakalimutan. Nandito pa rin naman ang sakit. Kaya ginagawa ko rin naman ang lahat, huwag lang talagang magkrus ang mga landas namin kahit na... Oo na, inaamin ko na.
Halos isang taon ko rin naman siyang pinasubaybayan kay Red. Gusto ko lang naman kasi malaman ang mga ginagawa niya. Na kung ano na ba ang buhay na mayroon siya at pinili niya rin ang mabuhay na wala ako, and I can say... Masaya naman siya sa pinili niyang desisyon. So, huminto na rin ako sa pagiging stalker ko sa kanya.
“Just thanks?”
“Go, leave us alone. Magpapahinga na ako,” pagtataboy ko sa kanya. Pinaalis niya sa ibabaw ko si Meriah at inihiga na lamang ito sa tabi ko.
“Nakatulog na siya.”
“Sa kanya mo singilin ang pasasalamat, hindi sa akin...”
“Thank you, doc...” Napapitlag pa ako nang marinig ang boses ng bibong bata.
Pinagtaasan ko pa ng kilay ang doctor na ito dahil sa nakita kong pagngiti niya. Ang klaseng ngiti na hindi pilit, bagkus isang matamis na ngiti ‘yon.
“You’re welcome, now rest well, baby...”
“Haya... He...just coyd me, baby, Momma?” Nagkatinginan pa kami ni Jaickel sa tanong nito pero inirapan ko lang siya sa huli dahil hindi man lang nawala ang ngiti niya sa labi. Nakaiinis siyang tingnan, tsk.
“Ano naman kung tinawag ka niyang baby? It’s a big deal ba, ha?” I asked her.
“Hmm, yup po.”
“Shut up, young miss. Close your eyes and go to sleep,” I said.
“Momma...”
“May sugat ka na lahat-lahat pero nagawa mo pang awayin ang anak mo.”
“Shut up you too,” asik ko sa kanya, and I rolled my eyes.
Kahit pinapaalis ko na siya ay hindi pa rin talaga siya umalis. Nanatili siya sa tabi naming mag-ina at nakabantay talaga siya.
Hindi ko na rin namalayan pa na nakatulog na ako. Nagising ako nang 7 o’clock na ng gabi.
Nakapikit pa ako dahil ayokong manakit ang mga mata ko kapag bibiglain ko ito.
“Momma... wiy eat po if gising na siya?” narinig kong tanong ng aking anak.
“Yeah. So, ubusin mo na ‘tong chicken curry mo with rice.”
“Yum, yum. Yoyr good at cooking, doc...”
“Ah, I’m good in cooking? Really?”
“Yas po...”
I opened my eyes and I saw them right beside me. May sofa bed na sa right side ko. Malinaw ko silang nakikita dahil nakaharap sila sa akin.
Nakaupo sa lap ng daddy niya si Meriah habang abala ito sa pagpapakain sa kanya. Yakap-yakap naman ng baby ko ang isang pink na tumbler na may straw. Tubig ang laman no’n. Iba na rin ang kasuotan niya. Naka-pink Barbie pajama na siya. Sino naman kaya ang nagpalit sa kanya ng damit na pantulog?
“Doc... Name mo po?” Bakit ang daldal ngayon ni Meriah? At kayang-kaya na niyang magsalita ng mahaba kahit may kulang pa sa bawat words niya.
“I’m Jaickel Sanre Amero. I told you already, right?”
“Oh, sowwy. I foygot...”
Dahan-dahan akong bumangon at hindi pa nila ako napapansin. Pero dahil nasa kanang balikat ko ang sugat ko ay hindi ko sinasadyang madiin ito sa headboard ng kama. Mahinang dumaing ako dahil sa pagkirot nito. Masakit pa rin talaga kapag gagalawin mo.
“Haya, Momma!” Mabilis namang ibinaba ni Jaickel si Meriah sa sofa bed at lumapit sa akin para alalayan akong makaupo nang hindi na ako nasasaktan.
“O-Okay lang ako...” malamig na sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. I heard him sighed. “Finish your foods, Meriah, and we’re going home.”
“No. Stay here. Kailangan pa kitang obserbahan, malalim ang pagkakabaon ng bala sa balikat mo. Hindi ka puwedeng mabinat dahil baka magkaroon ng komplikasyon.”
“We have a family doctor. Puwede akong magpatingin sa kanya. Hindi mo na kailangan pang gawin ‘yon. Masyado na kaming nakakaabala sa ‘yo,” seryosong sabi ko.
“Kung sa tingin mo nga na nakaabala ka na masyado. Kung ganoon...pay my service at hayaan mong ako ang titingin sa ‘yo in return.” Tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil sa narinig kong sinabi niya.
“Really? Gusto mong bayaran ko ang serbisyo mo at ang kapalit ay ikaw pa rin ang magiging doctor ko? Hindi ba noong isang araw lang ay sinira mo ang reputasyon at pangalan ko sa karamihan? Kaya bakit...ngayon nagmamalasakit ka sa akin?” walang emosyon na tanong ko.
“Hindi ba masakit ang sugat mo?”
“Ano?” salubong ang kilay na tanong ko. Dahil sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay siya pa itong nagtanong sa akin.
“Baka hindi masakit ang sugat mo dahil nagagawa mo akong pagsupladuhan ngayon. Hayaan mo na akong gawin ito sa ‘yo. Bayaran mo na lang ang serbisyo ko. Nakalimutan mo na rin ba ang ginawa ko kanina?” his question.
“Ano naman ‘yon?”
“Na puwedeng sa mga oras na ito ay isa na akong kriminal,” sabi niya at inobserbahan ko naman ang reaction niya kung makikitaan ko ba siya na guilty siya pero wala...
Ni hindi ko makita ang pag-aalala at guilt sa mukha niya. Nanatiling blangko rin ang facial expression niya.
Bumuntong-hininga na rin ako at wala na akong choice pa kundi ang mag-stay. Nanghihina ang katawan ko. Ang bibig ko lang talaga ang gumagana.
“Patatapusin ko munang kumain si Meriah saka kita pakakainin,” sabi niya na ikinangisi ko.
“Ano ako bata? Pakakainin? Kaya kong kumain ng mag-isa, na wala ang tulong mo,” masungit na saad ko.
“Wala akong sinabing ganoon. Patatapusin ko muna ang anak mo before I bring your foods here,” kunot-noong sabi niya. Umirap lang ako para pagtakpan ang pagkapahiya ko. I watched my daughter eating her foods with the help of her father. Damn...
Ito ang unang beses na nahawakan niya ng matagal ang anak ko at pinapakain pa niya. Inaalagaan pero hindi naman siya aware kung sino ang biological father ni Meriah at hindi niya iyon malalaman pa.
Kahit may alam na rin siya na anak ko nga ito ay hindi naman siya nagtanong sa akin kung sino ang daddy nito. Ni hindi naman siya naghinala pa.
Kung tatanungin niya ako tungkol sa bagay na ‘yon at kung nagdududa na siya ay baka hindi ko rin aaminin sa kanya ang totoo. O baka kung nagkataon din na malalaman niya ay baka rin...magagalit siya sa akin?
Kasi itinago ko mula sa kanya ang anak niya? Hindi ko ipinakilala sa kanya? Pero ano naman ang pakialam niya ro’n?
Sino ba ang nanakit? Sino ba ang nang-iwan? Hindi ba siya iyon? Siya iyon na ipinagpalit pa ako sa ibang babae and worst sa matalik pa niyang kaibigan. Mahal naman daw niya ako pero nagawa niya akong saktan at iwanan na lamang. Nagpakasal pa siya pero heto siya ngayon...
Naging malamig naman ang trato niya sa akin noong nagkita kami sa unang pagkakataon, makalipas ang apat na taon. Oo, ramdam ko ang pagiging malamig niya at walang pakialam sa akin pero nagbago siya bigla sa hindi ko malaman na dahilan. Nagpapakita na siya ng concern niya ngayon lalo na nang makilala niya rin ang sarili niyang anak bilang...ibang tao rin.
Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya sa mga oras na ito at nagkakaganito siya. Pinipilit niya ang gusto niya.
“Momma... Doc Jai, he’s good in cooking po,” pagbibida nito sa daddy niya. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya.
Alam kong... hindi lang si Jaickel ang pinagkaitan ko ng karapatan na makilala niya ang daddy niya. Dahil maski si Meriah Amor. Pinagkaitan ko rin siya ng karapatan na makasama ang kanyang ama pero hindi ko pinagsisisihan ang bagay na iyon.
Tama lang naman ang ginawa ko kaya hindi ako nakararamdam ng guilt sa dibdib. Deserve iyon ni Jaickel. Mananatili na lamang siyang mangmang sa katotohanan.
“I wonder... Sino...s-sino ba ang biological father ni Meriah?” Now, he was asking me about my daughter’s father.
“Fathey Feyayya, doc. Why?”
“Answer me, Miamor. Sino ba ang daddy ni Meriah at bakit ang birthday niya ay July 20? It was December when we broke up...and at the month of November. Buntis ka na sa mga oras na iyon.”
H-How did he know that?