Chapter 30: Savior & Birthmark
“W-Who are you?” nanghihinang tanong ko at naramdaman ko naman na parang kinukuha niya mula sa akin si Meriah. Kaya hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi siya puwedeng humiwalay sa akin.
Sinusubukan pa rin ng taong ito na kunin mula sa mga kamay ko ang anak ko. Hanggang sa magsalita siya at narinig ko ang pamilyar na boses niya.
“Ako ‘to, Mih. Ako ‘to si Jaickel... Ibigay mo muna sa akin si Meriah. Wala na tayong oras pa,” sabi nito at lumuwag na ang pagkakahawak ko.
I know in my heart that I’m still mad at him but for now, magtitiwala ako sa kanya. May ginawa man siya na mga bagay na ikinagagalit ko ay ibibigay ko sa kanya ang tiwala ko sa kanya.
Ang akala ko ay si Meriah lang ang kukunin niya pero ang namalayan ko na lamang ay inalalayan na niya akong makalabas mula sa sasakyan. Pilit kong tinitingnan ang paligid ko pero ang dilim lang ang nakikita ko.
“A-Ano’ng g-gagawin mo?” I asked him.
“Miamor, makinig ka muna sa akin. Kailangan niyong lumipat ng kotse ni Jaickel at ililigaw ko ang mga taong nakasunod sa atin. Hindi mabuti ang lagay mo ngayon. Kaya...makipag-cooperate ka na lamang sa amin,” paliwanag ni Xena at kahit hindi ko siya nakikita ay nagawa kong hawakan ang pulso niya.
“At a-ano naman ang gagawin mo?”
“Ililigaw ko nga sila. Ang alam nila ay nasa kotse ka pa. Sige na. Don’t worry about me, kaya ko ang sarili ko. Wala lang ‘to kumpara sa mga naranasan ko na sa Switzerland. Kaya...sige na. Umalis na kayo, Dr. Jaickel. Ingatan mo sila.”
“I will,” tugon lang ni Jaickel.
“M-May t-tiwala a-ako sa ‘yo, Xena,” sambit ko saka ko siya binitawan. Sa backseat niya ako isinakay at hindi ko nararamdaman ang presensiya ni Meriah sa tabi ko. “Si M-Meriah Amor...”
“Nandito. You’ll be safe, Mih. Don’t worry too much.” Bakit naman ganoon ang tawag niya sa akin?
“N-No... Where’s my Amor? M-Meriah...”
“Momma...” I felt relief when I heard her voice before darkness consumed me.
THIRD PERSON’S POV
“The heck,” mahinang pagmumura ni Jaickel nang makita ang sugat nito na punong-puno na ng dugo.
Base pa lang sa pagdurugo nito ay alam niyang may bumaon na bala sa balikat nito dahil kitang-kita niya ang walang tigil na pagdaloy ng dugo nito. Hinawakan niya ang pulso nito at pinakiramdaman. Mahina ang t***k ng puso at kapag hindi agad ito nabigyan ng paunang panlunas ay maaaring maubusan ito ng dugo.
Kumuha siya ng maliit na bimpo at tinakpan niya ang sugat nito upang pansamantala ay matigil muna ang pagdurugo. Pagkatapos niyang gawin iyon ay pinunit pa niya ang t-shirt niya para naman itali ito sa katawan ni Senator Ferrara. Mabuti na lamang ay may mga gamit siyang dala.
Mabilis ang t***k ng puso niya at sa nararamdaman niyang takot ay dumoble ‘yon nang makita ang maputla nitong mukha at may namumuong pawis sa noo nito, maging sa leeg.
“You’re gonna be alright, Mih. Trust me,” mahinang bulong niya rito at hinaplos ang pisngi nito saka siya lumipat sa driver seat.
Tiningnan pa niya ang katabi niyang batang babae na tahimik lang nakaupo at mahigpit ang yakap sa doll nito. Mariin nakapikit ang mga mata nito habang suot pa rin ang headphones. Alam niyang sinadya ng Mommy nito na ilagay iyon sa bata. Para wala itong maririnig na kahit ano’ng ingay. Nakita pa naman niya ang basag na binata kanina.
Hanga rin siya sa ina ng bata dahil kahit nasa kalagitnaan na ng g**o at kapahamakan ay hindi nito binitawan ang anak at mahigpit pa rin ang yakap nito.
He was about to maneuver his car when he remembered something. Kanina hinanap ito ni Senator Ferrara, at nang sambitin nito ang pangalan ng anak ay siya namang pagtawag ng bata.
Humilig siya rito at tinanggal ang headphones. Pinakinggan niya kung may kanta bang pinapatugtog ito pero wala siyang naririnig dito. He cupped her face but she didn’t open her eyes.
“Meriah...”
“Doc? My Momma?” tanong nito na ikinangiti niya dahil napansin niya rin kanina na hindi siya nito tinitingnan at alam niyang iniiwasan siya ng bata. Ngayon ay kinakausap na nga siya.
Narinig din niya ang sinabi nito na kung puwede bang bawiin ang galit nito sa kanya. Ngayon nga ay alam na rin niya ang dahilan kung bakit nga nagkaganoon ang bata sa kanya. She heard his words that their family, g**o lang ang dala. Maguyo.
“She’s still with us, baby. Don’t worry, she’s just sleeping,” he replied and caressed her hair. Meriah nodded her head. Hindi na niya ibinalik pa rito ang headphones at inilapag na lamang niya sa dashboard ng kotse niya.
He took a glance at Xena’s car. Hinihintay na lamang nito na makaalis sila. Mabuti na lamang ay kaskasera ang asawa ng matalik niyang kaibigan kaya nagawa nilang makalayo sa mga sasakyan na nakasunod sa mga ito.
Pinatunog pa niya ang sasakyan niya at nilingon niya sa backseat si Senator Ferrara. Saka siya nagmaneho.
Hindi niya ito dinala sa hospital dahil alam niyang mas panganib doon at lalo pa na hindi puwedeng makita ng mga tao na sa ganitong kalagayan ang senator nila.
“Nasaan ka, Taki?” he asked his friend. Naiwan sa Laguna si Kierson at iba pa nilang co-doctors. Si Taki ay alam niyang day-off nito kaya iyon agad ang tinawagan niya at hindi rin naman ito nakasali sa medical mission.
“Nasa condo ako ngayon. Why?” tanong nito mula sa kabilang linya.
“Maghintay ka sa lobby. May kasama akong pasyente. Kailangan ko ang tulong mo,” sagot niya.
“May pasyente kang kasama? Bakit sa condominium mo siya dadalhin? Sa hospital dapat, dude. Lasing ka ba? Dapat sa hospital mo na nga siya dalhin, hindi sa condo mo,” sita nito sa kanya.
“Malalaman mo kapag nakita mo na ang pasyente. Basta maghintay ka sa lobby at abangan mo kami,” sabi niya lang saka niya ibinaba ang tawag.
Dumating sila sa condo building ng ligtas at wala na siyang napansin na nga kotseng nakasunod sa kanila. Nang bumaba siya ay nakita niya ang mabilis na paglapit ni Taki.
Nakasuot pa ito ng kaswal na damit, baka palabas na ito ng tinawagan niya.
“So, what?”
“May lakad ka?” sa halip ay tanong niya.
“Mayroon. At ikaw ang magpaliwanag kay Zayashen.”
“Zayashen? Nakikipagkita ka pa rin sa pinsan ni Even?” kunot-noong tanong niya. Hindi niya talaga gusto ang ideyang nakikipagkita ito sa babaeng iyon dahil alam niyang masasaktan ang kaibigan nilang si Evenna. Pero alam niya rin na sinasadya lang iyon ni Taki, para iwasan na talaga ito.
“Bakit ba? Makikipag-away ka ba sa akin ngayon sa halip na iligtas ang pasyente mo? Ang daming dugo sa damit at kamay mo, ha,” sabi nito sa kanya at itinuro ang sarili niya.
Umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto. “Kaninong anak naman ‘yan?” nagtatakang tanong ni Taki.
“Meriah...”
“Po, doc?” tugon nito at maingat niyang hinawakan ang braso saka niya pinangko.
“Doon ka muna kay Dr. Taki...”
“Doc Taki?” patanong na saad nito at tumango siya.
“I will carry your Momma. Remember that she’s sleeping right now?”
“Yup po...” sagot nito at sinenyasan niya ang kaibigan. Inilipat niya sa bisig nito ang bata. “Doc Taki?”
“Yes? That’s me. Bakit nakapikit ka? Open your eyes, baby girl.”
“No.” Napansin niya rin iyon na hindi man lang talaga nagmulat ng mga mata nito si Meriah at hindi tiningnan ang Mommy nito kahit hinahanap nila ang isa’t isa.
He put his coat around her body and he gently carried her.
“What the... It’s that Senator Ferrara, Jai?”
“Ssh... Walang dapat makaalam nito. Tara na.”
***
“Jai. Ayaw niyang dumilat, oh,” Taki uttered and I glanced at them.
“What is dumilat?” she asked Taki, innocently. “It’s like, l*****g, hmm?” He stilled when he heard that.
The first day he met this little kid ay hindi ganito katalas at diretso ang pananalita at napapansin niyang nahihirapan pa nga ito, maski sa paglalakad ay kitang-kita niya ang paghinto nito sa kalagitnaan nang paghakbang ng mga paa nito.
He’s a Neurologist doctor at hindi niya ito specialists. He, a neurologist treats conditions of the nerves, spine, and brain. But he can still observe her body kung pagbibigyan lang siya ng pagkakataon na i-check up ito.
Nalaman lang niya na may in-inject na iba’t ibang mga gamot ang dalaga dahil sa tulong ng kanyang ina. Matindi raw ang pagkahumaling nito sa isang bagay na puwedeng ikasisira ng katawan nito.
Kaya naghinala na rin siya. Makokompirma niya rin iyon kung kaya niyang suriin ang kalagayan nito at nalaman niyang...may batang iniluwal ito and she still breastfeeding the kid.
“No, that’s not what I mean. Bakit nakapikit ka pa? Buksan mo na ang mga mata mo,” pamimilit pa ni Taki.
“No way...” umiiling na tanggi nito.
Dinala niya sa kuwarto niya ang senator at maingat na ibinaba niya ito sa kama. Nakasunod pa rin sa kanila ang dalawa.
“Kaya mo na riyan?” tanong sa kanya ni Taki. Tinanguan niya ito.
“Si Meriah, siya na lang muna ang asikasuhin mo, Taki. Baka hanapin na naman niya ang Mommy niya at kapag umiyak ‘yan. Mahirap patahanin,” sabi niya.
Tumayo siya at kinuha ang first aid kid. Natatakot man siya para sa dalaga dahil ito rin ang unang beses na nakita niyang ganito. Ni hindi niya kayang makita itong nasasaktan ng pisikal, maliban na lang sa ginawa niyang pang-iiwan dito at pinili ang ibang babae. Pero nararamdaman niyang matagal na ngang naka-move on sa kanya si Miamor.
Ni hindi na rin niya nararamdaman kung may pagmamahal pa ba ito sa kanya. Kaya pinipilit na rin naman niyang dumistansya.
Hinubad niya ang punit na damit niyang itinali kanina at saka niya hinubad ang suot nitong coat. Saglit pa niyang tinitigan ang mukha nito. Kahit may tama na ng bala ay wala pa rin itong emosyon at kahit wala pang malay. Bago pa man ito maubusan ng dugo ay sinimulan na niyang gamutin si Miamor.
***
“Ano ba kasi ang nangyari sa kanya?” nagtatakang tanong ng kaibigan niyang si Cervin. Pinakiusapan niya ito kanina na magdala ng mga iba pang gamot at IV. “Wait lang, Jai. Hindi ba nasa medical mission kayo ngayon? Ano’ng ginagawa mo rito at kasama mo pa si Senator Ferrara? At ang sabi rin sa akin ni Lervin. Si Senator nga ang nag-conduct no’n at binayaran pa ang service niyo. So, what the hell are you doing here?”
“You asked too much, Cervin. Ayusin mo na lang ang IV niya,” sabi niya at nagtungo sa closet niya para kumuha ng damit na puwedeng suotin ng pasyente nila. “Kapag natapos ka riyan ay papalitan ko na siya ng damit.”
“Lalaki ka. Gagawin mo iyon sa kanya?” nakangising tanong nito.
“Ano naman ang gusto mo?” he fired back.
“Bago pa man tayo naging kaibigan ay si Lervin na ang nauna but I heard from him na may first love ka at labag sa kalooban mong hiwalayan siya noon. So...si Senator Ferrara ba iyon? Dahil ang clue niya rin sa akin ay hindi pa man ito isinisilang sa mundo ay ang pamilya niya ay nasa politics world na. Kaya inaasahan daw ng kapamilya nito na susunod sa yapak ang babae. Kaya...naisip ko nga na baka itong babae na ito ang ex-girlfriend mo? Paano mo siya hiniwalayan? Aba, sa tingin ko naman ay walang problema sa kanya.”
“Ang dami mo talagang sinasabi, Cervin at naniniwala ka talaga kay Lervin? Sinungaling iyon,” sita niya.
“Whatever. Bakit hindi sa hospital mo siya dinala, Jai?”
“Tinanong na rin ‘yan sa akin ni Taki at malalaman mo naman kung ano ang dahilan ko at bakit nga ba rito ko siya dinala?”
“Okay, she’s our soon-to-be president of our country. That’s it.”
“Hindi mangyayari ‘yon.”
“Ha?”
“Ba’t ba ang daldal mo? Asikasuhin mo na lamang siya,” nagsusungit na sabi niya rito pero naramdaman niya lang ang pagsiko sa kanya. Sinamaan niya nang tingin si Taki. “Ano?”
“Ikaw na iyong nakaaabala ay ikaw pa ‘tong nagsusungit at saka...kausapin mo nga ang batang ito, Jai. Kanina pa siyang ganito,” sabi nito at ngumuso pa.
“Maghuhugas lang ako ng kamay at papalitan ko pa siya ng damit. Dalhin mo na sa labas si Meriah, Taki.”
“Meriah ba talaga ang pangalan niya? Bakit ang sabi niya sa akin ay Amoy?” kunot-noong tanong nito sa kanya. Dahil hindi naman kayang bigkasin nito ng tama ang pangalan kaya Amoy talaga.
“Meriah Amor, that’s her full name,” he answered and walked towards his bathroom but Taki suddenly spoke.
“Anak mo ba ‘to, Jai?” Natigilan siya sa tanong nito at bumaba ang tingin niya sa bata.
“H-Hindi,” sagot niya na medyo nautal pa.
“May nakita kasi akong maliit na birthmark niya sa kaliwang braso. Ito, oh. Hindi ba ganito rin iyong sa ‘yo?”
“Just a coincidence, Taki. Ano naman ang kinalaman ng birthmark nito sa akin? Bakit doon ba natin malalaman kung anak mo ang isang bata ay may kapareho kayong birthmark nito sa braso?” laban na tanong niya. Inaamin niyang nabigla talaga siya at kumabog nang malakas ang dibdib niya. Sa dami ng puwedeng sabihin nito at mapansin ay iyon pa.
“There’s a 74 to 90 percent, Jai. Mapapaisip ka nga talaga na kung coincidence lang ba. Kasi sa dami ng puwedeng paglagyan ng birthmark niya ay bakit sa braso pa nito na kung saan ay mayroon ka rin?”
“Shut up, Taki. Lumabas na lang kayo riyan at doon kayo mag-usap. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Hindi ‘to specialists ko,” Cervin blurted out. “But I agree with you.”
“See? Ipatingin natin kay Even?”
“Shut up, she’s busy at this moment.”
Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad pero hindi mawala sa isipan niya ang bagay na iyon. Totoong nagkataon nga lang ba? Wala naman kasi siyang nakikita na katangian sa bata dahil mas malaki ang hawig nito sa kanyang ina. Mula sa pag-uugali kaya imposible rin ang bagay na iyon.
Isa pa...kahit alam na niyang hindi lang nito kapatid ang bata at totoo ngang ito ang biological mother ay wala pa ring inaamin sa kanya si Miamor. Alam din niya na hindi ito mahilig maglihim at hindi rin nagsisinungaling.
Pero kung tatanungin ba niya ito kung sino ang ama ng bata ay sasagot ba ito? Sasagutin ba siya nito hindi nagsisinungaling? Dahil curious na siya kung sino nga ba ang lalaking bumuntis sa senator. He sighed and clinched his teeth. “Fvcktard.”
Three years old... Four years na rin ang nakararaan nang naghiwalay sila at kung alam niya lang ang birthday nito ay baka...may idea na siya sa biological father nito.
Pagkatapos niyang maghugas ng mga kamay ay bumalik din siya kuwarto. Wala na roon si Cervin pero maayos na ang paglalagay nito ng IV. Lumapit siya rito at sinimulan na rin niyang palitan ang kasuotan nito.
“This is what I hate the most, Mih. Ang ilagay mo sa kapahamakan ang sarili mo,” mahinang bulong niya at bumuntong-hininga. “I told you before not to enter this fvcking politics world... But what the hell are you doing?” he asked her kahit na hindi naman ito sumasagot. Pinunasan niya ang pawis nito at marahan na pinitik ang noo. “Matigas kasi ang ulo mo. Katulad ka pa rin ng dati, tss. Kung nag-doctor ka na lang kaya? Hindi...ang tatakbo ka pa talaga bilang presidente ng ating bansa? Oo na, bagay sa ‘yo ‘yan pero isipin mo si Meriah...”