Chapter 29: Shot & Danger
“BUSOG na ba ang baby na `yan, hmm?” malambing na tanong ko sa bibong baby namin. Nang ibigay na niya sa akin ang baby bottle niyang wala ng laman. Tumulis na naman ang kanyang labi at mabagal na kumurap saka siya tumango-tango bilang tugon niya.
I took my handkerchief and wiped the edge of her lips. She even hugged her little arms around my waist and leaned her cheek against my chest.
“Momma?”
“Hmm?”
“Gayit ba sa akin si doc?” Napahinto ako sa ginagawa kong pagpunas sa kanya nang magtanong siya. Bakit naman iyon pa ang naging tanong niya sa akin? Nakakapagtaka naman.
“Why did you asked me that, my Amor?” I asked her and cupped her face. I kissed the tip of her nose.
“Hmm... I saw him po...” I smiled dahil napapahaba na ng mga salitang binibigkas niya.
“Ano naman kung magagalit siya ‘yo? Hindi ba ang sabi mo ay ayaw mo na rin sa kanya dahil sinabihan niya tayo na maguyo?” tanong ko at mas ngumuso lang siya.
“Hmm... Yeah?” I chuckled. Parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya.
“Oh, ‘di ba? Sinabi mo iyon, hmm?” Mariin na pumikit lang siya kaya mas lumakas lang ang halakhak ko.
“Can I bawi, Momma?” Namilog ang mga mata ko sa tanong niya.
“No. Nasabi mo na nga na ayaw mo na sa doctor na iyon. Kasi maguyo tayo. Kaya...hindi mo na mababawi pa--”
“She can,” biglang sabat naman ng isang tao riyan na ikinagulat ko pa. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.
“Haya...” nahihiyang sambit pa ni Meriah at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin niya habang nakadikit pa rin ang pisngi niya sa dibdib ko.
“Nakikinig ka ba sa usapan namin?” malamig na tanong ko.
“Puwede mong bawiin ang sinabi mo, Meriah. Hindi rin naman ako galit sa ‘yo dahil hindi mo rin ako pinansin,” sabi niya na hindi pinansin ang tanong ko. Ang anak ko pa ang kinakausap niya.
“Tigilan mo. Huwag mo na siyang kausapin pa,” saad ko na may kalamigan pa sa boses ko.
“I’m sorry...”
“Hmm?” Tinakpan ko lang ang mga mata ni Meriah at saka ako bumaba mula sa sasakyan namin pero...
Tama, nandito nga kami sa kotse para lang mag-milk ang batang nagsisisi sa sinabi niyang ayaw na niya ang doctor na ito at gusto pang bawiin ang mga sinabi niya.
Napahinto pa ako dahil bigla niyang binuhat si Meriah. Hindi nagpumiglas ang baby ko at kusa siyang nagpabuhat dito. Talagang seryoso rin siya na bawiin ang sinabi niya kanina na hindi na siya galit dito? May ganoon ba na binabawi ang galit?
I glared at him nang maglahad siya ng kamay sa akin para lang alalayan ako. Binawi niya rin naman iyon nang tinabig ko at mas lumalim lang ang gatla sa noo ko nang maramdaman ko na ang kamay niya sa ibabaw ng ulo at agad na akong dumistansya nang tuluyan na akong makababa.
“Ibaba mo na siya,” utos ko sa kanya. Naabutan ko pa si Meriah na nakahilig ang ulo niya sa balikat nito at halos magdikit na nga ang tungki ng ilong at labi niya sa gilid ng leeg nito. Nagiging clingy na naman ang batang ito.
Tumikhim pa siya saka niya maingat na ibinaba ang anak ko. Humawak agad sa kamay ko si Meriah at tiningala pa niya ako. Ngumiti lang siya sa akin na litaw ang ngipin niya sa itaas. Nakatatampo ang ginawa niya. She said, hindi na rin niya gusto ang Jaickel na ito pero kusang nagpakuha siya rito, tapos titingnan lang ako na parang wala siyang ginawa?
“Yab you, Momma,” sabi nito at alam kong naglalambing lang siya. Dahil siguro nararamdaman niyang nainis ako sa ginawa niya. I didn’t reply.
I looked at him. “Alam mo, doc. Hindi na kita maintindihan pa, eh. Busy ka ro’n kanina pero...nandito ka na naman at kung makalapit ka sa amin ay akala mo naman close tayo at ikaw...” Si Meriah naman ang binalingan ko. Ngumuso lang siya sa akin. “Doon ka na kay Mommy at uuwi na kayo,” sabi ko at umiling siya.
“Ayaw ko po, Momma...”
“Sige, ako na ang maghahatid sa ‘yo pauwi,” sabi ko at iginiya ko na siyang maglakad.
Pagbalik naman namin sa tent ay naguguluhan na napatingin naman ako sa kanilang lahat. Parang nakakita pa sila ng multo sa hitsura nila. Pero diretso lang kaming naglalakad ni Meriah at kahit sa table nina Mommy at Ma’am Sofiane ay hindi rin maipinta ang mukha nilang dalawa.
Ang Mommy ko naman na namimilog ang mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin at ang isa pa niyang kasama na si Ma’am Sofiane ay halos umawang na ang labi niya sa gulat.
“What’s wrong?” I asked them in confused. Hindi naman nila ako sinagot pero nang sulyapan ko naman ang direksyon nina Red ay may nakaiinis na ngisi sila sa mga labi nila. Ano ba ang mayroon sa likod namin... “What are you doing?” malamig na tanong ko dahil nakabuntot pa rin sa amin ang lalaking ito.
Aba, nawiwili na siya sa paglapit-lapit sa amin, ah. Sinundan pa talaga niya kami. I raised my eyebrow. Hanggang sa ngumuso siya na parang may itinuturo siya kaya sinundan ko nga iyon nang tingin.
My eyes widened in shock. Dahil sa nakita kong hawak-hawak ng sarili kong anak ang dalawang daliri niya at sobrang higpit nang pagkakahawak no’n, na tila ba ayaw niya rin itong pakawalan pa.
“Uhm, hon... What are you doing?” I asked my daughter. Inosenteng tiningnan niya lang ako at ngumiti pa siya sa akin sabay hila na naman sa kanang gawi niya kaya mas napalapit ito sa amin. “Bumitaw ka na,” usal ko. He just shook his head at itinuro na naman niya si Meriah Amor.
“Momma?”
“Let him go, Meriah. May trabaho pa siyang kailangan na tapusin,” I told her and she stared at his hand.
“Ay, sowwy po,” sabi niya lang na parang doon niya lamang na-realize ang ginawa niya. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at pinunasan ko iyon gamit ang panyong hawak ko.
“Seriously?” narinig kong komento niya at mukha rin siyang iritado.
“Mahirap na,” sabi ko lang. “Mom, mabuti pa po ay samahan mo na lamang sina Red dito. Ako na lang po ang maghahatid kay Meriah pauwi,” ani ko at kinuha ko na ang maliit na backpack nito.
“Okay...”
“Bye, Mothey... Bye Tita... Sofi,” paalam niya at sa huling pangalan na binanggit niya ay nahiya pa siya. Nang sulyapan ko naman si Ma’am Sofiane ay gumuhit lang ang masayang aura niya. Sa simpleng pagpapaalam lang ng bata ay naging masaya na siya agad.
“Take care, loves.” I nodded.
Bumalik kami sa parking space at si Xena lang ang sumunod sa amin. “Hindi ka ba magpapaiwan?” tanong ko sa kanya.
“Ayokong makita ang pagmumukha ng asawa ko. Dahil naiinis pa ako sa kanya ngayon,” sagot niya lang at mabilis na sumakay sa driver seat. Alam kong hindi maganda ang samahan nila ni Dr. Kierson. Sa pagkakaalam ko rin sa isang iyon ay playboy. Mahilig lang makipaglaro sa mga babae.
But let’s see, alam kong magtitino na ‘yon, kung ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa niya. Kakaiba rin naman ang ugali ni Xena. Hindi siya nananakit ng pisikal, mga bagay na mayroon ka lang ang kaya niyang igiling sa mga kamay niya.
Binuksan ko naman ang backseat para alalayan na ring makasakay si Meriah. Kinabitan ko na rin siya ng seatbelt.
“You okay here, honey?”
“Opo, Momma,” she replied politely. I kissed her head and smiled at her, saka ko marahan na isinara ang pinto sa side niya.
Bago pa man din kami makaalis doon ay dumating naman ang panibagong ambulance at nakita ko pang bumaba si Dr. Lucianne mula roon. Nagtagpo pa ang mga mata namin pero ako na agad ang nag-iwas nang tingin sa kanya. Dahil parang susugurin niya ako sa paraan lang ng pagtingin niya sa akin.
Sinilip ko pa ang batang kasama namin ni Xena sa backseat at dala-dala lang pala niya ang baby doll niya na mukhang nakalimutan niya rin kaya naiwan dito sa kotse namin.
“Let’s go, Xena.”
“Wait... Aalis na tayo ng wala na tayong ibang kasama na bodyguard mo? Naku ka, Senator Ferrara. Hindi pa nga natin nahahanap ang culprit at baka sa daan pa lang ay nakaharang na sila sa atin,” prangkang saad niya at napatingin ulit ako sa baby ko.
“No. Puwede niya tayong harangan kahit ano’ng oras pa ‘yan. Basta hindi kasama ang anak ko,” malamig na utas ko.
“Aw... Sorry. Pero kasi... Oo, kaya kitang protektahan pero ibang usapan na kung may kasama tayong isang bata. I can protect her too naman pero mas worried ako sa eksenang makikita niya,” she stated at may punto siya.
“Teka lang, Xena,” pigil ko sa kanya nang akmang magmamaneho na nga siya.
Binuksan ko ang pinto at muling bumaba. Inilipat ko si Meriah sa shot g*n seat.
“What...” Pinaupo ko na lang sa lap ko ang bibong bata at mahigpit ko siyang niyakap. “Grabe, natakot ka agad?”
“Hindi ko siya mapoprotektahan kapag nasa backseat siya, Xena. Ikaw kasi binigyan mo pa ako masamang idea,” malditang ani ko sa kanya at bumuntong-hininga ako. I rested my chin on the top of her head.
Habang nasa biyahe naman kami ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero... Mukhang natakot nga ako sa sinabi ni Xena. Sanay naman ako sa ganoon pero iniiwasan ko talaga na mangyari ang bagay na iyon lalo na kung kasama ko ang pinakamamahal kong anak.
Kaya noong nasa kalagitnaan na kami nang biyahe ay mas hindi ako kampante. Ni hindi ko na rin magawang ipikit ang aking mata kahit sandali lang. Nag-oobserba naman sa paligid si Xena.
“Mukhang... nagkatotoo nga ang sinabi ko, Miamor...” she commented.
“Huwag kang magbibiro ng ganyan, Xena. Makikita mo,” banta ko sa kanya pero naging seryoso lang ang mukha niya at panay ang sulyap niya sa likuran ng sasakyan namin.
“May sumusunod sa atin. Ang kotse niya ay pamilyar at nanggaling din siya sa roon sa medical mission na iyon, Miamor.”
“Iligaw mo na lang, Xena. Kung sa atin nga ito nakasunod,” sabi ko.
Kinuha ko ang headphones sa dashboard ng kotse at inilagay iyon sa ulo ni Meriah. Nagtataka pang tumingin siya sa akin pero tanging pagngiti ko lang ang ginawa ko.
“Uhm, my Amor?”
“Po?” tanong niya.
“Close your eyes, honey. I will kiss your lips later and that’s a sign that you need to open your eyes immediately,” I told her and she even giggled. Pumikit siya agad at pinatakan ko ng halik ang noo niya. I adjust the volume at nagpatugtog na rin ako ng kanta. Para wala siyang marinig na kahit na ano.
“Can you take a risk, Miamor?” Xena asked me. Sandali kong sinuri ang mukha niya.
Hindi iyon nababakasan ng kahit ano’ng emosyon. Ganito siya sa tuwing nasa kalagitnaan siya ng panganib. Bihira niyang ipakita ang totoong emosyon niya. Ganito rin naman ang madalas kong ginagawa, pero ibang usapan talaga kapag kasama ko si Meriah. Kaya mas kampante ako kung nasa mansion lang siya at hindi gaano lumalabas.
“Why?” sa halip ay tanong ko.
“Dadaan tayo sa isang lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao o sasakyan at kung hanggang doon ay sumusunod pa rin siya sa atin ay confirm na tayo nga ang pakay ng taong ‘yan. Kaya para sigurado tayo,” paliwanag niya. Tumango naman ako at humugot ng malalim na hininga.
Bumaba ang tingin ko sa aking anak. Mahigpit din ang yakap niya sa baby doll niya. I caressed her hair. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ko siya.
Iniliko ni Xena sa kabilang kanto ang sasakyan at mas binilisan pa niya ang pagmamaneho.
Kinapkapan ko ang suot kong boots at hinanda ang maliit kong b***l, a pistol. Ganoon din ang ginawa ni Xena at hinawakan niya na lamang iyon.
Tumingin ako sa side mirror at nang makaliko na nga kami ay diretso lang dumaan ang itim na sasakyan na iyon.
Hindi ko na nga nakita pa iyon pero hindi naglaho ang mabilis na t***k ng puso ko at ang kaba nito. Titingin na sana ako kay Xena para sabihin sa kanya na bilisan pa niya ang pagmamaneho dahil hindi talaga maganda ang kutob ko. Ngunit nakita ko lang sa salamin ng bintana ang pagdaan ng isang motorbike at ang b***l nitong pagtutok sa amin.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at mas humarang ako sa likod ni Meriah dahil alam kong siya ang tatamaan kapag hinayaan ko iyon. Ngumiwi lang ako ng maramdaman ko ang kirot sa kanang balikat ko at may matigas na bagay ang bumaon doon. Lumikha rin nang ingay ang pagkabasag ng bintana. Silencer ang dala nitong b***l.
“Miamor!”
“B-Bilisan mo lang ang pagmaneho, Xena. Huwag kang magkakamali na huminto,” I warned her. She clinched her teeth at nasa unahan na namin agad ang taong bumaril sa amin.
“Shet! Bumalik ang kotse kanina!” sigaw niya pero sinubukan na niyang barilin ang driver ng motorbike.
Hindi ko na masyadong pinansin pa ang paligid namin dahil sinuri ko ang katawan ni Meriah kung hindi ba siya nasaktan o kung wala ba siyang sugat na natamo sa pagkabasag ng salamin. Nanatiling nakapikit siya at mukhang wala namang nangyari sa kanya.
Nang tumingin ulit ako sa labas ay mas dumoble ang kaba ko sa dibdib dahil may panibagong sasakyan pa. Naunahan nito ang kotseng humahabol sa amin at nanlaki pa ang mga mata ko dahil sinadya niyang banggain ang motorbike. Nag-iwas na lang ako nang tingin dahil maaapakan na nito ang taong iyon.
“Kilala ko ang may-ari ng sasakyan na ‘yan. Ano naman ang ginagawa niya rito?” tanong ni Xena.
I was about to ask her but my vision, unti-unting lumalabo ito at nahahati na siya sa dalawa o tatlong katawan. Gumagalaw-galaw na rin ang ulo ko na tila babagsak na in no time. Matinding kirot sa sugat ko ang naramdaman ko na parang sinusunog siya at binubuhusan ng alcohol sa sobrang hapdi.
“Uhm...” Ilang beses kong pinilig ang ulo ko para lang bumalik ang diwa ko at mawala ang panlalabo ng paningin ko. Kahit pakiramdam ko rin na mawawalan na ako ng malay ay hindi ko binitawan ang anak ko. Mahigpit pa rin ang yakap ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas. Dahil talagang wala na ako sa sarili, ni hindi ko na naririnig pa ang pagsigaw ni Xena sa pangalan ko. Namamanhid ang aking dibdib at hindi na rin ako sigurado pa kung tumitibok pa ba ang puso ko dahil hindi ko man lang ito marinig.
Ang namalayan ko lang ay ang bumukas ang pinto sa side ko at bumalik ang pakiramdam ko. Ang takot at kaba, napadilat ako at ang pigura ng isang lalaki ang nakikita ko.
“W-Who are you?” nanghihinang tanong ko at naramdaman ko naman na parang kinukuha niya mula sa akin si Meriah.