Chapter 28: Avoiding
“BUT what are you doing here, Meriah? Paano mo nalaman na nandito ako, hmm?” tanong ko sa kanya. Her smile widened.
“Miss Yed... Momma...” she replied and I held her hand. Si Red ang tinutukoy niya.
Nakita ko nga sa labas si Red. “Ano’ng ginagawa rito ni Meriah? Sino ang kasama niya, Red? Hindi siya puwedeng pumunta rito. So, why?” I asked her.
“It’s your Mom, and Meriah was looking for you. Nagbabanta siyang iiyak daw kapag hindi namin siya dinala sa ‘yo,” she explained and I sighed. Isinuot ko ang coat ko at hindi ko na rin naibalik pa ang longsleeve ko.
“Come, let’s get out of here, Meriah.” Tumango lang siya sa akin at nagtaas ng dalawang kamay. Nakangiting binuhat ko na lamang siya at yumakap ang maliit niyang braso sa leeg ko at humilig pa siya sa balikat ko.
“Hmm... Doc?” narinig kong mahinang sambit niya.
Nilapitan namin si Mommy na sa dami-rami pa nang makakausap niya ay bakit si Ma’am Sofiane pa? Magkakilala kaya sila? Dahil nakikita ko ang pagngiti nila at masayang nag-uusap.
“Oh, Senator Miamor is here,” she said in a surprise. What are you doing here, Ma’am Sofiane?
“Have a sit, Miamor,” ani Mom at umupo naman ako sa gabi niya. Nakakandong sa lap ko si Meriah at nang inayos ko ang pagkakaupo niya ay nanatili siyang nakatalikod mula sa Mommy ni Jaickel. My daughter rested her head on my chest at itinatago niya lang din ang mukha niya.
“What... happened to her?” tanong nito sa akin nang mapansin ang baby ko. Umiling ako. Dahil maski ako ay hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito si Meriah Amor. Maliban sa...
“A-Ayaw sa akin ni doc, M-Momma? Ayaw sa akin ni doc... K-Kasi...maguyo tayo, Momma?”
“It’s not like that, hon... Hindi naman tayo magulo, ah. We’re doing good, baby...”
“Sabi po niya... Maguyo tayo, M-Momma...”
“No, baby... Hindi naman iyon totoo, eh.”
“A-Ayaw k-ko na yin po sa kanya, M-Momma... Ayaw ko na sa kanya... A-Ayaw na ni A-Amoy...”
Ito na ba ‘yon, Meriah? Ito na ba ang simula na iiwasan mo na nga sila? Dahil lang sa narinig niya na pag-uusap namin ng magaling niyang daddy. Tss.
“Wala naman po,” I answered and caressed her hair. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya na iiwasan na nga sila ng bibong batang ito.
“Meriah...” she called out my daughter’s name pero nanatili pa rin itong nakayakap sa akin.
Nahihiyang ngumiti ako kay Ma’am Sofiane pero may kung ano sa dibdib ko nang makita ko na parang nasaktan siya sa pag-iwas sa kanya ng anak ko.
“May nangyari ba, love? Bakit ganyan si Meriah?” my Mom asked me. I shook my head.
“W-Wala po talaga, Mother. Baka po...inaantok lang siya,” sagot ko at sinilip ko ang mukha ni Meriah. Nakapikit siya pero matulis ang labi. Nakikinig siya alam ko.
“My Amor?” Saglit siyang dumilat at tumitig sa mga mata ko bago siya pumikit agad saka umungot. “She’s sleepy, Ma’am Sofiane,” I said. Nawala naman ang lungkot sa mukha niya at umaliwalas iyon agad.
“It’s okay,” she said.
“Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Mrs. Amero, love.” I nodded.
“Actually, magkaibigan sila ng anak kong si Jaickel. He’s a doctor...” Goodness, hindi na kami magkaibigan pa ng anak niyo, Ma’am Sofiane and besides hindi naman talaga kami naging magkaibigan. “Jaickel...”
Gulat na tiningnan ko ang anak niya. Hindi ba ang sabi niya ay marami siyang pasyente na naghihintay sa kanya? Kaya bakit nandito na siya at nagawa pa niyang makiupo?
“What are you doing here? You told me na marami kang pasyente na naghihintay sa ‘yo, right?” matapang na tanong saad ko sa kanya at natawa naman ang kanyang ina.
“Go ahead, son. Senator Miamor is right.”
Naramdaman ko naman na gumalaw si Meriah at dahan-dahan niyang nilingon ang doctor na nakaupo lang sa tapat naming mag-ina.
Nang tumingin naman sa gawi niya ito ay mabilis siyang nag-iwas at bumalik sa pagtatago sa dibdib ko. Hinawakan ko ang ulo niya at sinubukan kong tingnan ulit siya.
“Sige po, Mom.” Tumayo na siya at nagbigay galang pa siya sa aking ina. Civil naman ang trato nito sa kanya. Bumalik naman na siya sa trabaho niya at hindi pa rin gumagalaw si Meriah.
Hanggang sa ako na ang sumuko at inaya na siyang maglakad-lakad. Iniwan ko roon ang dalawa at si Red ay naka-share na ng upuan kina Xena na naka-observe sa paligid.
Ginanap sa municipal ng Laguna ang medical mission nila kaya naman marami ka pang makikita na kakaibang tanawin dito.
My Amor was wearing her baby blue sleeves and dark pants. Mainit dito kaya may maliit na puting bimpo siya sa likod niya na nakaipit sa kanyang damit. Nakatirintas naman ang kanyang buhok.
“Momma...” malambing ang tinig na tawag niya sa akin.
“Hmm?” tugon ko naman.
“I’m...hungyi...”
“Ay, wala pang lunch time, baby. Hungry ka na agad?” tanong ko at tiningala naman niya ako. Tumango-tango siya.
“What do you want to eat, hon?”
“Miyk, Momma...”
“Milk?”
“Yup.”
“Balik na tayo kay Mother kasi magmi-milk ang baby namin,” sabi ko at igigiya ko na sana siya pabalik nang hinila niya ang kamay ko.
“Momma, miyk.” Nang ituro niya ako ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng takot.
“This is just my suggestion, Senator Ferrara. Stop doing that, alam ko kung ano ang nangyayari sa kapatid mo. Kaya siya...kaya siya hindi makapaglakad ng diretso at ganoon siya... Dahil sa mga iniimbento mong mga gamot.”
“Ano naman ang kinalaman niya roon?”
“Aminin mo man sa akin o hindi. Alam kong hindi mo kapatid si Meriah. She’s your daughter and for her own health and safety, you need to stop that job and don’t try to test the medicine you’ve invent in your body. Hindi ikaw... Hindi ikaw ang unang mabibigyan ng komplikasyon. Ang bata... Ang bata na nakukuha mismo iyon mula sa ‘yo. Kung magpapatuloy ka pa rin sa ginagawa mo... Para mo na ring pinatay ang sarili mong anak. Kaya tinatanong mo ako kung bakit ayokong maging presidente ka ng bansa?”
“Si Meriah, hindi ko man alam kung sino ang biological father niya at naiintindihan ko kung bakit siya pinapakilala sa lahat na isang kapatid mo lang dahil iyon sa pagtakbo mo bilang presidente. Para makaiwas ka sa issue m Kaya kung gusto mong manalo sa botohan at walang magiging sagabal sa ‘yo. Pagtuunan mo ng pansin ang bata dahil kung hindi... Tuluyan din siyang hindi makakapaglakad nang maayos at puwede pa siyang...hindi makapagsalita. Kumpara sa ibang bata, kasing edad niya ay mas maliit siya at inaakala ng lahat na special child lang siya.”
Dahil sa sinabi ni Jaickel ay natatakot na akong i-breastfeed si Meriah. Saka oras na rin sana na hihinto na rin siya pero mas madalas ay hinahanap-hanap pa rin niya ito.
“Meriah...” Pero sa nagpapaawang mukha niya ngayon at kulang na lang ay umiyak siya ay makakatanggi pa ba ako sa kanya? Matatanggihan ko pa ba ang gusto niya? Eh, nagpapa-cute na nga siya sa akin ngayon?
Tumingin naman ako sa tent kung saan maraming tao na abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. May kalayuan ito sa amin. Tiningnan ko pa ang paligid at sinuri ang mga ito. Wala namang tao sa parteng ito.
Dinala ko sa bench ang anak ko at doon ako umupo. Good thing na mas mahaba ngayon ang coat ko at kasyang-kasya siya roon. Pinaupo ko lang siya paharap sa akin at matamis siyang ngumiti ng malaman na niya ang susunod kong gawin. Ibababa ko na sana ang isang strap ng sando ko ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Jaickel.
“Don’t do that. Hindi mo siya puwedeng i-breastfeed ngayon,” malamig na sabi nito. Wala pa naman akong sinasabi na ano o hindi ko pa inaamin sa kanya ang lahat at kahit may hint na nga siya ay hindi ko pa rin talagang maiwasan ang kabahan.
“Ano naman ang pakialam mo roon?” inis kong tanong sa kanya.
“Hindi puwede. Ni hindi ka pa naka-re-recover at parang may lason pa rin ang kumakalat sa buong katawan mo. Kaya bawal mong gawin ‘yan. Ikapapahamak pa rin ‘yan ng bata...”
“M-Momma...” Hinalikan ko ang sentido niya. Namumula na ang kilay at mata niya, nagbabadya na naman ang kanyang mga luha.
“Kailangan mong sumunod sa akin, Senator Ferrara. Hindi mo siya puwedeng i-breastfeed ngayon,” giit pa rin niya at sa puntong iyon ay umiyak na nga si Meriah.
“Bad doc! Bad ka po!” sigaw nito sa kanya nang umiiyak at nagulat siya sa reaction nito. “Momma...bad po siya, oh... Bad!”
“No...hon. Calm down,” pang-aalo ko sa kanya at mula naman sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko pa ang paghakbang niya palapit sa amin. “Huwag kang lumapit,” babala ko sa kanya pero masyado siyang matigas ang ulo dahil sinubukan pa rin niya.
Umupo siya sa tabi ko kaya nagtago na naman si Meriah na humihikbi na. Hinagod ko ang likod niya at masakit talaga sa tainga ang tinis ng boses niya.
“Meriah...”
“Don’t touch her.” Pinandilatan ko pa siya ng mga mata.
“Iharap mo na lang siya sa akin.”
“Ayoko,” tanggi ko at mas itinago ko pa ang muka ng baby ko. Hindi na niya puwedeng makita ito.
“Miamor...”
“Wala kang karapatan na tingnan pa siya. Umalis ka na lang dito,” pagtataboy ko pa sa kanya.
“Iharap mo siya sa akin,” utos pa niya.
“Kahit gawin ko pa ‘yon ay ayaw ka rin naman niya tingnan,” ani ko at sinubukan ko nga ang gusto niyang mangyari pero ayaw pa rin talagang tumingin sa kanya.
“Meriah, hey...”
“Umalis ka na, Dr. Jaickel. The last day ay binantaan mo pa ako na huwag na naming subukan pa na lapitan ang Mommy mo. Kaya sana...ganoon din ang gawin mo. Iwasan mo na rin kami katulad ng ginagawa ngayon ni Meriah,” malamig na wika ko.
“I tried... I tried to do that but I can’t...”
“What are you talking about?”
“Ayoko rin namang pumasok sa g**o ng pamilya niyo pero sa tuwing naaalala ko ang kapatid mo... At sa mga ginagawa mo ay nag-aalala ako.” May duda na nga siya na anak ko si Meriah pero bakit ang tawag pa rin niya ang kapatid ko?
“Bakit naman iyon ang nararamdaman mo? Kalokohan ‘yan,” nanunuyang saad ko pa sa kanya.
“Dahil siguro doctor ako at nag-aalala lang ako sa kalagayan ng bata. Kasi may alam ako sa nangyayari kaya bakit mananahimik pa ako kung mayroon naman akong puwedeng gawin?” tanong niya. Mukha namang hindi siya napipilitan lang o hindi siya nagsisinungaling. Kaya naman...
“May family doctor kami at hindi na kailangan. Salamat na lang,” ani ko.
Umiling siya at hinawakan ang kamay ni Meriah. Nagpupumiglas ito pero nang ilipat niya rito ang hawak niyang baby bottle ay napahinto ito sa mararahas niyang paggalaw at tiningnan ang bagay na nasa kamay na niya.
Sandali pa siyang napakurap-kurap at sumulyap kay Jaickel. Kumibot-kibot ang labi niya hanggang sa punasan nito ang mga luha niya.
“It’s okay... This is yours. Come on...” Umungot ulit ito at nag-iwas na naman. “What... happened? Hindi naman siya ganito dati sa akin, ah? May nangyari ba?” takang tanong niya.
“Ask yourself kung may ginawa ka ba sa kanya. O alalahanin mo kung ano ang mga sinabi mo sa nakalipas na mga araw bago kami umalis sa resto. Yes, mukha siyang special child pero mabilis siyang makaintindi sa mga bagay-bagay na nasa paligid niya. Tama nga na nahihirapan siyang maglakad ng mag-isa at maski ang pagsasalita ay nahihirapan din siya. Pero isang salita mo lang ay maiintindihan ka na niya agad,” mahabang paliwanag ko na ikinatigil niya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig ko na ang pagbuntong-hininga niya.
“I’m sorry... I’m very sorry, Meriah...”
“Akin na ‘yan.” Inagaw ko naman sa kanya ang hawak niyang baby bottle. “Saan mo naman ito nakuha, ha?”
“I bought this and I made this strawberry milk just for her,” he replied and looked away afterward.
“Just for her? May ibang bata ka bang gustong pagbigyan nito? Probably your patient?”
He shook his head. “Para ‘yan sa kapatid mo.”
“At ano naman ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa? O ang tamang itanong ko sa ‘yo, sino ang nag-utos na gawin mo ang bagay na ito? Hindi mo naman siya kaano-ano,” saad ko.
“Hindi ko rin alam ang dahilan at nasisiguro ko naman na lahat ng bagay ay hindi na kailangan pang bigyan ng dahilan,” katwiran pa niya.
“Whatever. Umalis ka na. Saka lang siya titingin paharap kapag napansin niyang wala ka na rito,” ani ko.
“Okay,” tipid na sagot niya lang and he stood up from his chair.
He was about to leave us but Meriah... “I hate you...”
Salubong ang kilay niya nang binalingan niya kami ulit. Matapang na humarap na sa kanya ang bibong bata.
“What? What did you say?” he asked her.
“I hate you, so much... You...you said...said... We’re maguyo...and you... You don’t want damay your Mommy... Bad ka po, bad ka... Momma said, hindi naman po kami maguyo. I hate you na...” humihikbing sambit nito at tinabig nito ang hawak kong baby bottle. Gumulong ito sa damuhan, may takip pa naman iyon. Kaya hindi bumuhos ang laman.
He stared at me with his eyes confused. “I told you,” I mouthed him.
“Meriah, it’s not like that.”
“Go! Just go and yib us ayon!” my daughter shouted.
“Meriah...”
“Go, go! Momma...ayis na po tayo here... Momma!” Mariin na napapikit ako dahil sa paghampas ng kamay niya sa kaliwang balikat ko. Namamaga nga ang balat ko roon kaya nararamdaman ko pa rin kirot no’n.
“Okay, okay. We’re leaving na. Let’s go.” Hindi ko na tinapunan pa nang tingin si Jaickel at kami na ang naunang umalis.
Iniwan namin siya roon nang nag-iisa at wala na akong pakialam pa sa tumatakbo sa isip niya ngayon. Basta aware na rin siya na ayaw na sa kanya ng sarili niyang anak. Na ngayon ay kinamumuhian na nga siya.
“Red, ang milk niya. Dali pakibigay sa kanya.” Nagmamadali naman si Red na kunin iyon.
“What’s wrong? Bakit umiiyak ang baby na ‘yan, Senator?” Xena asked me.
“Gutom daw,” sabi ko lang.