Chapter 27: Shot & secret
“EVEN she conducted this medical mission and she’s a senator of the country, she still has to line up because she is not the only patient here. Hindi lang siya ang nag-iisang taong suriin. Marami, mas marami ang nauna kaysa sa kanya,” he said coldly.
Nagulat pa sa kanya si Dra. Even dahil sa pagiging bulgar ng pagkakasabi niya, samantalang ako ay inaasahan ko na ito. I just shrugged my shoulder. Ano pa nga ba ang inaasahan ko na sasabihin niya? Ang mauna ako kaysa sa mga taong nakapila ngayon? At magiging mabait na siya sa akin?
“Puwede ko rin namang sundin ang gusto mo, doc. Ang pumila ako,” sabi ko. “I have all the time in the world na isa pa mahaba ang pisi ng aking pasensiya. So, don’t ‘ya worry, hindi ko naman uunahan ang mga pasyente mo,” I added with pambabara.
Tiningnan ko naman ang mga taong kasalukuyan na ring pumipila at dahil narinig nila iyon ay lahat sila nataranta. Kasi isang senator na gusto pa nilang paghintayin at pumila rin?
“N-Naku hindi na po, Senator Ferrara! Sige na po, ayos lang naman po sa amin ang mauna kayo. Wala pong problema iyon sa amin!” Nginitian ko ang isang matandang lalaki at tiningnan ko si Jaickel. Tumaas lang ang sulok ng mga labi ko saka ko siya palihim na inirapan, na siya lang ang tanging makakakita no’n.
Hindi naman siya nakakibo pa at hindi ko rin alam kung nahiya ba siya dahil pinagtanggol ako ng mga tao o sadyang nainis lang siya sa akin dahil pinagbigyan nga lang talaga ako dahil isa akong senator.
Umupo ako na ako at taas noong tiningnan ko pa siya. “Wala naman sigurong masama kung susunod ako sa gusto nila, ‘di ba doc? Nagmagandang loob naman po kasi sila, eh,” I mocked him. He just clinched his jaw.
I removed my gray coat at kinuha ko naman iyon ni Hersey. May ngisi sa labi niya at alam kong natutuwa siya sa mga pinapanood niya ngayon. I rolled up my blue sleeves to my elbow. She prepared the injection but she suddenly stop. Ilang beses na sinuri ang braso ko.
“What is this, Senator? Bakit namamaga ang parteng ito ng balat mo?” curious niyang tanong at ang tinutukoy niya ay ang kaliwang braso ko nga na namamaga pa. Dahil tinurukan ko iyon last week dahil sa bagong imbento kong gamot.
“This is nothing. Sa kabilang kamay ko na lang ang shot ko,” sabi ko at ibababa ko na sana ang sleeve ng damit ko nang may mabilis na humawak no’n. “What are you doing?” kunot-noong tanong ko kay Jaickel dahil siya ang humawak sa siko ko. Aba’t...
“I wanna see this...” seryosong sabi niya at napaigtad pa ako nang tumama ang daliri niya sa namamagang parte ng braso ko.
“H-Hindi na kailangan,” malamig na saad ko at babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan. Humigpit lang ang hawak niya roon.
Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at pinilit ko namang huwag lumingon sa kanya dahil sinuri niya ang kamay ko nang nakatayo lamang siya.
Malapit ang mukha niya sa akin dahil nakayuko rin siya. Nararamdaman ko tuloy ang init na nagmumula sa mga kamay niya na nakadikit naman sa balat ko.
“Saan mo ‘yan nakuha, Senator?” Dra. Even asked me. I cleared my throat at magsisinungaling na sana ako nang agad na magsalita si Jaickel.
“Nakuha niya ito dahil din sa injection. There’a complications with the injection you... Wait, hindi lang isang beses na nangyari ito.” Paano naman niya nalaman iyon?
“M-May bakas pa ng mga shot sa parteng ito. Naku po, Senator. Nagpapa-shot po ba kayo na halos araw-araw?” tanong pa ng doctora sa akin. I was about to say something when he rolled up my sleeve again, and this time ay sa kabilang braso ko na ang sinuri niya.
Binitawan na rin naman niya ako finally pero hinawakan niya lang ang baywang ko para alalayan akong tumayo at hinila na sa kung saan. Namimilog pa ang mga mata ko dahil walang pakundangan niyang ginawa ito sa harapan mismo ng maraming tao. Ang mga kasama ko ay hindi man lang pinigilan ang doctor na ito. Mas naaliw pa silang nanonood kung ano ang susunod na mangyayari.
Tahimik lang silang tumitingin sa amin na akala mo naman ay may drama silang napapanood dito. Grr.
“What the hell are you doing? Bakit ka ba basta-basta na lamang nanghihila sa akin at hindi ka ba nahihiya? Ang daming tao ang nakatingin sa atin!” asik ko sa kanya at sinulyapan ko pa ang mga tao na nakatingin na nga sa amin, kasama na ang mga doctor. Nagtataka siguro sa ginawa niyang panghihila at sa isang senator pa! Senator ng bansa!
“Gusto mong sabihin ko rin doon sa harapan nila ang mga nakikita ko ngayon sa katawan mo?” he fired back at agad akong nag-react.
“Excuse me? At ano naman ‘yang pinagsasabi mo na nakita mo sa katawan ko?” masungit na sabat ko. Kung makapagsalita ng ganoon ay akala mo naman may nakita nga siya?
“You’re a medicine inventor, right?” tanong niya. To be honest, hindi tunog na pagtatanong iyon dahil parang may nalalaman na siya.
“Paano mo naman nalaman ang bagay na ‘yan?” pagsusungit ko pa rin sa kanya.
“At para alam mo kung effective ba ang mga gamot na ikaw ang gumagawa ay una mong tinuturukan ang sarili mo at ikaw rin ang unang makakaalam sa bagay na iyon.”
“Ano ba ang gusto mong sabihin?” naiinis kong saad.
“Ginagawa mong testing ang katawan mo para sa mga gamot na hindi ka pa sigurado kung wala bang komplikasyon ang kapalit. Alam mo ba iyan na ang pinakadelikadong bagay na ginawa mo?” he said factly. I smirked at him.
“Alam ko. Alam ko na ang mangyayari pero wala ka na roon. Wala ka ng pakialam pa sa mga ginagawa ko,” ani ko.
“Pero ang katawan mo ang kinakawawa mo, alam mo ba?” Bakit mukha siyang nag-aalala kahit may kalamigan pa ang tinig niya? Ang hirap nga rin niyang basahin, ah.
I stepped towards him at unti-unting nagsalubong ang kilay niya. Nagtaka siguro siya kung bakit ako lumapit sa kanya.
“This is my body, wala kang pakialam kung ano man ang gagawin ko. Sa akin ang katawan na ito,” mariin na sabi ko at didistansya na sana ako sa kanya nang hinila ulit niya ako and this time ay wala ng taong nakakakita sa amin. “Ano ba ang ginagawa mo?”
Dinala niya ako sa isa pang tent at nagulat naman ang dalawang tao nasa loob. Itong tent na ito kung saan sila nagluluto at ano nga ulit ang ginagawa namin dito?
“Lumabas kayong lahat,” malamig na utos pa niya at mabilis na sumunod ang mga ito.
“Wala kang respeto,” komento ko pero hindi siya umimik. Pinaupo niya lamang ako at pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. Kumuha siya ng mainit na tubig sa basin at may dala na siyang maliit na bimpo. “Aanhin mo ba ‘yan?” naguguluhan kong tanong.
“Take off your cloth.” My eyes widened in shock.
“No way in hell,” I told him and stood up from my chair but he held my arm again.
“Kung hindi natin pupunasan ‘yan ng mainit na tubig ay hindi gagaling ang pamamaga at magiging kulay lila na ‘yan,” aniya at nang hindi na nga ako gumalaw ay siya na ang gumawa no’n. Ang hubarin ang suot kong longsleeve.
Malakas kong tinabig ang kamay niya at napahinto siya sa ginagawa niya. Nailang lang ako lalo na ang lapit ng mukha niya sa akin. “Kaya kong maghubad,” ani ko at tinanggal ko na isa-isa ang butones ng suot ko. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay nang mapatingin siya sa dibdib ko. Nag-iwas naman siya nang tingin nang makita ang pagngisi ko. “Alam mo? Hindi mo na dapat kailangan itong gawin, eh. Sa dami ng pasyente niyo sa labas ay bakit nagkusa ka lang gawin ito sa akin, ha doc?” nanunuyang tanong ko sa kanya.
“Just shut up and make it fast. Sinabi mo na rin naman, kailangan kong lumabas agad. Mas marami pang tao ang nangangailangan sa akin,” sabi niya pero hindi nawala ang nakakainis kong ngisi na ikinaigting ng panga niya. Nang matanggal ko na nga ang longsleeve ko ay sinadya kong ibato iyon sa mukha niya. “Fvck!”
“Sorry, hindi ko sinasadya, doc. Masakit na kasi siya kaya,” I reasoned out, and I’m referring to my arm. Ang white strap sando ko na lamang ang natirang damit kong pang-itaas. Kaya hindi na niya sinubukan pang tingnan iyon.
Tumikhim lang siya na kalaunan ay bumuntong-hininga. He looks problematic. The next thing I knew ay pinupunasan na nga niya ng maligamgam na tubig ang namamaga kong balat at sa buong oras na iyon ay sa kanya lang ako nakatitig kaya nakikita ko ang pagkailang niya.
Napapansin nam niya iyon pero wala lang sa kanya kahit pagmasdan ko pa siya buong araw. Hindi ko lang alam sa kanya, ah.
“Ang ganda na ng buhay mo sa Switzerland. Bakit naisipan mo pa ang umuwi? At nasaan na ang wife mo? Hindi mo ba siya kasama? Iniwan mo ba siya roon? Dapat ay hindi ka na bumalik pa.” Sinadya ko talagang tadtarin siya ng mga katanungan para mas mailang siya kung pag-uusapan namin ang tungkol sa nakaraan.
Oo, isang masakit na alaala iyon pero makakaya ko pa namang indahin iyon. Gusto ko lang din malaman ang magiging reaction niya.
“Why did you asked me that?” he asked me casually.
“I’m just curious. Kasi in-expect yata ng Mommy mo na magkakaroon na siya ng apo sa ‘yo. But it seems you failed her expectation, doc...” I said.
“Sa ‘yo ba... wala akong anak?” Natigilan naman ako sa biglaan niyang pagtanong. Lumakas ang kabog sa dibdib ko. Sa dami ng puwede niyang itanong sa akin ay bakit iyon pa?
A-Ano naman ang ibig niyang sabihin doon?
“Siraulo. Mukha ba akong may anak na? At sa ‘yo pa? Ha, in your dream,” supladang saad ko sa kanya. Matiim pa niya akong tinitigan at bumaba na naman iyon sa dibdib ko. Kinuha ko ang damit ko sa balikat niya at tinakpan ang aking dibdib. “You’re such a p*****t. Huwag mo akong tingnan ng ganoon!” I said and gritted my teeth.
“The last time I check, hindi ‘yan ganyan kalaki and this...” Napaigtad ako nang mariin na hinawakan niya ang pulse ko. Tinapik ko lang ang kamay niya.
“A-Ano naman ‘yan?”
“I don’t want to be assume but... You still breastfeeding the kid.” Feeling ko ay hihimatayin ako sa sinabi niya. Paano naman siya nakasisigurado sa bagay na iyon? Eh, wala naman siyang alam!
“You‘re kidding right? Or baka nakainom ka lang at lasing ka kaya kung ano-ano na ang mga pinagsasasabi mo riyan?” walang emosyon na sabi ko.
“This is just my suggestion, Senator Ferrara. Stop doing that, alam ko kung ano ang nangyayari sa kapatid mo. Kaya siya...kaya siya hindi makapaglakad ng diretso at ganoon siya... Dahil sa mga iniimbento mong mga gamot.”
“Ano naman ang kinalaman niya roon?”
“Aminin mo man sa akin o hindi. Alam kong hindi mo kapatid si Meriah. She’s your daughter and for her own health and safety, you need to stop that job and don’t try to test the medicine you’ve invent in your body. Hindi ikaw... Hindi ikaw ang unang mabibigyan ng komplikasyon. Ang bata... Ang bata na nakukuha mismo iyon mula sa ‘yo. Kung magpapatuloy ka pa rin sa ginagawa mo... Para mo na ring pinatay ang sarili mong anak. Kaya tinatanong mo ako kung bakit ayokong maging presidente ka ng bansa?” nanghahamon niyang tanong sa akin. Bukod sa may galit siya sa akin?
“A-Ano ba ang pakialam mo sa bagay na ‘yon?”
“Si Meriah, hindi ko man alam kung sino ang biological father niya at naiintindihan ko kung bakit siya pinapakilala sa lahat na isang kapatid mo lang dahil iyon sa pagtakbo mo bilang presidente. Para makaiwas ka sa issue m Kaya kung gusto mong manalo sa botohan at walang magiging sagabal sa ‘yo. Pagtuunan mo ng pansin ang bata dahil kung hindi... Tuluyan din siyang hindi makakapaglakad nang maayos at puwede pa siyang...hindi makapagsalita. Kumpara sa ibang bata, kasing edad niya ay mas maliit siya at inaakala ng lahat na special child lang siya.” Hindi ko nakayanan ang sinabi niya at nasampal ko siya sa pisngi niya. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang tawagin na ganoon ang anak ko. Wala siyang karapatan!
“Ang galing mong mag-imbento ng mga kasinungalingan. Sino ka para pagsabihan ako ng mga ganyan? Wala kang karapatan,” mariin kong tanong. Marahas akong tumayo at naglakad na palabas. May nabundol naman ako at kung hindi lang ako mabilis ay baka mawalan nang balanse ang isang bata... Naiiyak pa ito dahil siguro sa gulat at muntik na siyang mapahiga.
Bumaba naman ang tingin ko sa bata at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ito. “M-Meriah?”
“M-Momma... Hi...” nakangiting bati pa niya sa akin.
“What are you doing here, Meriah?” I asked her.
“M-Momma... Mothey... outside,” aniya na mukhang nagpapaliwanag pa. I glanced at Jaickel. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Bullshet, hindi niya dapat alam iyon!