Chapter 26: Medical mission
MAGILIW na kumain kasama namin ang mag-ina. Si Ma'am Sofiane ay kahit kumakain siya ay sinabayan niya sa pagdadaldal ang baby ko.
Tapos si Meriah ay akala mo naman nakahanap lang siya ng bagong friend niya dahil kinaksusap niya ito ng hindi siya nahihiya o natatakot man lang. Komportableng-komportable siya sa presensiya nito kahit ngayon niya lang nakita at nakilala. Hindi siya naiingayan kahit mas madaldal pa ito kaysa sa kanya.
Ang pagbungisngis niya lang at ang mahinang tawa ng lola niya ang mas maingay sa table namin. Ako at si Jaickel ay nanatiling tahimik habang pinapanood ang dalawa.
Si Ma'am Sofiane, sa pagkakaalam ko sa ugali niya ay mahirap kunin ang loob niya at hindi siya nakikipag-usap sa mga taong hindi naman niya kilala, na kahit kakilala man niya ay hindi rin naman siya palasalita talaga, pero ngayon. Habang kausap nga niya ang anak ko ay aakalain mo rin na ang carefree niya lang din. Wala sa kanya kung bata pa ang kausap niya.
"Bye... Tita Sofi..." masayang pagpapaalam ni Meriah sa lola niya at nagawa pa niyang kumaway rito. May matamis na ngiti pa sa labi niya. Ang boses niya ay sobrang lambing pa.
"Bye, Meriah. See you when I see you, dear. Where's my kiss?" Kumurap-kurap lang ako nang makita ang pagtulis ng labi ni Meriah at inilapit niya iyon sa pisngi nito. Kaya naman lumapad ang ngiti ng ginang. Natutuwa rin siya rito at lumuhod pa talaga para pantayan ang bata.
"Sige po, aalis na kami," paalam ko at hinawakan ko na ang kamay ng anak ko.
"Bye-bye, Tita Sofi..."
"Let's go, Meriah." Wala pa yata siyang balak na umalis, eh. Kulang na lang din ay kumapit sa dress ni Ma'am Sofiane para hindi na kami makauwi pa o isama na lamang niya ito. Hayst.
"Sige na, Meriah. Uuwi na raw kayo," natatawang sabi nito at sunod-sunod ang pagtango ni Meriah.
Tinalikuran na namin sila at hindi na ako nag-abala pa na tingnan ulit si Jaickel. Bahala siya. Hindi ko naman siya ka-close pa para magpaalam pa ako sa kanya. He's not important and he's no body.
"Bye po, Tita Sofi... Ingat..."
"What a sweet kid... Mag-iingat ka rin, Meriah. 'Kita tayo next time. " My daughter giggled even more.
***
I glared at Red when I saw her inside the car. "Bakit hindi mo na kami binalikan pa sa loob, ha?" malamig na tanong ko sa kanya at pinanliitan ko pa siya ng mga mata ko.
"Bakit pa? Nakita ko si Mrs. Amero sa loob. Alangan naman abalahin ko pa kayo roon? Huwag na lang. Pinagbigyan ko lang kayo na makasama sila," she fired back. I rolled my eyes. Hindi ko man ginustong na makasama pa ang mag-inang iyon dahil wala namang dahilan pa para lapitan sila at kausapin. 'Di ba?
"Hindi mo ba alam na sobrang close na sila sa isa't isa, Red? Dapat hindi na nangyari pa 'yon. Tss," reklamo ko.
"That's good news, Miamor. Hindi na sila mahihirapan pa na makuha ang loob ni Meriah at huwag mo siyang pagdamutan ng karapatan."
"Hindi naman nila makikilala pa ang anak ko bilang lola ni Ma'am Sofiane at si Jaickel naman... Wala siyang karapatan na kilalanin niya si Meriah na anak niya," mahinang saad ko.
"Miamor. Alam mo naman na walang sekreto ang hindi nabubunyag," sabi niya. I know that thing.
"Paninindigan ko 'yon, Red. Hindi ko pa rin aaminin at sasabihin sa kanila ang totoo. Hinding-hindi..." malamig na wika ko dahil seryoso talaga ako. Seryoso ako sa mga sinasabi ko.
Maingat na inalalayan ko naman si Meriah para makasakay na siya sa kotse. Kinabitan ko pa siya ng seatbelt niya at isasara ko na sana ang pinto nang may pumigil no'n. Salubong ang kilay na nilingon ko ito.
Si Jaickel at ano naman ang ginagawa niya rito? "Ano'ng problema mo?" malamig kong tanong sa kanya.
Medyo kinabahan pa ako dahil baka may narinig siya sa sinabi ko kanina. Sana ay wala. Dahil hindi ito ang oras para malaman sila niya ang tungkol kay Meriah Amor.
"Nang makita ka ni Mom ay sana hindi mo na siya pinagbigyan pa na makausap kayo. Sana iniwasan mo na lamang siya para hindi na niya kayo kulitin pa," walang emosyon na saad niya. Sa sinabi niya lang ay may kung ano ang pumipiga sa dibdib ko.
Hindi naman pala siya pabor na makausap namin ang kanyang ina. Sana lang ay inaya na niya sa ibang restaurant ang Mommy niya nang makita na nga niya kami. Hindi 'yong pagsasabihan pa niya ako ng ganito. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya. Sa akin pa niya sisisihin ang lahat? Wow, ang galing niya lang.
"What do you want? Nauna kami, alangan naman aalis kami sa sarili naming restaurant nang makita namin kayo? Kumakain ang kapatid ko at wala naman akong atraso sa inyo para...kayo naman ang iwasan ko. Ikaw at ang ina mo na lang sana ang umalis." May diin ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig ko. Bakit ang lamig na naman niyang makitungo sa akin? Well, ganoon din naman ang trato niya, eh.
Ang pagiging cold niya sa akin kahit na siya itong may malaking atraso sa akin.
"Ayoko lang na madamay sa magulo mong mundo ang Mommy ko." I laughed when he said those words.
"Seriously? Eh, ikaw ito ang nagsimula nang g**o, doc. Nakalimutan mo na ba? At nandito ka lang ba para sabihin 'yan sa akin? Don't worry, hindi ko naman seseryosohin ang sinabi ng Mommy mo sa akin. Ito na ang una't huling makakausap niya si Meriah and next time? Hindi ko na siya papansinin pa ayon din sa kagustuhan mo. Makakaasa ka naman sa akin, doc, eh," malamig na wika ko pa at isinara ko na ang pintuan. "Umalis ka na."
Umikot ako sa kabilang side ng sasakyan namin at sumakay na rin ako. Hindi pa rin siya umalis at nandoon pa rin siya nakatayo. Bahala siya kung ayaw niyang umalis diyan.
Naramdaman ko naman ang pagtingin sa akin ni Meriah kaya nilingon ko rin siya.
Kinabahan naman ako nang makita ang pamumula ng kilay at mga mata niya. Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "What's wrong, baby? May masakit ba sa 'yo, Meriah?" I asked her worriedly. She shook her head.
"M-Momma..." I unbuckled her seatbelt. Binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko. Saka ko siya marahan na niyakap.
"What is it, my Amor? You okay?" I asked her again and kissed her head. I even caressed her hair pero sa ginawa ko ay nagsimula na siyang humikbi. Ako ang nasasaktan kapag ganito siya.
"What happened?" nag-aalala ring tanong ni Red mula sa driver's seat. Umiling ako dahil hindi ko naman alam kung bakit biglang umiyak ang anak ko. Ayos pa naman siya kanina, eh.
"Meriah, huwag mo namang takutin ang Momma mo. May masakit ba sa 'yo, honey?" Tiningala niya ako at punong-puno na ng mga luha ang pisngi niya. Pinunasan ko ang mga iyon at hinalikan ang pisngi niya.
"A-Ayaw po sa akin ni doc, M-Momma?" humihikbing tanong nito sa akin, na ikinagulat ko ang dahilan nang pag-iyak niya. Nang hindi ako nakasagot ay muli siyang nagsalita. "Ayaw po da akin ni doc... K-Kasi...maguyo tayo, Momma?" Magulo kami? Iyon ba ang gusto niyang sabihin sa akin? Na magulo ang buhay namin?
Umiling ako. Habang nag-uusap nga kami kanina ng lalaking iyon ay nakikinig ang anak ko. Narinig niya ang lahat ng sinabi nito at naintindihan niya. Naintindihan niya ang bawat binigkas ng sarili niyang...ama. Hindi... Hindi ito ang gusto kong marinig ni Meriah, hindi ganito. Bata pa siya para maintindihan niya ang mga 'yon.
"It's not like that, hon... Hindi naman tayo magulo, ah. We're doing good, baby..."
"Sabi po niya... Maguyo tayo, M-Momma..."
"No, baby... Hindi naman iyon totoo, eh," umiiling na sabi ko.
"Maguyo po tayo, Momma..." giit niya.
"No, baby. Hindi tayo magulo. Nasa labas nga tayo, 'di ba? Kumakain ka pa ng spaghetti kanina. Wala namang g**o, 'no?" pag-aalo ko sa kanya at ilang beses kong hinalikan ang pisngi niya. Ayaw niyang tumahan, eh. Ginigiit sa akin na magulo nga kami.
"A-Ayaw k-ko na yin po sa kanya, M-Momma... Ayaw ko na sa kanya... A-Ayaw na ni A-Amoy..." umiiling na sambit nito.
***
Sa sinabi niya ay bumabagabag lang iyon sa akin dahil alam ko. Alam kong seryoso rin sa sinabi niya ang baby ko at baka kung magtatagpo man ang landas namin ulit ay hindi na babalik sa bibong bata si Meriah.
Kapag sinabi niyang ayaw na niya sa isang tao ay hindi na niya ito kakausapin pa at hindi mo na siya mapipilit na kaibiganin. Mahirap na rin siyang lapitan pa dahil magiging aloof na naman siya.
"MEDICAL mission? Bakit naman tayo nakasama riyan?" nagtataka kong tanong. Ibinalita sa akin ni Red ang tungkol doon.
Ito ang lalakarin namin ngayong araw at naka-schedule na rin daw ito. Si Dad mismo ang umasikaso ng lahat.
"That's necessary. That was also an order of President Ferrara, Miamor," she said and I shook my head. I don't understand.
"We are not doctors to go on that medical mission and this is not a rally to go to," pagdadahilan ko.
"Your dad is the one who conducted it. He also chose the hospital, which doctor he would hire. The medical mission is not out of town, it's just in Laguna. Remember that you didn't visit the patients when they were all discharged," she said and I just shrugged my shoulder.
"Okay," I just said. I don't have any choice.
Paano pa ako babalik doon kung nainis lang ako sa nagmamagaling na doctor na 'yon? Pasalamat na nga lang ako na natapos na rin ang issue namin after ma-interview ng mga media si Dad. Na understanding lang daw ang lahat ng nangyari. Tss. So I didn't bother anymore. It's also a miracle that he kept quiet about his plan to destroy me.
"Ano'ng dadalhin natin?" tanong ni Xena sa akin at si Red naman ang tiningnan ko.
"Sa atin ang budget, mapa-doctor man at pasyente. Naghanda rin ang daddy mo ng groceries." Ready nga talaga si Dad.
"Kailan 'to matatapos? Gusto ko nang umabot sa botohan," sabi ko.
"And if you win, your job will be even harder," Hersey said. I just sighed. I've chosen the path I'm on so I have no plans to back down. This is my fate, tss. Susunod pa rin ako sa yapak ng pamilya ko pero hanggang dito na lang din. Ako na lamang ang puputol sa kapalaran ng pamilyang ito.
Pagdating namin sa setting ng medical mission ay marami na ang taong sinusuri ng mga doctor. Limang naglalakihang tent agad ang naipatayo nila. Ang bilis naman nilang maghanda at sobrang aga rin ng mga doctor.
"Ang dami nila. Nahuli ba tayo?" Hersey asked. Sinipat ko naman ang wristwatch ko. 9:23AM pa lang naman. O sadyang maaga lang talaga ang mga taong ito.
"Si Senator Ferrara ba 'yan?"
"Siya ba ang dumating?"
"Hindi ba tayo nagkamali lang sa nakita?" narinig kong tanong nila.
At parang nahati lang sila nang masigurado nga nila kung totoong ako ba ang dumating.
"Hala. Totoong siya nga!"
"Magandang araw po, Senator Ferrara!" masayang bati pa nila sa akin na sinabayan pa nang pagyuko. Sanay naman ako sa ganitong trato sa akin ng mga taong nakasasalamuha ko pero nahihiya ako kapag yumuyuko pa sila.
"Magandang araw po. Kumusta kayong lahat dito?" nakangiting tanong ko. Hindi naman ako mapagpanggap at kailangan ko pangalawang mag-acting ng mabait? Totoo naman ang mga ipinapakita ko.
"Si Senator Ferrara nga!" sabi pa ng mga bagong dating.
"Ang laki po ng tulong na ibinigay niyo sa amin! Maraming-maraming salamat po!" tuwang-tuwang saad pa nila at isa-isa silang lumapit sa akin. Para magpasalamat at nakipagkamay pa sa akin. Mainit na tinanggap ko naman sila.
Nahinto lang ang pasasalamat nila sa akin nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang doctor. Na masyadong pakialamero.
"Bumalik na po kayo sa pila niyo. Nagsisimula na po kami," magalang na sabi nito na muntik ko nang ikaikot ng aking mata.
"Maraming salamat ulit, Senator Ferrara."
"Wala pong ano man iyon," wika ko at pinagtaasan ko ng kilay ang doctor.
"Xena?" Nilingon ko naman ang tumawag kay Xena. Si Dr. Kierson, akma niyang lalapitan ang asawa niya nang humarang ako. Hangga't kasama nila ako ay hindi ko hahayaan na may makalapit sa kanila.
"Bakit mo lalapitan ang bodyguard ko?" malamig na tanong ko sa kanya at sumenyas ako sa kasamahan ko na sumama sa akin. Sinulyapan ko pa si Jaickel para lang ikutan siya ng mga mata.
Ang ginawa lang namin ay magmasid at may mga tao rin ang lumalapit sa akin para pasalamatan ako. Dahil alam nila kung sino raw ang nag-conduct ng medical mission na ito at isa pa... Pati ang mga doctor ay binayaran namin ang serbisyo nila.
"Magpa-vaccine ka rin," wika ni Red sa akin at napatingin ako sa kamay niya. Tapos na rin ang shot niya.
"Ayoko nga. May family doctor naman kami," saad ko. Hindi ako nagpapasuri sa mga doctor na hindi ko naman gaano kakilala. Isa ito sa pinapaalala sa akin ni Dad. Hindi naman dahil wala kaming tiwala sa kanila pero... Hayst.
Hinila naman ako ni Hersey at namilog ang mata ko nang ilapit ako sa puwesto ng lalaking iyon.
"Hersey, ano ba ang ginagawa mo?" inis kong tanong sa kanya at lumiko ako pakaliwa kaya lumagpas kami sa puwestong iyon.
"Dapat doon tayo kay Dr. Jaickel."
"Are you crazy?"
"Sige na. Magpa-shot ka na rin para hindi ka tamaan agad ng sakit. Nandito naman na tayo at hindi naman ito libre. Ang dad mo mismo ang nagplanong ito. So..." pangungulit niya sa akin.
"Hindi. Hindi naman ako sakitin--"
"Doc, si Senator Ferrara po. Magpapa-shot siya, kaya puwede bang manguna siya sa pila?" Tiningnan ko naman ang doctor na naka-signed sa puwestong ito. Nasa kabila naman ang Jaickel na iyon kaya walang problema.
"Senator Ferrara..." Tumango lang ako bilang tugon. Pero nagawa pa niyang tumayo. "We meet again, Senator Ferrara. Kita mo nga naman ang tadhana, oh," sabi niya na ikinagulat ko pa. Pilit ko namang inaalala ang mukha niya. Pamilyar siya sa akin. "Wew, hindi mo ba ako naaalala? Ako ito..." Napansin niya yata ang paninitig ko sa kanya.
Ah, naaalala ko na siya. Isa pala siya sa kaibigan ni Jaickel. Si Dra. Evenna Baudelaire.
"Hi. Kasama ka pala nila," ani ko at nang tapos na ang isang sinusuri niya ay naglahad siya ng kamay.
"Oo, sige na maupo ka na. Magpapa-shot ka ba?" tanong niya na ikinatango ko naman. "Right. Maupo ka na rito--"
"Kailangan niyang pumila," sabat ng lalaking walang modo. "Kailangan niyang pumila," pag-uulit pa niya. Aba naman, hindi ako bingi para ulitin pa niya ang sinabi niya.