Chapter 25: Accidentally meeting
“WHERE the hell are you going, Red?” mariin na tanong ko kay Red. Bigla kasi siyang tumayo at may balak pa siyang iwan kaming mag-ina rito. Aba’t hindi ko siya hahayaan.
I’m not scared or something na maiwanan nga kami rito ni Meriah dahil lang kay Jaickel. Okay, the truth is umiiwas lang ako sa kanya. Iniiwasan ko lang naman ang mga yaong hindi mabuti sa akin.
Hindi naman gugustuhin ng iba na makasama po sa iisang lugar ang taong naging dahilan kung bakit naghirap ka noon. Na kung bakit nasaktan ka at pinamukhang second option ka lamang at hindi mahalaga. Na kayang-kaya kang palitan.
“Hindi naman ako aalis talaga. Sasagutin ko muna ‘to,” she said at ipinakita sa akin ang phone niyang nag-ri-ring. Walang sounds iyon dahil sanay siyang nilalagay iyon sa silent mode. Ayaw niya rin naman kasi na makaistorbo sa ibang tao.
“Eh, bakit kailangan mo pang tumayo? Sagutin mo na ‘yan dito. Mag-aalala ka pa talagang aalis sa kinauupuan mo,” ani ko ngunit inilingan niya lamang ako.
“In private, ang daddy mo ang tumatawag sa akin. Saglit lang ito,” pagdadahilan niya, alam ko na kung bakit kailangang private pa, kaya hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko siya mapipigilan kapag gusto niyang lumabas para lamang sagutin ang tawag ng daddy ko.
Bakit naman kaya tumatawag si Dad kay Red? May ipinapagawa na naman ba siya rito?
“Make it faster, Red,” I told her. Ayoko namang madaliin ang anak ko na kumain para lamang makaalis na rin kami rito. Masagana pa naman siyang kumain at ayokong putulin ‘yon.
Inabot ko ang drinks niya nang sinubukan niyang kunin ‘yon pero hindi niya nagawa. I kissed her head at nakangiting dinala ko ito sa mga kamay niya.
“'Yamat, Momma...” She’s just a kid at alam na niya kung paano pasalamatan ang mga taong tumutulong sa kanya. I’m proud of her.
“You’re always welcome, my Amor.”
“Naghintay ka ba nang matagal sa akin, son?” Natigilan naman ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon mula sa likuran namin ni Meriah.
Ilang taon ko na ring hindi narinig iyon at maging ang may-ari ng boses nito. Sigurado ako na kilala ko ang babaeng nagsalita. Hindi ko puwedeng makalimutan ‘yon, ah. Kahit ilang taon pa ang lumipas. Tandang-tanda ko pa siya.
“Dumating ka po on time, Mom. Have a sit.”
“Thank you, son.”
Bayolenteng napalunok na lamang ako. Parang nakakita lang ako ng multo sa inaasal ko ngayon. Ni hindi ako makatingin sa likod at parang naninigas ang katawan ko. Baka kasi makilala ako nito or baka hindi na rin naman. Sana lang.
Pero kahit ganoon ay hindi ko na sila sinubukan pang lingunin at tiningnan ko lang ang baby ko. I tried to smile. Marami na siyang nakain at nasa kalahati na ang spaghetti niya.
“Are you done, honey?” malambing na tanong ko sa kanya at hinawi ko ang hiblang buhok niya na tumatama sa kanyang mukha. Nakatali naman nang maayos ang buhok niya pero lumalagpas sa tali ang mga iyon.
“Hmm,” tugon niya sa akin na may kasama pang pagtango.
Tapos na nga siyang kumain at hindi pa kami makakaalis dahil tatambay pa kami rito. Nakagawian na niya na pagkatapos kumain ay ang drinks naman niya ang pagtutuunan niya nang pansin at pagmamasdan ang mga customer sa paligid. Tahimik niya lamang gagawin iyon.
Makakaalis din kami kapag nafi-feel niyang sobrang maingay na at hindi na niya rin nakakayanan pa ang ingay.
Maingat na pinunasan ko ulit ang gilid ng labi niya at sumandal naman siya sa headrest nito. Simisimsim pa rin siya ng drinks niya.
“I would like to order a pasta and some vegetables salad with rice,” I heard the girl said.
“Spaghetti for me and apple juice,” the other boy said. Tumaas ang kilay ko. Hindi naman ako naninibago sa kanya na kung bakit ganoon ang order niya. Dahil nasanay ako na spaghetti ang favorite food niya, kasabay ang apple juice.
Si Meriah, ganoon din ang madalas na kinakain. Well, lahat naman ng mga tao sa mundo ay unang pagkain na pinakagusto nila ay ang spaghetti. Kaya no wonder na ito rin ang nagustuhan ng anak ko. Walang kahulugan iyon, wala.
“Ayaw mong mag-rice, Ckel?” his mother asked him.
“I already done eating my lunch awhile ago, Mom. But I’m craving for spaghetti. So...”
“Okay...”
I tried not to listen sa conversation nilang dalawa but dámn it, dude. How could I do that kung malapit lang talaga sila sa amin? Ang hindi ko lang magawa ay ang kumilos nang hindi naman ako napapasin ng Mommy ni Jaickel. Yeah, siya ang kasama ngayon ng lalaking ito. Dahil alam ko na kahit sa maliit na paraan lang nang paggalaw mo ay mapapansin at mapapansin ka niya.
Ipinagpasalamat ko na lamang na hindi na rin naging creepy pa ang doctor na panay ang sulyap sa amin. Kapag nagkataon kasi ay baka tuluyan ko nang makukuha ang pansin ng Mommy niya. Ayoko nang makipag-interact pa sa kanilang mag-ina. Dahil wala na kaming connection pa sa kanila.
“Wait... She seems very familiar...” Humigpit ang hawak ko sa headrest ng upuan ng aking anak nang marinig ko ang sinabi nito.
“Mom, what is it?”
“This...she’s Amor? It’s you, right Amor?” Mariin akong napapikit nang ako na ang tinutukoy niyang pamilyar. Huminga ako nang malalim at lilingunin ko na sana sila pero si Meriah naman ang nagsalita.
“Hmm? What izz it?” my daughter asked her. Naka-highchair pa naman siya kaya makikita siya agad nito.
“Ha?” gulat na tugon naman nito sa anak ko.
“Am... Amoy...” Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa sinabi na naman ni Meriah.
“Amor?”
“Yez, am... Amoy...”
“Amor?”
“Tss...”
“Meriah, hey...” Ibinalik ko siya sa pagkakaupo niya dahil nakita ko mismo ang pag-ikot ng eyeballs niya. Hindi siya dapat makitungo nang ganito sa ibang tao at...
“Sowy po, Momma...” nakangusong sabi niya.
“It’s okay, honey...” Tumayo naman ako para batiin ang Mommy nito. “Good afternoon po, Ma’am,” formal na bati ko sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita at titig na titig pa siya sa anak ko. Nakikita ko ang gulat na reaction niya.
“Good afternoon. So, it’s you. Hindi nga ako nagkamali. Long time no see, Amor...”
“Miamor po.”
“Po?” At nakikisabat pa ang Amor ko. Akala niya siguro ay siya ang tinatawag na Amor.
Paano ba naman, sanay rin siyang tawagin na ganoon. Pero bago siya ay nauna na akong tawagin mismo ng Lola niya... Ang Lola niya... Natatakot ako na baka may malalaman ito. Sana lang ay wala.
Hindi ko alam kung paanong nagsi-share na kami sa iisang table. Nakita ko na lamang ang sarili ko na kaharap ko na ang mag-inang ito. Ang alam ko lang ay kinakabahan ako habang kausap ko sila. Hindi na bumalik pa si Red, si Meriah naman ay panay ang pagsimsim niya ng drinks niya na mukhang paubos na rin.
Nakatingin siya sa bagong mukha na ngayon niya lang din nakita. Ang Mommy naman ni Jaickel ay pabalik-balik ang tingin sa aming mag-ina.
“You’re the owner of this restaurant, may I right Amor?” she asked me.
Bago pa man din makasagot si Meriah ay inunahan ko na. “Yes po,” I answered as I nodded.
“This is my favorite place, actually. Ang ganda ng service niyo rito, mabilis ang pag-serve niyo at hindi nakababagot,” sabi niya. “Masarap din ang foods niyo, especially the pasta.”
Bilang owner nga ng resto na ito ay natutuwa ako sa magandang feedbacks niya. Mas mahalaga sa amin ang komento nilang mga customer para naman malaman namin na kung may kulang ba o mali ang pamamalakad namin sa resto. Para maiba namin at may madagdagan din.
“Thank you, so much, Ma’am,” nakangiting sabi ko.
“You used to call me tita. Why are you so formal, Amor?” nagtatakang tanong niya sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kailangan ko pa ba siyang tawagin na tita? Eh, hindi na nga kami nagkakausap pa simula nang maghiwalay kami ni Jaickel at wala ng dahilan pa para...tawagin pa siyang ganoon, hindi ba?
“Mom... She’s still a senator. It’s normal that she’s very formal as she treated us,” Jaickel reasoned out. Hindi na lamang ako kumibo pa. Dahil iyon din naman ang totoo at ang nararapat.
“Oh... I missed the old Amor,” she said. Hindi ko alam kung malungkot ba siya or what.
Napaigtad naman ako sa gulat. Kimi akong ngumiti nang marinig ko ang tunog ng pagsipsip ng straw ng aking anak at naubos na nga ang drinks niya.
“I’m sorry po,” hinging paumanhin ko sa kanila at binalingan ko nang tingin si Meriah.
“It’s fine.”
“Momma?” tawag niya sa akin at inabot ang walang laman na malaking plastic cup. Kinuha ko ‘yon at inilapag sa table.
“Nakikita ko siya sa mga TV news, especially sa rally niyo. She’s with your Mom. Tama nga ang sinasabi ng mga tao na mas malaki ang pagkakahawig nito sa ‘yo at mas close rin kayo sa isa’t isa,” sabi niya na nagbigay pa rin ‘yon ng pangamba sa akin.
“Yes, but Ma’am, madalas po siyang kasa-kasama ng mother ko. Bihira niya lamang po ako nakakasama at nakikita kaya kapag nakita po niya ako ay hindi na siya aalis sa tabi ko,” my explanation. Gusto kong isipin na lamang nilang mag-ina ‘yon.
“Really?” she asked as if hindi pa siya makapaniwala kaya tinanguan ko na lamang. “What’s her name?”
“Meriah Amor po...” sagot ko.
“Meriah Amor...”
“How old she is?”
“Three years old.”
“Ang laki ng gap niyong magkapatid. Mabuti at nasundan ka pa ng parents mo. Let me guess, susunod siya sa yapak mo. There’s no doubt na ikaw ang mananalo sa botohan. I’m rooting for your successful, Senator Ferrara,” she said sincerely. Wala sa sariling napatingin tuloy ako sa katabi niyang nakaupo na sa akin na pala ito nakatitig. I looked away and I cleared my throat.
Samantalang ang anak po ninyo ay ayaw akong maging presidente ng bansa. Isa siya sa against sa pagtakbo ko. Kaya sinisiraan niya rin ako.
“Thank you, Ma’am but... Sa akin na po mapuputol ang pagtakbo ng pamilya ko sa politika. Hindi ko na po idadawit ang kapatid ko. Gusto ko pong makuha niya ang mga bagay na gusto niya at matupad ang pangarap niya. Mas gugustuhin ko pa rin po ang mapayapa niyang buhay at malayo siya sa g**o,” mahabang sambit ko.
Ipangangako ko ito sa anak ko. Na hindi siya matutulad sa akin. Na naiipit lang din sa sitwasyon at hindi magagaya sa akin na labag sa kalooban ko ang sundan ang yapak ni Dad. Na hindi ko gusto ang landas na pinili ng sarili kong ama. Para lang ipagpatuloy ang tila tradisyon ng aming angkan. Sa akin na mapuputol ang lahat ng iyon.
“Hmm, you’re just like a Mom na kapakanan ng kanyang anak ang iniisip. Her future...”
“Momma...”
“Hindi mo ba ako ipakilala sa kanya?” tanong nito sa akin. Napahinga ako nang malalim. May magagawa pa ba ako?
“Meriah...” I uttered my daughter’s name. Hindi ko alam kung sa ano’ng paraan ko rin silang ipakilala sa isa’t isa. Ano ba ang dapat itawag sa kanya ng bata?
“Po?” tugon naman niya sa akin.
“Let me. Hey, Meriah Amor. I’m Sofiane Mendique Amero, you can call me Tita Sofiane whatever you want, honey...” Bakit ganyan siya? Bakit mukha siyang masaya na makipag-usap sa aking anak? Bakit may ngiti pa siya sa labi niya?
“Tita... Tita Sofi?” patangong saad nito.
Ma’am Sofiane suddenly laughed. “Did you heard that, son? Binigyan niya ako ng nickname. Sofi... Parang teenager lang ako. I love it, Meriah. You’re such a wonderful kid,” she said at biglang lumipat naman sa lap ko si Meriah. She buried her face on my chest.
Isa lang ang dahilan nito. Nahihiya siya. Nahihiya siya kapag pinupuri siya ng ibang tao dahil hindi naman siya sanay. Mabuti na lang din ay pinansin niya ito kasi may mga pagkakataon na hindi niya binibigyang pansin ang mga taong gusto siyang makausap at makilala.
“Amor...”
“What happened?” naguguluhan na tanong nito sa akin. Nagulat siya sa inaakto ng baby ko.
“Nahihiya lang po siya,” sagot ko.
“Ah, it’s okay kung madalas tayong magkikita, Amor?”
“Mom,” suway ng kanyang anak sa kanya.
“Puwede ko bang mahingi ang personal cellphone number mo? I know you’re a busy person. But I can still wait for your free time. Marami akong oras.”
“But Ma’am...”
“Call me Tita again, please Senator Ferrara?”
“Po?” gulat na saad ko. I don’t think so... Kung kaya ko pa ba siyang tawagin ni Tita at kung kaya ko pa rin ba siyang pakitunguhan na ayos pa sa amin ang lahat. Parang hindi ko na kasi kaya pa...
Maaalala ko lang... Maaalala ko lang ang sakit na idinulot ng kanyang anak sa akin. Hindi ko naman iyon makakalimutan. Kahit ano’ng gawin ko ay maaalala at maaalala ko pa rin ang mga sakit na ‘yon.
“Please? I’m a retired Psychologist doctor, so... ma-bo-bore lang ako sa bahay with Ckel’s father. Ayoko rin sa mga amega ko dahil inggitin lamang nila ako sa kanilang mga apo,” sabi niya at dahilan na sumikip ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa sinabi niya na iinggitin lamang siya ng mga amega niya dahil may mga apo na ang mga ito.
“Mom...”
“Nag-iisang anak lamang namin si Ckel at kahit nag-asawa na siya ay hindi man lang sila nagkaroon ng anak.” Sa sinabi naman niya ay lumipat ang aking tingin kay Jaickel. Ni hindi na rin siya makatingin sa akin nang diretso.
Paanong nangyari na hindi sila nagkaroon ng anak? Ang tagal na nilang mag-asawa. Bakit?
“Mom, kailangan pa ba po ‘yan sabihin?” Kahit ang pag-usapan ay nahihiya siya?
“Iniisip ko na rin na baka baog siya,” diretsong sabi nito at walang halong biro iyon. Nag-init lang ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi naman baog ang anak niya. Isang patunay na si...
Bumaba ang tingin ko sa baby ko. Hindi po siya baog, Ma’am... Anak po niya si Meriah, dugo at laman.
“I’m not, Mom.”
“That’s what I thought, son. I like his wife, hindi naman ako against sa pagpapakasal nila dati. Kilala mo rin naman siya, right?” Tumango lang ako bilang tugon. “Ang batang ‘yon. Kailangan nga niya ng isang kaibigan na handa siyang damayan sa madilim niyang mundo. Isang kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya huhusgahan nito. Na maiintindihan ang sitwasyon niya.”
“B-Bakit po niyo sinasabi ito sa akin, Ma’am?” tanong ko. Naka-cu-curious dahil bakit nagpapaliwanag siya sa akin?
“Gusto ko rin magbago ang pananaw mo sa kanya, Senator Ferrara. Ang batang iyon ay kilala man na kontrabida sa mga mata ng ibang tao ay alam natin pareho na may dahilan kung bakit siya nagkanoon. Alam naman natin na may simula ang pagiging masama niya at lahat ng tao sa mundo...may imperfections. Sa case niya... Hindi ang anak ko ang makakatulong sa kanya.”
Parang bumaba na rin ang tingin ko sa sarili ko. Dahil maski ako ay nagawa ko na ring husgahan ang babaeng iyon. Ayon din naman sa nakikita at nakasanayan ko.
Tama si Ma’am Sofiane. Psychologist doctor siya, malalaman pa rin niya ang pinagdadaanan nito. May katotohanan ang mga sinabi niya. Hindi natin puwedeng husgahan ang isang tao na nakikita lang natin sa palabas na anyo... Dapat kilalanin natin sila ng mabuti. Sa loob mismo ng kanilang mga puso at alam ang buong kuwento nila.
Hindi iyong nagpapadala rin tayo sa mga kuwento ng ibang tao na hindi pa alam kung ano rin ba ang totoo at kasinungalingan.
“Gusto ko pang makilala ng lubos ang kapatid mo. Sana... pahihintulutan mo ako, Senator Ferrara...”
“Mommy, wala po silang oras para riyan...”
“No... Ako na nga ang maghihintay sa free time nila. Kapag kasama ko sila, ngayon pa nga ay pakiramdam ko may apo na ako,” sabi niya na ikinagulat ko. Parang namutla lang ako sa gulat. Paanong iyon ang kanyang nararamdaman? “Ayos lang ba, Senator?”
“Kung ‘yan po ang gusto niyo, Ma’am...” pagsuko ko na ikinangiti niya nang malapad. Sa ganoon lang ay napangiti siya.