CHAPTER 24

2257 Words
Chapter 24: Suspicion (Meriah) “MERIAH...” Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at pinukulan ko pa siya ng masamang tingin. “Ang kapal ng mukha mong hawakan ako. Wala kang karapatan,” malamig na saad ko. Nanggigigil ako sa sobrang galit sa kanya dahil nahawakan na naman niya ako. Grr. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan kang matumba at madagdagan ang pilay mo, ha Senator Ferrara?” Bakit feeling ko lang ay labag sa kalooban niya na tawagin niya akong senator? “Wala ka nang pakialam pa roon,” laban ko sa kanya at nilapitan ko na ang anak ko. “Let’s go, Meriah,” pag-aaya ko kay Meriah. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagbungisngis niya at pumapalakpak pa siya. Ano naman kaya ang dahilan at pumapalakpak siya? Tss. “Momma... Yie...” “'Tong batang ito, eh. Let’s go home...” Naglahad ako ng palad sa kanya na mabilis naman niyang tinanggap. Kahit naaaliw akong tingnan siya dahil may multong ngiti nga siya ay binalewala ko na lamang iyon. Mamaya ko na siya pupurihin at isusumbong ko siya kay Mommy. Ang bata-bata pa ay marunong na sa ganito. I’m sure na hindi niya ito nakuha mula sa akin, dahil hindi naman ako ganito. “Bye...bye, doc...” I rolled my eyes. Bakit kailangan pang magpaalam ng baby ko sa doctor na makapal ang face? Hindi naman namin ito ka-close. “Don’t bye-bye him, Meriah,” ani ko at inosenteng sinulyapan lamang ako nito. Wala rin siyang pakialam sa sinabi ko. “Wait. May nakalimutan ka, Senator,” sabi niya at walang ganang tiningnan ko lang siya. May pahabol pa talaga siya? “Wala na akong nakalimutan pa,” masungit na sabi ko at kinuha niya ang dala kong bouquet. Iyan yata ang tinutukoy niyang nakalimutan ko. “This...” “Sa ‘yo ‘yan, peace offering,” ani ko. “Peace offering? I don’t like this. Hindi ako mahilig sa bulaklak. Hindi ka na dapat nag-abala pa. Public apologize ang gusto ko, hindi peace offering,” sabi niya at halata sa boses niya na hindi nga niya gusto ang bulaklak. Tapos ang demanding niya masyado. Ayaw niya sa peace offering? Mas gusto niya ang public apologize? Ha... In his dream. “Itapon mo na lang kung ayaw mo. Hindi na sa akin ‘yan,” saad ko at binuksan ko na ang pinto, “And you know me. Wala sa vocabulary ko ang mag-public apologize. Excuse us...” Humigpit ang hawak sa akin ni Meriah, hinigpitan ko rin ang sa akin. “But on second thought. I will keep this because I know... Hindi mo rin gusto ang ganitong klaseng bulaklak. I appreciated this,” he said and when I looked at him again ay kinuha niya ang vase ng fake flowers at inilipat niya ang white tulips. Nakasunod lang din ang tingin ko sa kanya. Kinuha niya ang bottled water niya at binuhusan ng tubig ang vase. Bakit yata lumalambot ang puso ko sa mga nakikita ko lang? Tss. “Thanks for this, Senator Ferrara.” Sincere man iyon o ano ay wala na akong pakialam pa. Hindi na importante pa sa akin kung nagpapasalamat siya dahil na-appreciate naman pala niya o ano... “Whatever,” I said. “Wait, about Meriah...” Nahinto na naman ang pagbukas ko sa pintuan dahil sa pagbikas niya ng pangalan ni Meriah. “Aalis na kami. Ano pa ba ang kailangang mo, ha?” inis kong tanong sa kanya. I heard his footsteps, lumalapit na naman siya sa amin. “Ano na naman ba? Ano ba ang pakialam mo sa kapatid ko?” “Naiintindihan ko ang galit mo sa akin. Pero... gusto ko lang malaman kung bakit... Mas gusto ng kapatid mo na makasama ka kaysa sa Mommy niyo?” Tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil sa tanong niya, halata ang curious doon. Nag-overthink ba siya ng malala? Dahil balak ko na nga siyang mag-overthink na hindi naman siya sigurado kung ano. “Kasi... mas close kami ni Meriah?” patanong na sagot ko at nagsalubong lang ang makapal na kilay niya. He place his hands on his doctor’s robe. “I’m a doctor. I can observe anything. Kahit na close pa kayong magkapatid ay sasama pa rin siya sa Mommy niyo at hindi sa ‘yo na ate lang niya... and besides, hindi ate ang tawag sa ‘yo ng bata. Why is that?” tanong pa niya. Bakit ba interesado pa siyang malaman niya ‘yon? Hindi naman iyon mahalaga pa sa kanya at wala na siyang pakialam sa amin. “Hmm. Curious ka?” nang-aasar na tanong ko at bumaba ang tingin ko kay Meriah. Yakap-yakap na naman niya ang baby doll niya. “My Amor...” “Hmm, Momma?” mabilis na tugon niya at nag-angat nang tingin sa akin. Hindi niya paghihinalaan ang anak ko na siya ang biological father nito dahil wala kahit ni isang katangian itong nakuha mula sa kanya. Puwede nga siyang maghinala na hindi naman talaga ako ang ate nito. But poor him, wala akong sasabihin sa kanya at hindi niya malalaman ang katotohanan. “Panoorin mo kami,” sabi ko na may paghahamon pa sa boses. Hindi siya kumibo at nanatiling mariin lang nakatiklop ang bibig niya. “Baby... Ate mo ako, ‘di ba?” nakangiting tanong ko sa kanya. Ngumuso siya at umiling. “No po... Yoy my Momma. My Momma,” sagot niya. Nilingon ko si Dr. Jaickel. “Hindi niya raw ako ate, Momma niya raw ako,” nakangising saad ko. “What do you think? May gusto ka pang itanong sa akin?” tanong ko sa kanya. “What do you mean by that?” nalilitong tanong pa niya. Sige lang mag-overthink ka. “Hmm. Ewan ko rin,” sagot ko at tuluyan na naming iniwan ni Meriah ang doctor na iyon sa loob ng clinic siya. Bahala na siya buhay niya. Wala na rin akong pakialam pa sa sasabihin niya at sa hinala niya na kung bakit mas malapit si Meriah sa akin. Isa lang naman ang dahilan kung bakit, she’s my daughter. That’s it. “Momma...” “Kumain ka na ba, baby?” I asked her. “Kumain?” balik na tanong niya na ikinatango ko. “Oh, I want spaghetti, Momma.” Sometimes, parang normal three-years old baby lang siya at hindi bulol magsalita. “As you wish, love...” *** Sa Amor restaurant kami agad nagpunta at nang malaman din ng dalawa kung nasaan kami ay agad silang pumunta. Inasikaso kami agad ng staff ko at kahit hindi ko na sinabi pa sa kanila ang order namin ay agad na silang nagpa-serve for us. “Ano na ang gagawin mo sa scandal na lumabas, Miamor?” tanong sa akin ni Xena. Nagkibit balikat lamang ako. “May plano ka ba kung paano mo mahihinto iyon? At bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoong nangyari?” Hersey asked me. I know they are worried. They consider me as their friend na rin kasi. “Wala akong gagawin, and no big deal. Lilipas din ang issue. Sa ngayon ay mainit pa nga ang balitang iyon pero balang araw, makakalimutan din nila,” paliwanag ko sa kanilang dalawa. “Let me help you to find that culprit,” Xena volunteered. I nodded my head. “Ang sabi ni Dad ay siya na raw ang bahala pero sige, ikaw na rin ang bahala riyan, Xena.” “Ako? Ano ang puwede kong gawin?” Si Hersey. As expected, hindi siya sanay na walang ginagawa. “Wala, kumain na lang kayo,” sabi ko at mahinang tumawa dahil sa pag-irap niya sa akin. Pinagmamasdan ko lang si Meriah. Kumakain siya ng spaghetti nang siya lang ang nagsusubo sa sarili niya. Makalat siyang kumain dahil naiwan sa gilid ng mga labi niya ang sauce nito. “Si Cyan ang tatawagan ko to investigate the incident,” Xena said. “Do you want me to turn down the videos, Miamor?” “Kaya mo ba? Sige lang.” Kumuha ako ng isang kapirasong table napkin at pinunasan ko ang labi ng baby ko. “Ang dungis mong kumain, ‘nak,” komento ko. Ipinakita niya lamang sa akin ang maliliit niyang ngipin at ipinagpatuloy lang niya ang pagkain niya. “Ang restaurant na ito. Sinadya mong ipatayo para kay Meriah Amor?” tanong sa akin ni Hersey. “Yeah. Hindi pa naman siya ipinapanganak sa mundong ito ay nakatayo na ang restong ito rito,” I replied. “Hindi mo talaga sasabihin sa amin kung sino ang biological father niya?” giit na tanong sa akin ni Xena at nang binalingan ko siya ng tingin ay ‘saktong napako ang mata ko sa entrance ng restaurant. Nawala ang emosyon sa mukha ko nang makita si Jaickel. Ano’ng ginagawa niya sa lugar na ito? Ang akala ko ba ay tapos na siyang kumain ng lunch niya kasama ang babaeng doctora na si Lucianne? Naghintay pa nga kami roon sa lobby ng hospital, ‘di ba? Tapos ngayon ay makikita ko lang siya na nandito sa Amor restaurant? Nagutom ba siya ulit kaya siya nandito? Pero...ang layo naman yata ng hospital nila, ah. Well, hindi naman sa malayo talaga. Mag-iiwas na sana ako nang tingin sa kanya but it’s too late, nahuli na niya ako. Mukhang nagulat din siya sa nakita. I ignored him at pinagtuunan ko na lamang ng atensyon si Meriah. “Oh, Miamor. Si Dr. Jaickel iyon. Hindi magandang idea kung makikita nila na magkasama kayo sa iisang lugar,” saad ni Hersey. I agree, she’s right. “I agree,” segunda naman ni Red na kanina pa tahimik. Normal naman ang pagiging tahimik niya kapag kasama pa namin ang dalawang ito. Hindi naman siya mukhang OP. Dahil nakauusap niya sina Hersey and Xena. “Si Dr. Jaickel?” Xena asked. “Wala namang problema. Basta huwag lang siyang lalapit sa akin, sa amin ni Meriah and we’re good. Right? At walang magtatangkang kukuha sa kanya ng litrato na nandito siya sa resto ko,” sabi ko pa. Pagbabawalan din ng mga staff ko iyon. “Eh, bakit isasama mo pa si Meriah?” naguguluhan na tanong pa nila. I shrugged my shoulder. “But...you’re wrong, Senator Ferrara,” Xena blurted out at ngumuso siya sa kabilang table. Napasunod tuloy ang tingin ko roon. Nagtagpo ang mga mata namin at napairap na lang din ako sa huli. Ang daming vacant table, ah. Bakit ito pa ang napili niyang puwesto? Nang-aasar ba siya? “Baka mamaya niyan ay close kayo, kasi friend niya ‘yong asawa mong tukmol,” ani ko at mahinang humalakhak lamang si Xena. Baka kasi mag-take advantage ang gágo at lalapit siya rito sa amin. Or baka ako na naman itong nag-o-overthink ng mas malala pa? Nakalimutan ko na may asawa na at off limits na siya. “Hindi, ah. Hindi ko siya nakikita kaya,” she said. “Mabuti sa akin ay ibang hospital lang. Kaya ayos lang na magpunta sa de Cervantes hospital,” usal ni Hersey. “Yeah?” “Mauna na muna ako.” “Tita Xena?” inosenteng tawag sa kanya ng anak ko. “Yes, dear?” “Bye...bye...” “So cute, parang kailan lang ay hindi ka pa marunong mag-bye-bye,” nakangiting sabi ni Xena at hinalikan niya ang pisngi nito. Dumikit tuloy ang sauce nito sa tungki ng ilong niya. “See you later, Meriah.” “How about you, Hersey? Hindi ka ba magpapaalam sa akin? Ang alam ko ay stalker ka ng asawa mo,” ani ko at sa sinabi kong iyon ay agad na siyang tumayo. “Oo nga pala, mauuna na rin ako. Bye, Meriah,” paalam pa niya kay Meriah at hindi na siya ang humalik dito dahil nagkusa itong humalik sa kanya. “Manang-mana ka talaga sa Mommy mo,” sabi niya at pinunasan naman niya ang pisngi niya na may sauce ng spaghetti. “Hindi ka aalis dito, Red. Umupo ka,” mabilis kong agap kay Red at hinila ko siya pabalik sa kinauupuan niya. “Not now,” I warned him. “Tss...” “Kain ka lang, Meriah,” ani ko. Tumango-tango siya sa akin at habang kumakain nga ay nagpalinga-linga siya. Lahat ng customer sa loob ay pinasadahan niya nang tingin. When I looked at the other table ay nakatingin ang doctor sa anak ko. Malakas ang sense ni Meriah kaya mararamdaman niya na kung may isang tao ba ang nakatingin sa kanya. Kaya naman pala. I placed my arm on her seat para lamang hindi siya tumingin sa likod niya. Doon ko naman nakuha ang atensyon ni Jaickel pero walang emosyon ko lang siyang tiningnan. “What are you looking at?” I mouthed him, and I raised my eyebrow. He cleared his throat. “What Momma?” my daughter asked me. “Nothing, baby. Sige na, eat ka na at uuwi na tayo kay Mommy,” sabi ko at ako na ang kukuha ng kutsara niya. Hindi naman siya magreklamo na ako na ang susubo ng spaghetti sa kanya. “Sa tingin mo... A-Ano’ng ginagawa niya rito?” Red asked me. “Don’t ask me that, Red. I don’t care about him,” I told her. “Hmm, why?” she asked me back. I rolled my eyes. “May balak yata siyang lumapit sa anak ko. Hindi ko siya hahayaan, ha,” ani ko at mahigpit na kumuyom ang kamao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD