CHAPTER 23

2480 Words
Chapter 23: Argument “MOMMA?” I stilled when I heard my daughter’s voice. “Meriah?” I uttered her name and I looked at my daughter. “Momma...” “What are you doing here, Meriah?” I asked her in confused. Kasama naman niya si Mommy. Ang akala ko ba ay umalis na sila ni Mommy,? What are they doing here again? Nagkamali ba sa nabalitaan si Red? Nandito pa silang dalawa. “Love...” “Mom...” “Momma...” Bumitaw siya kay Mommy at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dire-diretso niyang paglalakad. Ni hindi siya nahirapan na humakbang. Ni hindi nga siya nabuwal sa pagtakbo niya. Malawak pa ang pagkakangiti niya. “My Amor...” When I tried to remove his hand on me ay hinayaan naman niya ako at hindi na pinigilan pa. I walked towards her. Oh, God my daughter. Please, hindi na siya puwedeng makalapit sa doctor na ito. “Momma...” Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Meriah at hinila ko siya pabalik kay Mommy. “Ano po ang ginagawa niyo rito, Mother? Hindi po ba ay umalis na kayo kanina pa?” mahinang tanong ko. Maiiyak ako sa stress sa kanila, eh. Wala rin naman akong idea na kung bakit sila nandito sa hospital kanina. Wala silang sinabi sa akin at isa pa ay hindi rin naman kaming nakapag-usap pa ni Mommy. “Ang apo ko, eh. Gustong bumalik dito, umiiyak kapag hindi ako susunod sa kanya. I’m sorry, love,” sagot ng aking ina at bumaba naman ang tingin ko sa anak ko. Nakatingala ito at may ngiti pa sa labi. Ni hindi naglaho ang magandang ngiti na iyon. Nakikita ko nga ang ilang butil ng luha sa pilikmata niya at namumula ang ilong niya. Napaka-spoiled niya talaga sa Lola niya. “Meriah,” sambit ko sa pangalan niya at hinawakan ko ang kanyang pisngi. Nangingiting ipinakita naman niya sa akin ang susi ni Jaickel. “Hmm... Keys, Momma...” “What are you gonna do? This is the keys... This is not yours, hmm?” Bumitaw naman niya sa akin. “Meriah. Hahakbang na sana ako para kunin ulit si Meriah nang pinigilan naman ako ni Mommy. Hinawakan niya ang siko ko. “Hayaan mo siya, love.” “But Mom... Hindi niya po kilala ang doctor na ‘yan,” saad ko. Iginigiit ko talaga sa sarili ko na hindi ko siya kilala kaya dapat lang na pagbawalan siya na lapitan ang aking anak. “No, love. Kanina nga ay nakita pa kita na kasama siya,” naaaliw na saad niomm. “Hindi po ganoon, Mother... Iba naman po yata ang naisip niyo, eh. Hinila lamang- “Shh...” putol niya sa akin para lamang patahimikin ako sa pagsasalita. “Here... Dizz is yours, right?” My eyes widened in shock nang magsalita siya na hindi na nabubulol pa. Maliban sa ginamit niyang katagang ‘dizz’ ay nagawa naman niyang sambitin ng tama ang letrang R. Ngayon ko lang siya nagsalita ng diretso at hindi nahihirapan na magsalita. “Oh...” Lumuhod si Jaickel para pantayan niya ang taas ng aking anak at hinawakan pa niya ito sa kanang balikat. “No...” umiiling na saad ko. “Anak, hayaan mo na muna si Meriah.” “But, Mom...” “Yes, why?” tanong ni Jaickel kay Meriah. Ibinigay naman nito sa kanya ang susi niya. “Here po... Sowwy... Keep it... Thanks...for hiyam mo sa akin... Doc...” After that ay nagmamadali na siyang bumalik sa amin kaya agad ko siyang sinalubong. Gulat pa rin ang reaction ko nang hawakan na niya ang kamay ko at sinulyapan ko si Jaickel. Nakatayo na siya at saglit na tinitigan pa niya ang hawak niyang susi. Hindi ako sigurado kung totoo ba ang nakikita ko na ngumiti siya. Pero nang mapatingin siya sa akin ay inirapan ko pa siya. Masyado yata siyang naaliw na kausapin mismo ang baby ko. Ha, ito na talaga ang huling pagkakataong na mapalapit siya kay Meriah. Hindi ko na siya pahihintulutan pa. “Mom, please. Umuwi na po kayo ni Meriah...” nagmamakaawang saad ko kay Mommy at maingat na hinila ko palapit sa kanya ang apo niya pero nagmatigas naman ang aking anak. “Meriah...” “Wait, love. What the fuss is going on outside, anak? Why are there so many people? Did something happen, Miamor? At bakit hila-hila ka rin ng lalaking kausap ni Meriah kanina? He’s the one in the interview, isn’t he? He is the one who started the mess and destroyed your image in the audience. Love, answer me...” “Mother, mas makabubuti pong umuwi na muna kayo. Si Meriah...” Pinipilit naman ni Meriah na agawin mula sa akin ang bulaklak. “Baby...” “Uhm... Mine po, Momma. Mine na po...” “No, hindi ‘to para sa ‘yo, dear... Mom, please.” “What is it, love?” “Iuwi niyo na po siya. Red, come here. Samahan niyo muna si Mommy at siguraduhin niyo na safe silang makakaalis sa hospital na ito. Maraming reporter sa labas at baka mahihirapan silang makalabas. Makikilala rin sila. Sige na, ilabas niyo na sila,” utos ko kay Red at sinenyasan ko ang mga kasamahan nila. Humigpit naman ang paghawak sa akin ng anak ko at sunod-sunod ang pag-iling niya. I shook my head too and she let go of my hand. “Meriah!” sigaw ko sa pangalan niya dahil tumakbo siya palayo sa akin at ang nilapitan niya ay ang lalaking pinakaayaw kong mapalapit ang loob niya rito. “Ayaw po, Momma...” sambit niya. Alam kong nagulat si Jaickel sa ginawa nito pero hindi siya nagsalita at hinayaan niya lamang ito na magtago sa likod ng binti niya. Hindi naman niya ito kilala, ah. Kaya bakit magtatago siya sa likod ng lalaking ito? “Meriah, isa... Come back here...” Napahilot ako sa sentido ko. Ang kulit na niya. “Huwag mo nang pagalitan. Ayaw niyang sumama sa Mommy niyo,” he said and I approached them. “Wala kang pakialam, doc... Doctor ka lang sa hospital na ito,” nang-aasar na sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ulit ang kamay ni Meriah para sana hilahin ulit siya pero ang tigas na ng ulo niya. “Meriah Amor!” Nagsimula siyang sumibi nang magtaas ako ng boses sa kanya. Ayaw ko lang naman na mapalapit pa siya rito at hindi ko talaga iyon hahayaan pang mangyari at talagang maiiyak siya dahil pinakaayaw niya ang pinapagalitan ko siya. “Anak, huwag mong ganyanin si Meriah. Don’t cry, love... Hindi galit sa ‘yo si Momma,” pag-aalo niya rito. “Meriah, hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo ngayon,” malamig na sabi ko at tuluyan na siyang umiyak. “Lumapit ka rito.” “I wanna be with you, Mommy... Pyes, Mom?” Napakurap-kurap ako nang panibagong kataga na naman ang lumalabas mula sa bibig niya. Tapos... tinatawag na naman niya akong Mommy sa harapan pa ng maraming tao. “Amor, tara na... Uuwi na kayo ni Mommy. Sige na,” giit ko at naglahad ako ng kamay para ayain na siyang umalis. “A-Ayaw ko po, Momma... Go po...go home po, Madey...” pagtataboy niya sa Lola niya at sinenyasan pa talaga niya ito. “Meriah...” “Pyes, Momma...” humihikbing sabi niya. “Love... Ayaw niyang sumama sa akin. Sige na, sa ‘yo na muna siya” I took a deep breath and I don’t have any choice but... Ang isama ko na lamang siya. *** Malamig at masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Magkaharap na kaming nakaupo ngayon at nagpadala pa siya ng coffee sa loob ng clinic niya. Hindi ko iyon iinumin. May kinakain din na biscuit si Meriah na kanina pang palakad-lakad at hinahayaan niya rin ito sa gusto ng bata. Wala siyang pakialam kung may mahawakan man ito na mga gamit niya na puwedeng aksidenteng masasagi ng anak ko. Dahil hinahawakan talaga nito. May mga pagkakataon pa na tahimik niya itong panonoorin at nakikita ko ang emosyon na pagkaaliw sa kanyang mata. Mukhang nasisiyahan nga siya sa presensiya nito. Tinapunan ko nang tingin ang cellphone ko at kababasa ko pa lamang ng article. Bagong scandal na naman daw iyon at nakuha pa ito dahil sa CCTV footage camera. Nakalimutan ko na i-check ang copy sa nangyari kanina. Kasi hindi ko naman naisip iyon na importante. Puwede rin palang gawing scandal especially iyong pareho kaming nakahiga sa hood ng kanyang sasakyan. Hindi lang naman iyon ang lumabas sa internet, dahil mas nauna ang pangyayaring muntik na kaming masagasaan ni Red kung hindi lang ako mabilis na nakailag at hinila ko pa ang kasama ko. “Sinadya mo ba ang lahat ng ito?” panimula ko at nakuha ko ang atensyon niya dahil do’n. “What?” tanong niya na parang nabigla pa. Ibinaba ko naman ang cellphone ko sa table at tiningnan niya iyon. “May bago na namang article ang lumabas sa internet and this time... Wow, ang eksenang iyon ay nangyari mismo kanina. So, paano mo ipaliliwanag ito sa akin? Pakiramdam ko nga ay ikaw talaga ang may pakana ng lahat ng ito. Baka pinapasubaybayan mo pa ako at ikaw rin ang nasa likod ng pangyayari kanina. Aminin mo,” mahabang wika ko at nagsalubong ang kanyang kilay. Nananakot na ako sa lagay kong ito. Inabot niya ang phone ko at binasa ang content ng article na iyon. Ni hindi ko siya nakitaan nang pagkagulat o nabahala man lang. Sa halip ay kalmado lang siya nang ibinalik niya ang phone ko sa center table. See? Pakana niya ito kaya wala lang ito sa kanya. “Hindi ko alam ‘to and yes, inaamin ko kanina na muntik na rin kitang mabangga dahil bigla ka na lamang sumulpot sa unahan. Hindi ko ‘yon kasalanan,” depensa niya. May oras pa siyang ipagtanggol ang sarili niya. “Bago pa kita makita sa parking lot ay may nagtangka nang bumangga sa amin ni Red at hinabol niya ‘yon--” “Sa tingin mo ba ay kaya kong gawin iyon sa ‘yo, Senator Ferrara? Kaya ba kitang saktan na mag-iiwan pa ako ng ebidensya? Puwedeng...may magawa pa ako na ikasisira ng reputasyon mo pero ang gumawa ng krimen? Masyado mong hinuhugasan ang pagkatao ko,” walang emosyon na tanong niya. Napatango ako at dahan-dahan na ngumisi. “Dahil ang totoo naman ay hindi kita kilala at ikaw lang ang may masamang motibo laban sa akin. Inuumpisahan mo na nga na siraan ako sa mga tao. Kaya...sino pa ba ang pagbibintangan ko kundi ikaw lang, doc?” nanunuyang tanong ko pa sa kanya. Hindi rin naman ako sigurado na kung siya nga ang hinahanap naming culprit. Pero baka rin na hindi nga talaga siya at wala siyang kinalaman dito. Kahit papaano naman siguro ay may konsensya pa niya na manakit ng ibang tao kahit hindi pa niya kilala. Pero ang ikinagagalit ko lamang ay kung bakit...may nakakuha sa amin ng litrato at nalaman nila agad na ako iyon? Hindi naman nakita ang mukha ko pero... Wala sa sariling kinuha ko ulit ang cellphone ko at hinanap pa ang isang site na kung may ibang article pa ba ang pinagpiyestahan ngayon ng mga media. Pagtatagpi-tagpiin nga nila itong lahat. Dahil same setting lang naman ito. Mariin na napapikit ako dahil may nag-upload din sa pangyayari kanina, and this time ay detalyado na nga. Picture lang naman ang kanina. Pinapalabas dito na may nagtangka sa buhay ko at nakompirma nila na ako nga ang kasa-kasama kanina ng doctor. Malinaw ang kuha sa CCTV camera. Sobrang talino nila para malaman nila ito ng mas maaga. Kung minamalas ka nga naman, oh. Ano naman kaya ang ginawa ni Dad para umabot kami sa ganito. Mas lalo lang lumaki ang problema ko. “Hindi mo ‘yon gusto, ‘di ba?” biglang tanong niya at hindi ko naintindihan ang pinagsasabi niyang hindi ko gusto. “Ano’ng sabi mo?” may bahid na iritasyon ang boses ko sa tanong kong iyon. Magsalita mismo siya ng diretso, huwag niyo akong guluhin. “Hindi mo gustong pumasok sa pulitika, alam ko,” lakas loob na sabi niya. “You’re wrong, doc. Kung dati man na ayaw ko nga at alam mo iyon pero hindi na ngayon. Maraming taon ang nakalipas at maraming nagbabago sa mundo, katulad ng passion na gusto ko,” pahayag ko sa kanya. “Maybe yes... At paano mo nga nasabi na ako ang gumawa no’n sa inyo? Maliban sa paniniwala mo na ako ang sumisira ng imahe mo sa mga tao?” interesadong tanong niya. “Dahil ikaw lang ang alam kong lumalaban sa akin ng walang pag-aalinlangan. Ang kabilang party ay hindi ganito ang mga plano nila. Gumagamit nga sila ng dahas pero ikaw?” nakataas na kilay na usal ko. “I’m a doctor. Sa tingin mo ay kaya mo talagang gawin sa ‘yo ang bagay na iyon?” “Sinabi mo na ‘yan sa akin at bakit ba nagpa-interview ka pa sa mga reporter? Iyan ang gusto kong malaman,” ani ko. “Ayokong maging presidente ka ng bansang ito,” sagot niya na ikinatawa ko nang malakas. “That’s it? Kaya ayaw mo nga ito ginagawa dahil lang doon? Nagpapatawa ka ba sa akin, doc?” tanong ko na may halong pang-aasar. “Yes. Ayokong maging presidente ka dahil hindi mo naman gusto ‘yan. Iba ang gusto mong marating, iba ang nais ng puso mo. Napipilitan ka lang na gawin ‘yan dahil sa Daddy mo.” Malakas na hinampas ko ang table at napatingin siya roon. “Wala kang karapatan para sabihin ‘yan sa akin. Wala kang kahit ni isang karapatan para kuwestiyunin ang gusto ko! At bakit ba tayo nag-uusap ngayon, doc?” Kinuha ko ang bouquet at tumayo. Lumapit ako sa kanya para sana ibigay ang bulaklak pero hindi sinasadyang matapilok ako dahil sa suot kong heels. Namilog ang mga mata ko. Babagsak ako sa table na gawa sa salamin at masakit ang pagkakabagsak ko kung sakali man. Malakas na tumili ako at kasabay nang paghila niya sa kamay ko. My heart beat faster again... Napapikit ako nang napaupo ako sa lap niya. Nasa baywang ko ang isang braso niya at sobrang higpit no’n. Napatitig naman ako ng diretso sa mga mata niya. Ano’ng klaseng tingin ‘yan?! Bumaba naman ang tingin niya sa paa ko. “Matibay ka. Natapilok ka rin kanina pero ininda mo lang ang sakit na ‘yon. Nagbanta ka pa sa akin, pero sa pangalawang beses ay muli kang natapilok. Tanggal ang angas mo, Senator Ferrara,” nakangiwing sabi niya at kasabay no’n na umalingawngaw sa loob ang maliit na pagbungisngis ng isang bata. “Meriah...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD