Chapter 22: Another issue
“BABALIK tayo sa hospital ng wala man lang tayong dala, Miamor? Hindi ba...ay gagawin mo na ang gustong ipagawa sa ‘yo ng Daddy mo?” tanong sa akin ni Red. Bigla akong na-stress nang maalala ko ang bagay na iyon.
Bakit ba pinauso pa ang public apologize para lamang bumango ulit ang pangalan mo? Kung puwede lang ay ako mismo ang magpapatanggal no’n.
“Public apologize lang ‘yon at ano naman ang dadalhin natin? The important is nagawa ko ang gusto ngang ipagagawa ni Dad sa akin. Alam mo namang napipilitan lamang ako na gawin ‘yon, right? And about the dala natin you mean is...kailangan nating magdala ng media para malaman na rin nila na sincere ang paghingi ko ng kapatawaran sa lalaking iyon at walang halong pagbibiro, script or fake whatsoever? Na siya naman talaga ang naunang gumawa ng issue at dinadamay pa ako sa trip niya,” walang ganang saad ko. Dahil iyon naman ang totoo.
May pa-interview-interview pa siyang nalalaman at lumalabas talaga na napakasama kong senator. Tss.
“Miamor...” Red uttered my name.
“Masyado siyang pakialamero na tao,” saad ko at nagngingitngit talaga ako sa galit. “But... Fine. Bumili tayo ng peace offering,” saad ko.
“Peace offering... Ano ang naisip mo na dadalhin natin para sa kanya?” tanong niya at napaisip naman ko. Yeah, ngayon lang ako mag-iisip nito. Ito ang unang beses na gagawin ko ang peace offering and a public apologize.
“Ayoko sa pagkain. So, pass,” I said.
“Hmm... So, what is it?”
“Dumaan tayo sa flower shop,” saad ko. Isang bulaklak ang gusto kong ipang-peace offering sa kanya.
***
Habang lulan na kami ng sasakyan ay wala akong ginawa kundi ang pagmasdan ang bouquet. I appreciated the beauty of these flowers but it’s not my forte. I don’t like this kind of thing... It’s corny for me.
And I wonder kung bakit nagiging romantic ito para sa mga babae basta ako, hindi ko gusto. May nagbibigay naman nito sa akin.
“You okay?” Red asked me. Napansin niya siguro ang pananahimik ko at nakatitig lang sa mga bulaklak. Pinaglalaruan din ng mga daliri ko ang maliit na dahon nito and the petals.
“I’m fine, Red. Napapatanong lang ako kung bakit gusto ng mga babae ang ganito... I wonder too. Why did you choose this white tulips? Ito na ba ang bulaklak para sa mga...you know?” natatawang tanong ko kay Red.
Gusto ko lang kasing inisin ang lalaking doctor na iyon. Dahil sa kanya ay kaya feeling ko miserable ang pagtakbo as a president of the country. As I said ay hindi siya ang isa sa magiging hadlang sa gusto kong gawin ngayon.
“No. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” naguguluhan na tanong niya.
“Ipaliwanag mo sa akin ang kahulugan nito. Why white tulips?”
“Like most white flowers, the white tulip is a sign or symbol of purity and innocence. It also symbolizes honor, respect, and forgiveness. It makes a great flower gift for a religious gathering, and also when trying to apologize to someone you’ve hurt,” her explanation and that made me upset even more. Napasinghap ako.
I dropped the flowers on the floor. Dali-dali namang pinulot iyon ni Red at inayos ang mga nabaling bulaklak doon.
“Goddàmn it!”
“Senator Ferrara... Calm down...”
“He doesn’t deserve this! White tulip, I agree with the symbol of purity and innocence but when trying to apologize to someone you’ve hurt?! Ha! I never hurt him! Kung siya pa ay oo, walang duda ‘yon. Palitan mo ang bulaklak, Red! Hindi ko gustong ibigay sa kanya ang white tulips!” sigaw ko at napapaypay ako sa sarili ko dahil sa kumukulong dugo ko na tumataas na sa ulo ko.
“Miamor... Ganyan talaga kasama ng loob mo sa doctor na ‘yon?” mahinang tanong niya na sapat na upang marinig ko. Napangisi ako.
“Iyong ginagawa niya sa akin, Red. Walang kapatawaran iyon kaya...bakit hindi sasama ang loob ko sa kanya? Alam mo naman ang nangyari sa akin noon. Ikaw ang unang naging saksi no’n, ‘di ba?” tanong ko na may panunuya pa sa boses ko. “Palitan mo na ‘yan,” mariin na utos ko.
Ni hindi ko kayang makita na hawak niya ito. Hindi niya deserve ang white tulips.
“Pero wala na tayong oras. Nandito na tayo sa hospital. Senator Ferrara,” aniya at napatingin ako sa labas ng bintana. Mabigat ang pagbuntonghininga ko. Gusto ko na tuloy mag-back out.
“Akin na!” sikmat ko kay Red at pagkabukas ng pinto ay agad akong bumaba sa sasakyan. “Nakahihilo ang araw-araw na magpunta rito. Tang-ina,” reklamo ko at hindi ko maiwasan ang mapamura dahil sa sama ng loob ko. Masama ko pang tiningnan ang bouquet.
Sandali ko namang ipinikit ang mga mata ko at para kumalma ang galit at inis sa dibdib ko ay huminga ako nang malalim. Dinama ko ang simoy ng hangin sa labas na humahalik sa mukha ko pero kumunot lang ang noo ko dahil titik na tirik ang araw at tumatama naman iyon sa akin.
Naglakad na lamang ako patungo sa entrance ng hospital. Nginitian at binati ko ang mga taong nakasasalubong ko na una akong pinapansin. Walang bago sa akin ang ganitong routine kapag nakikita ka ng mga tao at nakikilala.
“Nasa clinic po ba niya si Dr. Amero?” Red asked the girl.
“Si Dr. Jaickel po ba? Kalalabas lamang po niya kanina, eh. Kaya wala po siya sa clinic niya sa mga oras na ito,” sagot sa amin ng babaeng clerk. Kahit alam ko ang clinic or office niya ay nagtanong pa rin kami sa clerk para siguradong na nandoon siya. Pero kanina ay nasa ward siya ng mga pasyente na biktima sa sunog.
“Alam mo ba kung saan siya pumunta?” tanong pa ni Red sa kanya.
“Hindi po, Ma’am, eh.” Humigpit ang hawak ko sa bulaklak at nagngingitngit na naman ako sa galit. Parang kanina lang ay nandito pa siya, eh.
“Alam ba niya na sobrang busy kong tao at sasayangin niya lamang ang oras ko?” tanong ko na kasing lamig ng yelo ang boses ko. Kasabay no’n ang malakas na paglapag ko sa white tulips kaya nagulat ang babae sa ginawa ko.
Napaatras pa siya at napahawak sa dibdib niya. “S-Senator Ferrara? M-May appointment po ba kayo sa kanya?” magalang na tanong naman niya sa akin.
“Wala,” mariin na sabi ko at inirapan siya. Kinuha ko ulit ang bouquet. Sa lobby ako naghintay at umupo roon. Nanatiling nakatayo naman sa likuran ko ang apat na bodyguard ko at nasa tabi kong nakatayo si Red.
I looked at my wristwatch. Lunch time na kaya siguro lumabas ang lalaking iyon. Ayokong matapos ang araw na ito nang hindi ko nagagawa ang public apologize sa kanya. Para matapos na ang lahat at hindi ko na siya makikita pa.
“Sina Mommy at Meriah, Red? Nakauwi na ba sila?”
“Kaaalis din nila ayon sa sinabi sa akin ng mga bodyguard nila,” she replied.
“Good. I don’t like the idea na nasa isang lugar lamang sila, and you know what, Red? Noong lumabas kami from his clinic. Meriah uttered this... ‘bye, doc’ see? Ayokong maging close pa sila sa isa’t isa. Isang bangungot iyon para sa akin,” nanggigigil na saad ko.
Halos kalahating oras ang paghihintay namin at nang mahagip na siya ng mga mata ko ay mabilis akong tumayo.
“Speaking of the devil,” I blurted out. Hawak-hawak ko na ulit ang peace offering ko sa kanya at akmang lalapitan ko na siya nang bigla siyang tumawa at hindi lang iyon...
May kasama siya... Ang doctora na nakita ko sa office ni Dr. Lervin at ang babaeng ito na nagtatanggol sa kanya noong nagsalita ako ng hindi maganda. What’s her name again? Dra. Lucianne. That’s her name.
Palapit siya sa direksyon namin. Malapit din naman sa entrance ang bench na kinauupuan ko. Ang aliwalas ng mukha niya. Hindi mo makikitaan ng lungkot o kahit ano pa man. Parang ang saya ng buhay niya.
At sa paanong paraan ko naman siyang makikita na nahihirapan siya? Lalaki siya at natural lang na mabilis siyang makalilimot. Madali lang nilang gawin iyon.
“Ang sarap pala ng pasta nila. Balik tayo bukas doon, Dr. Jai,” narinig kong sabi ng babae at sinabayan pa niya nang mahinhin na tawa. Hindi na ako aware na ganyan na pala ang type niyang mga babae at ano naman ang pakialam ko sa bagay na iyon?
“Sure. Magiging paborito ko na yata ang pasta ngayon,” sabi naman ni Jaickel. He’s very happy.
“Mag-aaral akong magluto ng pasta tapos ikaw ang unang makakatikim no’n, Dr. Jai.”
“Wow, hindi ko ‘yan tatanggihan.” I rolled my eyes.
Naibaba ko ang kamay ko na may hawak sa bulaklak at biglang bumigat ang dibdib ko. Mariin na napapikit ako. Bakit? Bakit nararamdaman ko pa ‘to? Dapat wala na... Wala na sana akong mararamdaman pa ni kahit isang katiting na sakit... Dapat galit lang ang mararamdaman ko. Hindi ang sakit na makita siyang may kasamang ibang babae at masayang-masaya pa siya.
“Miamor...”
“Umalis na tayo rito, Red,” saad ko. Masakit sa mga mata ang nakikita ko ngayon. Tatlong hakbang lang ang nagawa ko nang may humawak na sa braso ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon.
Ramdam ko ang mainit na kamay niya kaya dahilan na tumaas ang balahibo ko sa katawan. Bumilis ang t***k ng puso ko at alam kong hindi ‘yon normal...
Unti-unti akong lumingon sa lalaki na sobrang lakas ng loob niya para hawakan ako.
“What the hell are you doing?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
“And how about you? Bakit bumalik ka rito? And what is this?” he asked me at sinuri pa niya ang dala ko. Ano naman ang pakialam niya kung bakit ako nandito? Hospital ito at maraming tao ang pumupunta, tsk.
“Ano naman ngayon sa ‘yo?” tanong ko at hindi ko ipinakita sa kanya ang inis at galit ko. Nanatiling kalmado lamang ako pero mahigpit ang pagkakuyom ng kamao ko.
“Nandito ka ba para sa public apologize mo sa akin?” tanong niya na ikinailing ko. Ang yabang, ha.
“In your dreams,” nakangising sabi ko at malakas na binawi ko ang kamay ko. Malalaki ang bawat hakbang ko para lang talagang makaalis na sa lugar na iyon.
“Wait,” I heard him saying. I plastered a grin on my face. What the hell, Miamor? Paanong ang lakas pa rin ng dating ng gagong iyon sa ‘yo?
Tandaan mo na isa siya sa naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo noon, Miamor.
Pagkalabas ko ng hospital at didiretso na sana sa kotse namin na naka-park sa hindi kalayuan na parking space nang nagsilapitan sa akin ang mga tao... Or rather the media...
“Mi...” I frowned when I heard him murmuring my name. How dare he is para tawagin pa akong ganoon!
“Don’t call me that, Dr. Amero. I’m Senator Ferrara,” sabi ko. Napaatras naman ako dahil susugod talaga sa akin ang mga taong ito.
“Senator Ferrara!”
“Oh my, God! It was confirmed na may relasyon nga silang dalawa!” Lumalim lang ang gatla sa noo ko dahil sa mga pinagsasabi nila.
“Senator Ferrara and Dr. Jaickel, puwede po ba namin kayong makausap na dalawa para lamang ikompirma ang mga lumalabas na naman na scandal ninyo?” tanong ng isang babae na nakasuot ng dilaw na jacket.
And wait a minute... Ano na naman ng scandal ang pinagsasabi nilang lumabas? What was that?
Hinarangan ko ang mukha ko para lamang hindi nila ako makunan ng litrato. Naiinis ako sa flashed ng camera nila. Nasaan na ba si Red at nang ilayo na niya sa akin ang mga taong ito.
Sa pag-atras ko naman ay tumama ang likod ko sa matigas na bagay at kasabay na hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ako agad nakapagprotesta dahil sa mga media na sinusubukan din akong lapitan. Ha, ang dami nila.
“Dr. Jaickel. Kaya po ba ginagawa mo iyon dahil ayaw niyong tumakbo bilang president ng ating bansa si Senator Ferrara?”
“Totoo po ba talaga ang sinabi mo na girlfriend mo siya?” Ano na naman ang kabaliwan ang sinabi niya?!
Alam kong si Jaickel na nga ang nasa likuran ko ngayon kaya bago pa lumaki ang issue naming dalawa ay dumistansya na ako pero hindi niya ako binitawan. Sa halip ay hinila pa niya ako kasabay nang pagharang ng mga tauhan ko sa mga media.
“Let me fvcking go!” I shouted him.
Hindi siya sumagot pero dahil sa ginawa niyang paghila sa akin at paglayo roon upang maiwasan ang mga umuulan na katanungan ng mga reporter ay alam kong posibleng madadagdagan na naman ang issue sa pagitan namin.
“Shut up.”
“Don’t touch me!”
“Puwede bang makinig ka na lamang sa akin ngayon? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” iritadong tanong niya. Aba, kung makapagsalita sa akin ng ganoon ay akala mo naman ay close na kaming dalawa?
“At sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? At sino ka para utusan mo ako? Hmm... Hindi ako nakikinig sa mga doctor na katulad mo lang. Ang yabang mo, ha,” sambit ko. Sinusubukan ko naman na bawiin ang kamay ko dahil sa mahigpit na paghawak niya sa akin pero ayaw niya talaga akong bitawan. “Ikaw na naman ang nagpasimula nito, ‘di ba?”
“Wala akong alam diyan. Nagulat din ako.”
“Let me go, dahil mas dinagdagan mo lang ang scandal nito.”